Aystine POV's
Maaga akong bumangon para mag-asikaso ng aking pang pasok. Isa akong Photographer meron din akong sariling shop na pinagawa ni Dad sa akin nung pag-kagraduate ko ng College.
Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso sa kusina para mag-luto ng Breakfast.
Nagluto ako ng pancake, egg, tocino yan kasi ang paborito ni Mom and Dad tuwing umagahan.
"Mom !! ...Dad!! Ready na ang Breakfast !" Pagyaya ko kila Mom and Dad.
Maya-maya ay bumaba narin sila at umupo si Dad sa center aile at katabi niya si Mom.Nakasanayan na namin ang laging ganito. laging sabay kumain.
"How's your Shop?"Seryosong tanong ni Dad habang tuloy sa pang-subo ng pagkain.
"Ayos lang po! Dad . Medyo nakakapagod nga lang po! Dahil hindi ako nababakantehan ng Cliente!" Magalang kong sagot kay Dad.
Tumango lamang si Dad at tuloy parin siyabsa pagkain ng niluto ko. Maya ay tumayo si Dad at umakyat uli sa kwarto niya Sunday ngayon kaya wala siyang pasok sa Opisina. Meron Kompanya si Dad, Kompanya ng pagawaan ng Chandelier at ibang pang Furniture.
"Mom!. Bukas shopping tayo matagal na rin tayong hindi nakakapag Bonding!" Alok ko kay Mom at tumango lang ito.
Nang matapos kaming kumain ay umalis si Mom para i-super vise ang mga worker sa paggawa ng furnitures.
Agad kong niligpit ang aming pinagkainan at inipon ko lahat iyon sa lababo at tinawag si aling Mersing ang katiwala namin dito sa bahay.
"Nanay Mersing pahugas naman ho! nito nagmamadali kasi ho ako e! Pasensiya na po!" Paliwanag ko kay Aling Mersing.
Agad akong tumungo sa banyo para maligo, madali lang iyo at dumiretso agad ako sa aking kwarto para mag bihis.
Nang matapos akong magbihis ay agad akong bumaba para pumunta sa garahe at para kunin ang aking sasakyan.
****
Agad akong pumarada sa harap ng aking Photoshop bumungad sa akin ang sandamakmak na customer buti nalang ay maagang pumasok si Claire para i-asisst ang mga customer ng Shop ko.
Dali-dali akong pumasok ng shop at agad akong binati ni Claire at ginantihan ko lang ito ng ngiti. Dumiretso ako sa aking Office room at inilipag ko ang gamit ko at lumabas uli para asikasuhin ang mga iba pang customer.
"Ma'am Aystine, pumunta po kanina dito si Sir Ryan hinahanap kayo!" Pangunguna sa akin ni Claire.
"Bakit daw importante ba?" Baling ko kay Claire.
"Wala po siyang sinabi e!" sagot nito.
Hapon na ng naubos ang mga customer at ang sa sakit ng aking mga daliri kaka kuha sa kanila ng litrato.
Napalingon ako sa aking cellphone ng biglang nagring ito at lumabas sa screen ang pangalan ni Ryan
Ryan:
I'll Fetch you ok!
Agad naman akong nagreply sa kanya. Ayaw niya kasing hindi siya nirereplyan.
Ako
Ok I'll wait here !
Agad kong nilapag uli ang aking cellphone sa aking tabi. Inayos ko ang aking gamit at ang mga paper works at ang mga idedevelop na pictures.
Nagulat ako ng may biglang bumusina na napakalas abot hanggang loob ng opisina ko.
Tumayo ako at lumabas ng opisina at bumungad sa akin ang sasakyan ni Ryan na kulay puti. Dali-dali akong lumabas ng shop at pumunta ako sa mismong sasakyan at kinatok ko ang tinted niya window at dahan-dahan itong ibinaba.
BINABASA MO ANG
Tadhana [ONE-SHOT]
RomanceAkala ko HAPPY na hindi pa pala, Akala ko Ending na hindi pa pala, Pagnagmahal ka hindi pwede hindi ka masasaktan. 'No Pain, No Gain!' Tama hindi ka matututo hanggat hindi ka Nasasaktan, Bakit ganon, hangga't di ka nasasaktan Di ka matututo. [A/N...