Chapter 10
Unti-unting umangat ang gilid ng labi nito, yumuko siya para itago iyon. Inilingin ko ang ulo sa gilid para itago rin ang ngiti sa labi.
"Tara na nga!" sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin, the emotion in his eyes says that he is happy. This is one of the rare moments of him being this delighted.
Iniwan ko na siya at nauna nang pumasok sa loob ng sasakyan, sumunod rin naman siya ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha. Nanliit ang mata ko sa kanya, nakakaramdam na ako ng hiya.
Bakit ko ba sinabi 'yon? Pero hindi naman ako nagsisisi.
"Then what am I? Your special friend?" natatawang sabi nito nang maka pasok na sa loob ng sasakyan.
Kumunot ang noo ko. Nagsisimula nang uminit ang pisngi.
"Huh? May gano'n ba?"
Tumaas ako kilay niya. He shrugged his shoulders proudly.
"Ako?" mayabang na sagot niya.
Natawa na rin ako. I bit the inside of my cheeks to stop myself from smiling. Parang may sarili buhay ang katawan ko at hindi ko mapigilan ang magreact.
"Umuwi na tayo." utos ko.
Pinaandar naman niya na ang sasakyan, akala ko mang aasar pa siya e. Habang pauwi ay nililingon lingon ko siya, ngumingiti ito na parang may naalala.
Itinuon ko nalang ang atensyon sa labas, the atmosphere tonight seems different. It's light but bothering at the same time, like this will not last.
"O! Tignan niyo ha, mapapatayo ko nga. Nagawa ko kanina, hindi kasi kayo tumitingin e!" reklamo ni Kalel, finlip niya ulit ang water bottle sa mesa.
Tumayo iyon, "O! 'Di ba!" pagmamalaki niya,
"Wow," sarkastiko na sabi ni Amiel at kunyari pang pumalakpak.
Nakatambay kami ngayon sa canteen, dahil may event ngayong araw ay walang klase. Ang mga officers lang ang busy sa paghahanda ng event kaya wala sila Wyatt dito.
"Hindi ako ang magbabalik niyan, nag usap-usap na tayo kanina!" reklamo ni Kalel sa mga tray na pinaglagyan namin ng mga pagkain kanina.
"Pio, ikaw na!" utos ni Dan kay Pio.
"Bakit ako? Utusan niyo ba ako?"
"Gabi, asan si Inah?" pagtataka ni Hannah,
"Tanong niyo si Wyatt." sagot niya.
"Nagbago na ang ihip ng hangin? Puro aral ginagawa ni Wyatt. Wala naman siyang hilig sa mga ganoon." singgit ni Dan.
"Bagong tao na si Inah, pati nga mga hilig nagbago na." natatawa at makabuluhan na sabi nito.
Nawala ang tingin ko sa kanila nang dumaan sa di kalayuan sila Caden kasama ang mga kaklase niya, pagkatapos nilang bumili ng pagkain ay humanap na sila ng mesa. Sakto pang kapantay ng linya ng mesa namin ang pwesto nila, ilang mesa rin ang pagitan namin. Pero umupo siya kabilang dulo, dahilan para magkaharap kami dalawa, dahil sa dulo rin ako ng upuan naka-upo.
Our eyes met, he suddenly smirked and I accidentally mirrored it. Napayuko ako kinagat ang labi. Ano bang nangyayari sa akin? Dati ay naiinis ako pag ngumingisi siya, ngayon ay sinasabayan ko pa.
"Oy, pigilan mo nga 'yong bestfriend mo," siniko ni Hannah ang katabi na si Kalel, sabay silang lumingon kay Caden.
"Matutunaw na si Yara sa titig."
Binalik na ni Kalel ang tingin sa akin, parang sinusuri ako. Napalunok ako, bakit may nakakaguilty ba Yara? Bakit ka kakabahan?
"Tignan mo rin 'yang bestfriend mo, mukha bang mapipigilan pa 'yan?" balik ni Kalel kay Hannah.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomantizmAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...