Ibinaba ko ang bag na dala ko sa couch ng kuwarto ni Shalana.
Sa bago niyang kuwarto.
And guess where we are right now? We're in our old house.
Ang bahay na minsan na ring naging saksi ng kalungkutan at pag-hihirap ko noon. But I decided to forget about the past. Gusto kong palitan ang mapait naming nakaraan ng magandang kasalukuyan.
Umalis na kami sa hotel na tinuluyan namin simula noong nakalabas na si Shalana sa hospital.
Si daddy naman ay naroon parin sa ibang hospital at mukhang naghahanda pang harapin kaming lahat.
"Here's your vitamins and drinks. Kunin mo nalang mamaya kapag tapos ka nang kumain," I said.
I saw her lips rose and formed into a smile, "thank you, Shan. Nag-abala ka pa..."
"Of course I will. That precious life inside your womb is a blessing. At buhay niya ang nakasalalay kapag hindi kita inalagaan."
Umayos siya ng upo sa kama, "I was too scared, Shan. Natakot ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala si baby..."
I gulped and sat on her bed too. "I feel you, Shalana... Actually, I was in a trauma with that too. Alam mo bang may kakambal si Magnus? Pareho silang lumabas sa sinapupunan ko, pero isa lang sa kanila ang nag-survive. . ."
"S-shan..." Bakas sa mukha ni Shalana ang gulay.
I bitterly smiled as I wiped my tears. My chest numbed. I remembered how I mourned my little angel after her birth and death. "Halos hindi ako makakain at makakilos dahil sa sakit na nararamdaman ko. But I was too bad not to realize that Magnus was there. I still have another angel with me kaya hindi dapat ako mawalan ng lakas ng loob para lumaban. Minsan nga ay naisip ko kung bakit kambal ang anak ko e wala naman kaming lahing kambal. Si Keifer naman—" natigil ang bibig ko sa pagsasalita.
"It's all right. I knew Keifer was Magnus' dad. I mean, everyone knows about it."
"Hindi nga? Seryoso?" She shrugged her shoulders.
"Yes, milady. Magnus is a hard copy of Keifer. Isang tingin palang ay alam mo na. A-and it's sad to know that we weren't able to witness the other angel. My... niece? Bakit kaya nangyayari ito sa atin, Shan? Sobrang daming ganap sa mga buhay natin. Hanggang ngayon nga ay hindi ko parin lubos maisip na magkambal talaga tayo. Tapos ngayon namn malalaman kong may isa pa pala akong pamangkin. Na kambal ring katulad natin. Gosh. . . Ano na namang susunod?"
Natawa ako sa reaksyon ni Shalana. It was like I am looking at myself now that I see her smiling genuinely.
"I don't know. . . But I'll make sure that it won't be bad again. Sana naman ay maipagpatuloy na natin ang mga buhay natin nang masaya. . . What's your plan about your love life?" May kakaunting pag-aalinlangan pa sa boses ko.
Isang beses na sinuklay ni Shalana ang mahaba niyang buhok gamit ang kaniyang kamay bago huminga ng malalim at tumingin sa akin, "I will file an annulment. I want us to be free. After that, hindi ko na alam. Hindi naman ako sigurado kung kaya ba akong panagutan ni Wyatt kaya ayokong mag-assume."
"What the hell? Kung alam mo lang kung gaano kaalala si Wyatt sa'yo noong nasa giyera pa tayo. Kulang nalang maging invisible siya at puntahan ka nang mabilisan. He cares for you a lot. He loves you so much."
"I know." Kumunot ang noo ko. "I know he loves me but he's annoyingly pathetic. Kaunting kembot lang ng nanay nun ay talagang nakasunod iyon. Kaya hindi ako sigurado kung pipiliin niya ba ako o mas pipiliin niya ang nanay niya."
"Walang hiyang motherland pala 'yan eh! Gusto mo bang sugurin natin?"
"Ano ka ba Shan?! Don't be a bitch! Edi mas lalong hindi boboto sa akin 'yon!"
YOU ARE READING
Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]
RomanceMONTAIRRE SERIES #1: THAT BITCH IS MINE Keifer Joshua Montairre has been depressed for a vey long time. His mom cheated on his dad and it gave him an incomplete family. He had been resenting this man his mom had a relationship with. And it turns out...