Chapter 1

9 1 0
                                    

THE afternoon sun painting the landscape and river below autumn orange is a breathtaking event for Alec Saavedra. A front office staff in Oriental Hotel. The most famous hotel in the country.

He was on his way to his work when he suddenly stopped at a bridge to admire the beauty of the setting sun. The sound of his ringing phone jarred Alec’s thoughts back to the reality.

“Hey! Where are you? Mag aalas-sais na. Male-late ka sa duty mo!”

“Sorry. I’m on my way!” sagot niya sa kaibigang si Robert na siyang makaka-relyebo niya sa trabaho.

Isang beses pa niyang nilingon ang papalubog na araw at ang kulay kahel na kalangitan. Muntikan pa siyang mahuli sa oras ng trabaho dahil dito.

Kung sana lamang ay hindi nagkasakit ang kaniyang ina ay hindi niya kakailanganing mag doble-kayod. Sa isang araw kasi ay dalawang shift ang pinapasukan niya. Isa sa umaga, mula alas-sais hanggang alas-dos ng hapon, at isa naman sa gabi, mula alas-sais ng hapon hanggang alas-dos ng madaling araw.

Nasanay na lamang siya sa kakarampot niyang tulog sa bawat araw. Malaki rin ang nabawas sa kaniyang timbang dahil dito. Ngunit nananatili pa rin ang kakisigang tinataglay ng binata.

Para sa kaniya ay sulit ang lahat ng sakripisyong ito basta’t mapahaba lamang niya ang buhay ng kaniyang ina. Lumaki siyang walang ama. At tanging ang ina at lola lamang niya ang nakasama niya mula pagkabata hanggang sa ngayong maituturing na siyang isang working adult.

Ang kumakaway na si Robert ang sumalubong sa kaniyang mga mata nang dumating siya sa lobby nang pinagtatrabahuan na hotel. Halata sa lalaki na nagmamadali ito.

“Bakit ba madaling-madali ka yata?” tanong niya sa lalaki.

Kapansin-pansin naman ang kislap sa mga mata ng lalaki sa katanungan niyang ito. “I’m going on a date.” Nakangisi pang sagot ni Robert.

“Again? Parang kakatapos mo lang makipag-date sa girlfriend mo kahapon huh?”

“That my friend is my original girlfriend. This chick I’m going with is just one of my side chicks.” Pagmamalaki pa ng lalaki.

Napapailing na lamang si Alec dahil sa lalaki. “You cheating bastard. I hope you get busted by your girlfriend.”

“Just don’t tell her and I won’t be busted. Hayaan mo at ihahanap kita nang makaka-date mo. I got you bro!”

“Alam mo namang malaki ang responsibilidad ko at wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay,” sagot naman niya rito. “Umalis ka na at baka magbago pa ang isip ko’t isumbong kita sa girlfriend mo!”

Natatawa namang tumakbo palabas ng hotel si Robert habang naiwan naman si Alec na napapailing pa rin.

Hindi naman siya against sa usapin nang pakikipag relasyon pero hindi lang talaga ito ang focus niya sa mga panahong ito. Hindi pa siya handang mag lustay ng pera bukod sa pamilya niya.

I am so young but, why do I feel like I’m running out of time? Alec thought.

Pinalis niya sa isipan ang isiping ito nang mapansin ang pagpasok ng isang napakaputing babae. Bagsak ang tuwid na tuwid na buhok nito habang nakangiti sa kaniya kahit nasa malayo pa ito sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit pero para bang may kakaiba sa dalagang papalapit sa kaniya. Para sa kaniya ay hindi normal ang kaputiang tinataglay nito. Para kasi sa kaniya ay nag liliwanag ang buong katawan nito.

“Myleen,” tawag niya sa kasamahang nasa tabi niya ng mga sandaling iyon. “Can you see it? Ang weird ng babae oh… nagliliwanag ang buo niyang katawan.”

LUNAWAN: The Devil's VesselWhere stories live. Discover now