Hoy BULILIT!!! (Short story)

56 2 0
                                    

hi.. this is my new short story.. hope u like it.. kahit epic to msyado..hehehe sorry madalian lang to eh.. kailangan ko kasi tong ipasa para sa club namin...

 vote and comment na din kayo if you want.. tnx ^_______^

_______________________________________________________________________________

    “Hoy! Bulilit!” tawag ni James. Arrgh! Nakakainis talaga ang lalaking yan. bwiset. Oo alam kong maliit ako pero di naman niya kailangan ipagsigawan eh. Kainis! Bahala siya di ko siya papansinin!

 “hoy bulilit!” tawag niya ulit sa akin. Hmp! Never mind him nalang. Ay makakalimutan ko pa , magpapakilala muna ako. ako nga pala si Lhorilyn Mishka R. Republica. Yeah I know haba nang  name ko noh? Hehe si mama sisihin niyo. Okay back to the story. May nickname is len-len. At obviously maliit ako kasi “bulilit” ang tawag sa akin ng nung kutong lupang James Yuk nay un. Yeah koreano yun, half pala. I’m a fourth year student. at ang kapag minamalas ka nga naman kaklase ko naman yang James na yun. Kainis talaga four years ko ng pinagtsa-tsagaan yung ugali niya.

  “Hoy bulilit! Bulilit! Yuhuuuu? Bulilit yuhuuu? Ay nabinge ka na din? Ano ba yan bulilit ka na nga binge ka pa! hahaha. Bulilit na binge!” sabi niya. Walanjo naiinis na ako. kaya hinarap ko siya. Kaso wrong move eh. Sana pala din a lang ako humarap sa kaniya. Kasi…..

Nasa harapan ko mismo siya. At MUNTIK ko na siyang mahalikan. Shemay!  O///O ganyan tuloy ang face ko.

  “A-ano ba? T-tigilan mo na nga ako! nakakainis ka na ah” sabi ko tsaka ko siya tinulak. ano ba yan? Bat ako nauutal? Nakakainis… actually crush ko siya. Kaso lagi niya akong inaasar eh kaya ayun napalitan ng  ‘hate’  yung ‘like’  ko sa kaniya.

  Pagkatapos ko siyang itulak lumabas ako ng room. Pupunta muna ako ng C.R. feeling ko kasi namumula akoFirst time ko siya maka-fece-to-face. Hay ang gwapo niya talaga. Ay! Ano ba yang pinagsasabi ko? Tss. Erase erase.

 After five minutes lumabas ng rin ako sa C.R . okay naayos ko na nag sarili ko. Sa susunod nga hinding hindi ko na hahayaang makalapit ang mokong na yun sa akin ng ganun kalapit. Tss nawawala ako sa sarili ko eh.

  Naglalakad na ako ngayon sa may corridor namin pabalik sa room namin ng may tumawag sa akin. “HOY! BULILIT!”tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya tapos sa mga tao sa may corridor. Pinagtatawanan nila ako. ano bay an? Naiiyak ako. nakakainis siya. Bakit ba siya ganyan? Kailangan ba niya talaga akong ipahiya? Okay lang kung sa classroom eh. Pero dito sa buong campus? Sobra na toh.

“I HATE YOU JAMES YUK!” pagkasabi ko nun nagtatakbo ako. hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Basta ang alam ko lang ngayon naiiyak ako, ay hindi pala umiiyak na talaga ako at feeling ko napahiya ako ng sobra.

  “nakakainis naman kasi! Bakit ba ang liit ko? Lagi tuloy akong inaasar nung koreanong yun.” Yeah nagsasalita akong magisa.

 After ng ilang oras bumalik na rin ako sa room para kunin yung bag ko. Uwian na kasi namin. Kanina kasi nung pumunta ako sa C.R eh malapit ng magtime kaya eto nagsiuwian na sila. Siguro umuwi na rin yung kutong lupang yun. Teka bakit ko ba siya hinahanap? Kasi hindi manlang siya nagsorry sa ginawa niya? Tama yun nga. Haayy pabayaan mo na nga lang yun. Makauwi na nga lang.

