"Lalalalalala, ang leche flan. Lalalala, matamis at masarap na leche flan. Lalalala buksan ang pinto, pumuntang kusina. Lalalalalalala, kumuha ng kutsara at kumain ng dilaw at matamis na leche flan."
"Hang sharap, hmmm. Hang sharam sharam mahuhaymmm" nakapikit ako at kumakaain ng pinakamasarap na pagkain sa buong mundoo.
"Ate, akin na lang tong isa ha?"
"Oo naman, lima yan kumuha ka na lang" bumili ako ng marami, para pag nakaduty ako may kakainin ako. Saturday at Sunday lang naman ang araw ng pasok ko sa museum kaya wala akong pasok ngayon. Ang sarap talagang mabuhay."Ang sarap nito ate!"
namulat ko ang mga mata ko.
~____~
○___○
●___●Sinong nagsasalita? Lumingon ako sa tabi ko at may nakita akong bata. Batang mataba at nakakadalawa na ng leche flan na binili ko.
"Sino ka?" nangingilig akong napaatras sa kanya.
"Ate, wag ka matakot. Hmmmmalammmhhmmmoompaatimmamomnum."
Binigyan ko siya ng tubig para makain ng maayos yung leche flan. 1 na lang yung natitira sa precious baby leche flan ko. Loko tong bata na to ah.
"Ano? O ayan, magsalita kana. Sino ka at paano ka nakapasok sa pamamahay ko?"
"Hindi ba sinabi ni Aunt Marie? Dito na kami titira, kaya wag mo nang torturin ang kapatid ko. Ikaw si Klaudette diba?"
Sagot ng malalim na boses na galing sa bakanteng kwarto katapat ng kwarto ko. Lumabas siya at nagulat ako sa tangkad niya. Problema nito? Bakit kaya to nakasimangot? Hay. Sayang gwapo pa mandin, sungit naman pala.Ah ok ok. Anoooo? Akala ko dalawang babae ang magiging roomate ko.
Hindi ko inexpect na. Omay. Teka lang nagbubuffer ako."So, dito na kayo titira." Nananamlay ako. Naubos bigla energy ko.
"Yep. Pagasensyahan mo na si kuya. Pagod lang yan kaya hindi friendly. Salamat sa leche flan ate Klaud, naubos ko na yata. Sorry. Hahahahaha. Ako pala si Wee. Dwayne Yule Agustin ang pangalan ko at siya ang kuya ko si Yuki Darren Agustin, siya na lang ang magbabayad ng kinain ko ha?. "
Sabay kindat sa akin.○_○-ako
Napatingin ako sa matabang bata at sa kuya niya. Oo nga magkamukha nga sila. Parehas matangos ang ilong nila at may malalim na dimple. Parehas din na may kakapalan ang kilay nila.
"Wee, halika na. Maglinis ka na ng katawan at matutulog na tayo" Umalis na si Darren, mukhang pagod na pagod, san naman kaya tong mga to nagmula?
"Te..teka lang, kumain na ba kayo?"
"Oo, kanina sa byahe ate, sarap nga e. Sa sobrang sarap, napadami ang kain ng kuya ko. Sa huli di niya na napigilang mapa--jebs" natatawang kwento ni Wee, binulong niya lang yung huling words."Wee pag di ka pumasok, hindi ka kakain ng isang linggo!!!!" galit na galit na sigaw ni Darren.
Parang nagugustuhan ko na si Wee, kahit inubos niya ang mga babies ko. Napakadaldal niya, napakakabaligtaran ng kuya niya. Ayos may makakausap na ako, hindi yung parang baliw na nakaharap salamin at kinakausap ang reflection.
Humiga na ako. Pinatay ko na rin ang mga ilaw.
--After 1 hour--
Nagising ako sa lakas ng kidlat.
1:00am umilaw ang table clock ko sa gilid. Hindi pa naman ako natutulog ng buhay ang ilaw, at medyo malabo ang mata ko kaya hindi ko mawari kong tama ba ang nakikita ko.
binasa ko ulit ang orasan-- 1:00am.
Maygaddd nawawala yung unan ko. Anlakas ng ulan sa labas at kumikidlat pa."Shit.." teka bakit may katabi ako? Wee?
w(°o°)w
tinapik-tapik ko sa pwet si wee. Antok na antok pa ko. Wala pa akong tulog mula kahapon.
"Oy wee, bumalik ka na sa kwarto mo baka hanapin ka ng kuya mo." Inaantok pa talaga ako. May pasok pa ko bukas ano ba tong batang to.
*Banggggh!*--kulog
Nasasakal na ko, ganito ba siya katakot sa kulog? Pati paa naka salakay sakin. Hayy. Ang bigooot.Tinapik ko ulit sa may pwet.
*click*"Ouch! ang sakit sa mata."
May nag buhay ng ilaw. Hay sa wakas kukuhanin na ni Yuki si wee. Thank you Lord!
"Oy wee bumalik ka na sa kwarto mo, sinusundo ka na ng kuya mo" mahinahon kong bulong kay wee. Di ako makamulat sa sobrang liwanag.
"Kuya? Anong ginagawa mo dyan?" napahigop ng hangin si wee sa sobrang shock.
"Kuya, nagsleep-walk ka na naman!"
Anong nangyayari. Nagsink-in ang lahat ng makita ko si wee sa may pinto. Shaks. Kung ganun sinong wee ang nakayakap sa akin?Sinipa ko ng malakas si Yuki. Gumulong siya sa sahig. Shaksssss. Isa pa nga! Lumayas ka dito halimaw ka, huhuhu! Napangiwi si wee.
"Hmmmmmm--aray ko" tumayo siya at umalis na ng kwarto ko ng tulog.
"Ate, pasensya ka na sa kuya ko, masanay kana." umalis na sila at naiwan akong nagiisa sa kwarto, patay na ulit ang ilaw.
Σ(゚ロ゚)--ako (Panick, panick)
kinapa ko ang buong katawan ko. Wala namang nagbago. Kinuha ko yung cellphone ko at nagresearch.(Is it possible to be raped by a sleepwalking person?)
Σ(□_□)--ako
ibig sabihin, yung kayakap ko kanina ay si yuki? NOOOOO!Relax! Wala naman siyang natatandaan eh. Wag kang magpanick.
Yung pagtapik ko sa pwet niya, di naman na siguro niya alam yun. Di ko naman sinasadya eh. Simple lang, akala mo si wee yung katabi mo, madilim kaya wala kang makita. Inosente ka. Saka hindi niya natatandaan ang lahat. Tulog siya.Hay oo nga. Move on, move on.
