*******************************************************************************
Chapter 22
Paglabas ni Jillian ng bar tumambay muna sya sa labas nito para dun na muna magpalamig, ayaw na niyang bumalik sa loob dahil baka kung anong eksena pa ang makita niya ng may lalaking lumapit sa kanya.
"Hi..." bati nito, paglingon nya nakita nya ang lalaking nagbigay sa kanya ng drinks
"Hi..." simpleng ngiti lang ang binigay niya
"Why your here? nasan mga kasama mo?" tanong nito
"Uhmm... nasa loob medyo lumabas lang ako sandali..."
"By the way I'm Christian and you are?"
"Jillian..." sabay laahd ng kamay ng lalaki at kinuha naman nya yon.
"Nice name..." nakangiting sabi ng lalaki ng biglang...
"JILLIAN!" sigaw ni Marco, napalingon silang dalawa at nagbitaw ng kamay.
Bakas sa mukha ni Marco ang galit, nagtatangis ang bagang nito at nakakuyom ang mga palad.
"Sige Jillian I'll go ahead see you around..."
"ok..." matalim ang tingin niya kay Marco bago pumasok sa loob ng bar at iniwan ang lalaki sa labas.
Kinabukasan naisipan nilang mamasyal sa iba't-ibang lugar sa baguio. Wala naman magawa si Jillian kundi sumama na lang sa kanila kahit labag sa loob nya. Alam naman niyang hindi siya mageenjoy sa mga pupuntahan nila dahil makikita nya lang ang kasweetan nila Chelsea at Marco.
Una nilang pinuntahan ang Camp John Hay nagzipline sila at refelling medyo nag-eenjoy naman sya kahit papano sa kabigan nilang bading. Sumunod nagpunta sila sa Burnham Park, sumakay sila ng boat. Si Marco at Chelsea ang magkasama sa isang bangka nakita pa nyang inalalayan ito ng lalaki, silang apat naman ay sa ibang bangka.
"Swerte ni Chelsea kay Marco noh mabait at gwapo pa!!!" kinikilig na sabi ni Brenda
"Don't tell me type mo si Marco? sabi ni Candice, samantalang siya ay nakikinig lang sa usapan.
"Sino naman ang hindi makakapansin ng alindog ni Marco eh gwapo naman talaga..." patuloy ni Brenda
"Tumigil ka nga! mamaya marinig ka ni Chelsea magselos pa un"
Pagkatapos ay nagpunta sila sa Botanical Garden.
Jillian POV:
Habang nasa malayo kaming magkakaibigan at tinitignan ang mga picture sa DSLR ni Candice napatignin ako sa magkasintahan. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang saya at inlove sa isa't-isa. Napakaperfect nilang dalawa kahit sinong makakita sa kanila ay maiinggit maganda si Chelsea at gwapo si Marco bagay na bagay.
Nakita po pang niyakap ni Marco ang babae at hinalikan sa forehead, napapikit ako sa nakita sobrang sakit ng naramdaman ko parang may tumusok sa puso ko. Dapat ba talagang nandito ako? Napakamasukista ko naman at hinahayaan kong saktan ang sarili ko.
Totoo kaya lahat ng sinabi sakin ni Marco nung nasa puerto kami o pinaasa nya lang ako at gumaganti sya ngayon para pasakitan ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya noon?
Ang daming tanong sa isip ko, napansin ko na lang na unti-unti ng tumutulo ang luha ko agad kong pinunasan ito at baka mapansin pa ng mga kasama ko.
"Jillian ok ka lang?" tanong ni Randy kaibigan naming bakla
"Medyo masama lang pakiramdam ko... pwede bang mauna na ako" pagsisinungaling ko
"S-Sige... kaya mo na ba umuwi?" pag-aalala ni Candice
BINABASA MO ANG
I Love You My EX (Completed)
RomanceTeaser: Sinong mas matimbing ang kaibigan o ang minamahal? Masakit makita na ang taong mahal mo ay nasa piling na ng iba at higit sa lahat sa kaibigan mo pa. Paano ka magrereact? Paano mo sya ipaglalaban kung ito ay EX mo na....