*kinabukasan*

Naglalakad ako ngayon papasok ng campus namin ng Makita ko si James na masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Tss nakukuha pa niyang tumawa. Ni hindi pa nga siya nagso-sorry sa ginawa niya. Hmp!

  Nung malapit na ako sa kanila tinawag niya ako.

“Hoy Bulilit!” tawag niya sa akin pero di ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Nakakabanas na niya. Dire-diretso lang ako sa room

Haay salamat! Malapit na din maguwian. Kaso pinapababa kami sa quadrangle ni Mrs. Mae Yuk, principal namin. Siya nga pala nakalimutan kong sabihin sila James ang may-ari netong school.

 Ano na naman kaya ang sasabihin ni Mrs. Mae? Baka magtagal na naman siya sa speech niya. Tsss.

Lahat na kami nasa baba tapos yun na may nagsalita. Kaso di boses ni  Mrs. Mae yung narinig namin. Kundi boses ni JAMES? Anong ginagawa niya dun? Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip ng mokong na yun?  Then after ilang seconds…

 “Hello sa lahat ng estudyante ng JY Academy. Sorry kung naabala ko kayo. May importante lang akong sasabihin sa inyong lahat. Actually hindi po para sa sainyo pero gusto ko lang na malaman niyo to.” Nagpause muna siya. Tapos bigla siyang lumabas sa Audio Room. “para to sa nagiisang babaeng nilalaman ng aking puso simula first year pa lang. kaso mukhang ayaw naman niya sa akin eh. Kasi lagi na lang nakakunot ang noo niya paglilingon siya sakin. Kaya eto ako ngayon, susubukan kong magtapat sa kaniya.” Sabi niya tapos tumingin siya sa paligid. Parang may hinahanap. Hay ang swerte naman ni girl. Pssh wala na pala akong pag-asa. Haha. ASA naman daw ako. tss.  Tingin pa rin siya ng tingin hanggang sa napadako sa akin at dun na siya tumingin at NGUMITI?*dug.dug* hala ka dyan! Nagsalita ulit siya pero nakatingin pa rin siya sa akin.

 “HOY BULILIT!” sigaw niya. Kasi wala na siyang gamit na mic. Nagtinginan sa akin yung mga students. Shemay napapahiya na naman ako dito. Arrgh! Ano bang ginawa ko sayo ha JAMES YUK? Aalis n asana ako kasi di ko na kaya kaso bigla siyang nagsalita. “O WAG KA MUNANG UMALIS. BAKIT KA BA GANYAN? HINDI  MO MAN LANG AKO PINAPATAPOS MAGSALITA.” Then naglakad siya papunta siya sakin. “Hoy bulilit… alam mo ba? kahit na ang liit-liit mo? ikaw pumupuno sa puso ko?” huh? A-ano daw? Joke ba to? Shemay bat parang kinikilig ako? “gusto ko lang sanang itanong kung may space pa ba ako dyan sa puso mo. gusto kasing subukan pumasok at maging parte ng buhay mo eh.” SERYOSO ba siya? Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

 “LHORILYN MISHKA REPUBLICA. CAN YOU BE MY BULILIT GIRL?” oh em geee… hano daw?  Bu-bulilit GIRL? T-teka diba ako yun.? Bulilit? Tinignan ko siya sa mata baka kasi joke niya lang to eh. Pero mukhang seryoso talaga siya eh. He even say may whole name.

“Len-len I’m sorry sa lahat ng pang iinis ko sayo. I’m sorry kung napahiya kita kahapon. Sorry d---” “YES!” di ko na siya pinatapos. “Yes as in YES?” “Bakit ayaw mo?” “hindi noh. Di lang ako makapanilawa. I LOVE YOU MY BULILIT GIRL.” Hmp! Ayos n asana kaso may ‘bulilit pa eh’. Pero okay lang love naman niya ako eh. Hehe. “I LOVE YOU TOO JAMES YUK.”

________________________________________________________________________

THE END

Tnx :-)

Hoy BULILIT!!! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon