Napabalikwas ng bangon ang binata ng makita ang pink na kisame ng kwartong tinutulugan niya. "Ugh" sambit ng binata dala ng kanyang hang over.
"Lala lalala lala lalala" nabaling ang tingin ng binata sa babaeng noo'y kalalabas lamang ng CR. Nakabihis na ito at nagpupunas ng kanyang basang buhok.
"Sino ka? Tsaka bakit ako nandito? Isa ka ba sa mga babae do'n sa club?" Inis na lumingon sa kanya ang babae at tinignan sya ng masama.
"Hoy! Anong babae sa club? Mukha ba kong kaladkarin? Pasalamat ka nga at tinulungan kita kagabi,kung hindi sa kalsada ka magigising ngayon! Iinom inom ka,hindi ka nagtitira ng pang uwi mo" tinalikuran siya ni Gianna at nagsimula ng mag-ayos sa tapat ng salamin para sa kanyang pagpasok.
"Ang sakit sa tenga ng boses mo. Alam mo masyado kang bungangera" tumayo ang lalaki sa higaan,nag ayos ng lukot na kwelyo at magulong buhok.
"Imbis na magpasalamat ka ganyan ka pa kung sumagot. Mga kabataan nga naman talaga" tinutukan niya pa ng suklay ang binata at saka isinuksok sa bag.
"Ahh sige 'yun lang ba? Salamat. Masaya ka na? Ge,alis na ko" pagkatapos niyon ay umalis na ang binata at naiwan doon ang dalaga.
Sa isip isip ng dalaga ay napaka bastos naman ng binatang 'to at napakawalang modo.
Nagsimula na syang magsuot ng sandals at tsaka binuksan ang pinto ng kanyang appartment para pumasok sa trabaho.- - - - - - -
"Good morning girl! Kamusta kagabi? Haha" bati ni Bella na may sarkastikong tono. Ngumiti lang sya at sabay umupo sa kanyang swivel chair at sabay inilabas ang mga papeles mula sa drawer ng kanyang office. "Anong ngiti 'yan? Did you guys *toot*?" nanglalaking matang pag-uusisa nito sa katrabaho. "Anong toot?" nakakunot ang mga noo ni Gianna.
"Virgin ?! Yung alam mo na" may pang aasar pang ekspresyon ang binigay nya habang sinasabi iyon.
"Ahh! Loka,anong akala mo sakin? Pang one night stand?" Sagot ng dalaga ng maintindihan din sa wakas ang sinasabi ng katrabaho.
"Asus,matanda ka na kaya pwedeng pwede ka na"
"Bakit mas nagmamadali ka? Nagkaka ubusan na ba?"
"Hindi naman sa ganun,kaya lang were not getting younger na sis. O'sya dito na muna ko,tatapusin ko lang mga paper works ko" tumango lamang sya at naupo. Sa isip isip ng dalaga tama ang kanyang katrabaho hindi na nga sila pabata at dapat naman na pagtuunan na nya ang ganitong bagay bago mahuli ang lahat at mapagiwanan siya ng panahon.*beep*
tumunog ang cellphone ng dalaga at sabay kinapa nya ito sa kanyang bag at kinuha. Tinignan kung sino man itong nagtext sa kanya.From: Matt
Good morning,wanna have lunch with me?Oo nga pala't nagkabigayan sila ng numero matapos ang gabing iyon na sila'y nagkakilala. Pinindot naman ng dalaga ang reply button at nagsimulang mag type...
To:Matt
Okay 😊 sabay tayo. I'll just text you later.Tumunog ulit ang kanyang cellphone ilang minuto lamang ang nakalipas.
From:Matt
Thanks. I'll wait 😊Napangiti pa ang dalaga sa reply ni Matt sa kanya. Parang ang saya sa kanyang pakiramdam na may nagyayaya sa kanyang kumain sa labas. Oo nga't may nagyayaya sa kanya dati pero mga katrabaho nya lamang ang mga ito o mga kaibigan.
"Pangiti ngiti na lang ha?" napalingon sya sa babaeng nagsalita at nakita nya si Angie.
"Masama bang ngumiti?" angal ng dalaga at saka bumalik sa ginagawa.
"Hindi naman,medyo iba lang ang aurang nararamdaman ko ngayon. Nag work ba?" pag-uusisa pa nito sa kanya. Hindi sya sumagot at sinubukang wag pansinin ang katrabaho.
"Uy,ano? Snob-an? Bisi busy-han ang ganap? Ano nga?!" pero sadyang napaka kulit nito at halatang hindi sya titigilan nito hangga't hindi sya nagsasalita at sasagot sa gusto nyang malaman.
"Oo na,sabay kaming magla-lunch mamaya" napangiti sya at ganun din ang katrabaho nya at halatang kuminang ang mga mata nito. Ito kasi ang tipo ng tao na mahilig mag match making eh.
"Finally! Oh wag mo nang palagpasin yan. Trabahuhin mo din yan. Oh sya dito nako. Grabe! So happy for you girl" tumatawa pa ito bago sya talikuran at bumalik sa office nito. Napailing nalang ang dalaga at patuloy sa kanyang paggawa sa trabaho.
