"Assumera ka lang, bhie. Halata naman na sa baby mo niya 'yon sinabi, hindi sa'yo. Tsaka, bakit naman siya mag-i love you sa'yo, aber? Jowa mo ba siya?"
Matapos makaalis ni Kaiden sa unit nito, naiwan si Dreams na puno ng katanungan sa kanyang isipan. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sinabi ni Kaiden. Nakikipagkompetensya pa siya sa kanyang anak sa tatlong salita na 'yon na narinig niya sa doktor. May parte sa kanyang nag-aassume siya na para 'yon sa kanya, may parte naman na baka tama si April na para sa anak nito dahil nagsisimula ng matanggap ito ni Kaiden.
Kahit hatinggabi, binulabog niya si April na noon ay mahimbing na ang pagkakatulog. Kinakailangan niya ng makakausap ukol sa bagay na 'yon at hindi na niya kayang ipagpabukas pa. Papatayin siya ng sarili niyang utak hangga't hindi niya nalilinawagan sa bagay na 'yon. Ayaw niyang mag-assume dahil baka sa huli ay mali siya ng akala.
"Bes, kakaibang-kakaiba 'yong paraan ng pagtitig niya sa akin kanina. Alam mo ba 'yong mga nakakalaglag panty niyang mga mata, para bang nakikipag-usap na animo'y para sa akin talaga 'yon. Ayokong mag-assume pero what if para sa akin talaga 'yon? Ibig bang sabihin non, mahal na ako ni Daddy Dok?" Pangrarant nito habang hinahaplos-haplos niya si Doky na nasa kanyang bisig.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni April sa kabilang linya. "Hindi ko masasagot ang bagay na 'yan, okay? Ang mabuti pa, sa kanya mo tanungin mismo para malaman natin kung patutunguhan 'yang pag-aassume mo." Suhestiyon ni April.
"E nahihiya ako. Baka isipin non isang i love you lang, tunaw na 'yong galit ko sa kanya."
"Bakit hindi ba? Sa lagay mo ba ngayon hindi ba nalusaw 'yong galit mo sa kanya, ha?"
"Oo galit ako pero ibang usapan 'yong pagsabi niya ng i love you sa akin o kay baby, 'no."
Matapos ang mahaba-haba nilang chikahan, nauna ng sumuko si April dahil antok na antok na ito. Maghahatinggabi na rin kasi at hindi na kayang pigilan ni April ang kanyang antok. Nakaramdam naman ng awa si Dreams saka guilt dahil naabala niya pa ang kanyang kaibigan. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang kanyang kaibigan. Bukas na lamang nila ipagpapatuloy ang kanilang pagchichikahan.
Napatayo si Dreams at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig at konting makakain dahil nakaramdam siya ng gutom. Kahit galit siya kay Kaiden, kumuha siya ng makakain sa ref nito ayon sa sinabi nito kanina. Kinuha niya lahat ng nais na kainin na naroon sa ref, hindi niya pinalamoas ang mga donut, ice cream, saka 'yong paborito niyang mansanas.
Pagkabalik niya sa sala, kaagad nakuha ng kanyang tingin ang kanyang selpon na nakalapag sa mesa. May kung anong espiritu ang nagtutulak sa kanya upang tawagan si Kaiden at tanungin kung para sa kanya ba talaga 'yong i love you o para sa kanyang anak. Para bang hindi siya makakatulog ng mahimbing hanggat hindi siya naliliwanagasa bagay na 'yon.
"Tatawagan ko ba siya?" Tanong ni Dreams sa kanyang sarili habang nakatitig sa contact icon ni Kaiden sa kanyang selpon. "Kung tatawagan ko naman siya baka isipin non na masyado akong naapektuhan sa pagsabi niya ng i love you tapos iisipin non na may gusto ako sa kanya. Kapag tinanong ko naman kung para sa akin 'yon, paano kapag hindi talaga? Edi napahiya 'yong ganda ko don. Psh!"
Padabog na lang siya bumalik sa pagkakaupo sa sofa saka itinuon ang pansin sa panonood ng TV pero kahit na anong focus ang gawin niya, hindi siya kayang tantanan ng utak niya. Napapatingin at napapatingin pa rin siya sa kanyang selpon. Wala siyang nagawa kundi ang pabagsak na ibinaba 'yong kinakain niyang ice cream saka kinuha 'yong nagmumulto niyang selpon. Binuksan niya ito at nagtungo sa list of contacts at kaagad na bumungad ang pangalan ni Kaiden na animoy nagpaparamdam talaga.
"Bakit ba masyado akong apektado? Nag i love you lang naman siya ah, hindi pa sure kung para sa akin o para kay baby 'yon. Anong inaarte mo ngayon, Dreams? Tsaka, galit ka sa kanya? Jusko! Isang i love you lang, tiklo ka na girl?" Pakikipag-usap nito sa kanyang sarili na animo'y sinesermonan upang matauhan siya. Hindi na niya ganon inisip pa si Kaiden at sinubukan niyang hulihin ang antok dahil madaling araw na.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...