Simula
Helian
Minsan ka na bang tumitig sa isang tao at napatanong sa sarili ng, tang-ina, mahal ko na ba talaga 'tong kupal na 'to?
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging takbo ng isip ko ngayon. Bukod sa hindi na nakaiirita sa pandinig ang malulutong niyang tawa, parang . . . ang gwapo na rin niya sa paningin ko.
"Ian, seven seconds!" Reemo shouted then grinned while showing me a bottle of liquor. Nasa paborito namin kaming sports bar para sa kaarawan niya, pero heto ang gago, ako pa ang gustong buhusan ng alak sa bibig.
Birthday ko? Kupal na 'to.
I was slouching on the sofa with my legs parted like a man. My arms were resting on the backrest of the sofa while my right hand was holding my halfway done bottle of beer.
Yes, that's my name. Ian. Short for Helian. Siya ang nagpangalan sa akin ng lintik na palayaw na iyon dahil bulol ang lintik noong kinder kami. Next thing I knew, everybody is already calling me Ian. Bagay naman daw sa akin.
Para naman daw akong lalake.
Pinaraan ko ang dulo ng aking dila sa ibabang labi saka ako umayos ng upo. What I mean by that is I rested my elbows on my thighs while my legs are still parted. Of course, I'm wearing jeans. Kahit habulin ako ng itak, hinding-hindi ako magpapalda, ano!
Naging aktibista ako noong elementary at hayskul para lang ipaglaban ang karapatan ng mga babaeng ayaw magpalda. I almost got expelled if only Reemo didn't save my ass. Ngayong malaya na akong talikuran nang tuluyan at pakyuhan ang bawat palda sa mundo, bakit pa ako magsusuot no'n? Para ano? Maging tipo ni Reemo?
I sneered. Fuck you, Reemo. Mahal kita pero hindi ako magpapalda at kekerengkeng para sa'yo.
"Ian, come on!" muli niyang tawag.
I sighed. Dahil may kakulitan ang lintik, tumayo na lamang ako't pinagbigyan siya.
Reemo's grin turned into a sexy smirk. I chinned up and opened my mouth before I get lost in his sleepy brown eyes but the son of a bitch held me on my neck gently, right below my chin. Humagod pa ang hinlalaki sa aking panga bago nagtanong.
"Ready?"
I rolled my eyes. "Just do it."
Ngumisi siyang muli bago tuluyang binuhusan ng alak ang aking bibig. Bumilang naman ang aming mga kasama hanggang pito, at nang walang kahirap-hirap kong nainom ang alak na ibinuhos sa bibig ko, umugong na naman ang asaran.
"Saint Ian, patron of manginginoms! Ipanalangin mo kaming mga susuray-suray!" alaska ni Evan, isa sa mga kaibigan namin ni Reemo mula kolehiyo.
I showed my middle finger to him. Inakbayan naman ako ni Reemo saka niya tinungga ang sarili niyang bote ng beer. Nang makainom ay ipinasa niya sa akin ang bote saka siya yumuko nang kaunti upang bumulong sa akin.
"Sibat na tayo. Gusto ko ng mainit na bulalo."
I jugged his beer and put the bottle down. "Tara."
I know his capacity. Siguradong kung umisang bote pa 'to ay kakaladkarin ko na naman pauwi.
Sumenyas kami kay Evan na mauuna na kami. Nangantyaw pa ang lintik at sinabing baka may milagro kaming gawin. Naningkit tuloy ang mga mata ko. Syempre gusto ko 'yon pero kilala ko ang tipo ni Reemo kaya napipikon ako tuwing inaasar nila kami nang gano'n kasi alam kong hindi mangyayari!
Mawawarak na lang, kay Reemo na. Kaso sa mga sosyal na babae lang 'to tatayuan. Napasimangot tuloy ako nang masampal na naman ng katotohanan.
Inipit ni Reemo ang tungki ng ilong ko nang napansing nakasimangot na naman ako. "Napikon na tuloy." He looked at Evan. "Gago ka kasi, Evan. Alam mo na ngang hindi kami talo nito. Hinding-hindi kami magtitikiman, gago."
Evan smirked in a meaningful way then lifted a brow. "Talaga ba?"
Sige, ipilit mo. Malasin sana lovelife mo, tangina mo.
Evan showed his middle finger to Evan before he dragged me out of the bar. Nang makalabas at nakarating sa parking lot kung nasaan ang big bike ko ay sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.
"Huwag mo nang pansinin. Alam mo naman 'yon," paalala niya.
I sighed. Kinuha ko ang helmet ngunit inagaw niya't siya ang nagsuot sa akin. Napatitig tuloy ako, ang puso ay muli na namang nagwala kahit alam kong bawal.
Reemo, no matter how close he is, will always be out of reach. He likes women who screams elegance and class. Women who slay on high heels and sexy dresses. Hindi ako ganoon.
Bumubuhat ako ng sako. Magaspang ang palad ko dahil sa pagtatrabaho sa Sunflower farm namin. Madalas akong pawisan at nabababad sa araw. Makeup never touched my face, at ni minsan ay hindi ko pa naranasang maipa-salon ang aking kulot na buhok.
I will never be his type. Matagal ko nang tanggap iyon, kaya kung hindi ko susuwayin ang sarili ko, baka pati pagkakaibigan namin ay mawala sa akin.
I will never let that happen. If this is the only way I will have him without me losing myself in the process of winning him, then I'll settle for just being his best friend.
"Bagalan mo lang takbo. Nakainom ka," paalala niya.
I slightly punched him on his chest. "Ano namang akala mo sa'kin? Weak?"
"Of course not. Pero kapag naaksidente tayo, mas iiyakan ko pa ang magiging mga sugat mo."
I rolled my eyes to hide the effect of his answer to me. Thank God I'm already wearing my helmet. Kung hindi ay malinaw niya sanang nakita ang pamumula ng aking mukha.
"Tara na nga. Baka hindi pa natin maabutang bukas ang bulaluhan," dahilan ko.
He smirked. Maya-maya ay napatitig sa akin nang may katagalan. Nang tila natauhan ay humugot ng malalim na hininga saka sandaling yumuko bago muling nagsalita.
"Hindi mo naman ako type . . . 'di ba?"
Napakurap ako. Why is he asking me that? Nahalata ba niya na gusto ko siya? Shit!
"Gago ka ba?" asik ko kahit kabado na. Please, please don't sense my feelings. Baka hindi ko kayanin kung pati pagkakaibigan namin mawala sa akin dahil lang sa lintik na nararamdaman ko.
Pilit siyang ngumisi. "That's a clear no." He sighed then looked away. "Tara. Huwag mo nang pansinin ang tanong ko."
I jerked my head but instead of feeling relieved, I felt . . . bad. Bakit parang . . . hindi naman siya masaya sa sagot ko?
Palihim na lamang akong bumuntonghininga habang pinanonood siyang isuot ang helmet niya.
Ang hirap-hirap mong mahalin nang palihim, Reemo Esguerra . . .
BINABASA MO ANG
TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceReemo likes classy girls. Helian dresses up like she's going to punch someone in the face. Reemo likes soft-spoken girls. Helian talks like she's always trying to put up a fight. Reemo likes sweet smiles and tantalizing eyes. Helian smirks and rolls...