Ilang oras pa ang lumipas at napatingin sya sa kanyang relo. Nakita nya ding nagtayuan na ang mga katrabaho nito mula sa kani kanilang pwesto kaya't tumayo narin sya matapos mag ayos.
"Oh Gianna,tara na lunch na tayo" aya ni Bella sa kanya na akay akay din ang isa pa nilang kaibigan at katrabaho na si Angie.
"Ahh,sorry hindi ako makakasabay ngayon kasi--"
naudlot ang kanyang pag sasalita ng sumabat si Angie.
"Sabay sila maglalunch ni Matt kaya hayaan muna natin sya"tatawa tawa pa ito.
"Talaga? Oh sige balitaan mo nalang kami. Una na kami" Nauna ng umalis ang dalawa at naiwan sya doon na umiling iling na lamang. Kinuha nya ang cellphone mula sa kanyang bag at tinext si Matt.To:Matt
Lunch break na namin.
From:Matt
Susunduin kita. Wait me up 😊Hindi na nagreply ang dalaga at bumaba na lamang at naghintay sa binata mula sa tapat ng kanilang company. Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa tapat nya at bumaba ito mula sa sasakyan. Nakita nyang ito na ang kanyang hinihintay.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong nito atsaka binuksan ang pinto ng kotse at sumenyas na pumasok na sya. Pumasok naman si Gianna at gayundin ang binata.
"Hindi,kabababa ko lang din" tumango lamang ang lalaki at ngumiti sa kanya. Nabigla sya ng biglang lumapit ito sa kanya hanggang sa...
"Put your seat belt on" nakahinga ng maluwag ang dalaga at akala nya'y kung ano na. Napangiwi nalang sya at nagsimula namang paandarin ng lalaki ang kanyang sasakyan.Biglang huminto ang sasakyan nito sa isang restaurant. Bumaba ang lalaki at pinagbuksan naman siy nito mula sa kabila. Sa isip ng dalaga ay napaka gentleman naman nitong lalaking ito.
"Thank you" sabi nya habang pababa sa kotseng kanyang sinakyan. Kinuha ng binata ang kanyang kamay at nagsimula na silang maglakad at pumasok sa loob. Nakadama naman ng di maipaliwanag na kilig ang dalaga. Damang dama nya ang malaking kamay ng lalaking kasama nya. Huminto sila sa tapat ng isang lamesa at may ibang taong naroroon. Isang sopistikadang babae at isang matipunong lalaki na sa tingin nya'y nasa edad na 40 pataas ang mga ito. Mukha talaga silang kagalang galang at talaga namang mayayaman.
"Ma,Pa si Gianna po" pagpapakilala ni Matt sa kaharap nila na mga magulang pala ng lalaki.
"Magandang umaga po" bati ng dalaga at sabay ngumiti. Tumangi lamang ang babae sa kanya pati narin ang asawa nito.
At nagsimula na silang umupo.
"Nasaan po pala si Philip?" pagtatanong ng binata sa kanyang mga magulang.
"Hindi ko na nga alam dyan sa kapatid mo Matt. Kakauwi lang mula Amerika hayan at ngayon lang umuwi sa bahay animo'y may tama pa ng hang over" pagpapaliwanag ng papa ni Matt sa kanya na may halong panggagalaiti sa boses nito.
"Hayaan mo muna sya,mabuti nga't bumalik dito sa atin. Magkakasundo din kayong mag-ama huwag mo lamang pwersahin ang bata" sagot naman ng asawa nito sa tatay ni Matt.
"Hayy,hindi ko na alam sa batang iyan" napasapo na lamang ito sa ulo nya animo'y isang malaking sakit sa ulo ang tinutukoy ng matandang lalaking ito.
"Pa,'wag nyo po munang isipin yan ako na pong bahala sa kanya. Kumain na po tayo" tumango ang matanda sa kanya at nagsimula na silang kumain habang nagkukwentuhan."Hija,ikaw ba'y anong trabaho mo?" Tanong ng matandang lalaking katapat nya.
"Ahh employee po ako sa isang shoe company" sagot niya dito.
"Really? You know what? I love shoes" sabat pa ng matandang babae mula sa tabi ng asawa nito.
"Talaga po?" Nakangiting reaksyon ng dalaga mula sa sinabi ng matandang babae.
"Yeah,when mama receive gift from us or from his friend its always a shoes. Tuwang tuwa sya lagi" nakangiti pang sabi ni Matt habang nakatingin sa dalaga. Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan nila hanggang sa matapos ito at sabay sabay silang lumabas."Mauuna na kami ng papa mo" ngumiti ito sa dalawa at inakay na ang kanyang asawa sa kanilang kotse.
"Sige po,ingat kayo" sagot ng binata atsaka kumaway sa kanyang mga magulang. Ngumiti lamang si Gianna sa kanila. At umalis na ang mga ito hanggang aa hindi na nila ito matanaw. Silang dalawa na lamang ang naiwan."Ihahatid na kita pabalik sa office mo" sambit ng binata sa dalaga.
"Sige,thank you" sagot naman nito sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
RandomKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...