Chapter 7: PLAN D: Duncan?

701 14 5
                                    

Sobrang puyat ako today. Huhu Kaya naman nakapatong yung ulo ko sa arm ng chair ko. Inaantok pa rin talaga ako. SOBRA!

Kasi naman, kung anu-ano nagrereplay sa utak ko nung matutulog na sana ako kagabi. Tapos naalala ko pa yung amoy niya. Kung pwede lang na suntukin ko sarili ko kagabi para maknock-out ako para makatulog agad ginawa ko na.

At hindi lang yun prinoproblema ko ngayon, dumaan ako sa bulletin board ng drama club kanina para tignan yung listahan ng mga may call-backs na actors/actresses/singers/dancers/musicians at nandun ang pangalan ko.

Akala ko nag-jo-joke lang yung adviser nila, pero totoo pala talaga, tama pala pagkakarinig ko sa kanya kahapon.

Ayaw kong mapahiya sa harapan mamaya, pero ayaw ko rin naman makuha.

Pinag-iisipan ko pa kung kakanta ba ako mamaya or tatakas na lang ako. Iiwan ko na lang yung susi sa isang tao dun. Kahit na matagalan yung punishment ko wag lang akong kumanta.

Ayaw kong masali sa presentation, pero kung sakali man na papakantahin talaga ako mamaya ayaw ko namang magmukhang shungah. Ayaw ko ngang malait na panget ang boses at feeling na maganda ang boses.

There’s no way!

“Min!!!” tawag sa akin ni Luna, “Halika, may ishe-share ako, dali!” tinawag niya ako na tumabi sa kanya sa likod.

Umupo ako agad sa tabi niya, “Kahapon, sana nakita mo akong makipag-sparring kay Paulo!!! Natalo ko siya!” Si Paulo yung crush niya since forever, dati na kasi silang mag-schoolmates nung elementary sila, tapos ngayon ulit.

“Wow! Nagpatalo ba siya or natalo mo talaga siya?” saka ako tumawa, pinalo niya tuloy ako sa balikat. “Ouch… pikon lang? HAHA”

“Natalo ko kaya talaga siya! SWEAR!!! As in super!” dinetalye niya yung sparring nilang dalawa pero hindi ako makafocus sa kwento niya kasi naman, may awkward moment kami kahapon ni Duncan, tapos kakanta pa ako mamaya. Eh nandun siya, ibig sabihin nun magkikita kami.

“Hui!!!” niyugyog niya ako. “Hindi ka naman nakikinig eh,” then she pouted. Ang cute-cute talaga niya when she pouts. HAHA Sarap pisilinin ng pisngi.

“Sorry, it’s just that…” tinignan ko siya ng matagal, “Don’t tell anyone… kasali ako sa presentation para sa foundation day.” Hindi man lang siya nagulat.

 

“Di ba yun naman talaga yung punishment mo?” pamukha pa talaga niya.

 

“OO!!! Pero kasi as trabahador lang dapat, not a character or whatever. Tigagawa lang dapat ako ng props, ganun! Hindi kakanta!!!” frustrated kong sagot.

“Kakanta ka? Seryoso? WOW!!! Exciting yan Min!!!” Napatayo siya at pumalakpak sa tuwa.

I Think I've Met My Match <fin>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon