Kabanata 1

4.1K 68 6
                                    

Kabanata 1

Helian

"Gagala ka na naman, Helian! Naku, sinasabi ko sa'yong bata ka kapag ikaw naaksidente diyan sa kamomotor mo!" ratrat ni Tyang Maricon sa akin. Ang tiyahin kong umampon sa akin matapos akong iwan ni Mama noong nag-Japan siya.

My mother had me when she was sixteen. Aksidente lang daw. Nabundol yata ng tite kaya sinabing aksidente. Pagdating ng dise-otso, napagtanto raw ni Mama na hindi siya handa sa responsibilidad.

Si Tyang naman, limang taon na noong kasal pero hirap magkaanak dahil sa problema sa matres. Dahil kating-kati nang marindi sa iyak ng bata tuwing madaling araw, hindi nag-atubiling kupkupin ako kahit walang kasiguraduhan kung babalikan pa ako ni Mama.

Bungangera lang si Tyang pero sinat pa lang halos itakbo na ako sa ospital. Noong niregla nga ako, kung ano ang tinagal ng dalaw ko, siya ring tagal ng pagmumukmok niya dahil dalaga na raw ako. Magbo-boyfriend na. Mag-aasawa. Iiwan sila ni Tyong Pogi.

Hindi naman pogi. Malakas lang yata ang amats kaya gustong iyon ang palayaw.

Anyway, mag-aasawa? Paano ako mag-aasawa kung binibespren ako ng gusto kong wumarak sa'kin? Tang inang buhay 'to. Habambuhay yatang tigang. Ba't kasi nababaduyan ako sa pagiging malambot na babae? Pusong babae naman ako. Asta lang naman ang medyo tagilid pero hindi naman ibig sabihin no'n ay gusto kong magkaroon ng angkan ng gagamba sa pagitan ng mga hita ko.

"Ang aga-aga, Maricon bunganga mo na naman ang dinig sa buong Helian's Sunflower Farm!" asik ni Tyong Pogi. May dala pang tasa ng kape nang puntahan kami sa maliit na kubo kung saan inaayos ni Tyang ang seedlings para sa bagong batch ng sunflowers.

"Isa ka pa! Kinukunsinti mo kasi 'yang anak mo—"

At muli na ngang nagtaboy ng masasamang espiritu ang bunganga ni Tyang. Kaya yata swerte ang farm. Marinig pa lang ng masasamang elemento ang boses niya, umaatras na.

"Babalik din ho ako kaagad. May lakad lang kami ni Reemo. Sasamahan namin si Righael at alam naman ho ninyo ang kwento ng buhay no'n," dahilan ko.

Umayos ng upo si Tyang. "Hindi pa rin ba umuuwi ang asawa? Aba, tatlong taon na, ah?"

Marites talaga 'tong si Tyang. Biglang humihina ang boses kapag nakikichismis. Naku! Kung hindi ko lang mahal 'to.

"Hindi pa ho, at baka hindi na umuwi." Tumayo ako't nag-inat. "Gano'n ho talaga ang buhay. Nanay ko nga hindi na umuwi, eh. Puro lang post sa Facebook ng pictures nila ng pamilya niya."

Lumamlam ang mga mata ni Tyang. "Hayaan mo na, 'nak. Nandito naman kami ng Tyong Pogi mo. Marami ka namang kapatid na panabong."

Peke akong umismid nang hindi na sila mag-alala. "Oo, Tyang. Kasing ingay n'yo rin."

"Aba't!"

Humalakhak ako nang akmang kukurutin niya. "Sige na ho. Maliligo na ako. Dadaanan ako rito nina Reemo."

Tumalikod na ako't mabilis na naglakad pabalik ng bahay. Ilang metro rin ang layo no'n sa kubo kaya nang makahakbang palayo ay pasimple ko silang nilingon.

I sighed when I realized that they're probably discussing about me and my mom. Ayaw nilang magtanim ako ng sama ng loob kay Mama, pero masisisi ba nila ako kung noong isang beses na binati ko si Mama ng happy birthday sa picture niya sa Facebook, binura niya ang comment ko at mabilis na sinabihang huwag ko siyang tatawaging Mama kapag may ibang nakakakita o nakakarinig?

It was like she's so ashamed that she had me. That I was part of the past she was trying to bury.

Bumuntonghininga ako. Wala naman akong magagawa. Hindi ko rin ipipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw naman sa akin. Kung ano lang ang kaya nilang ibigay, ayos na iyon dahil kung isisiksik ko pa ang sarili ko, kalooban ko rin naman ang sasama sa huli. Parang sa nanay ko.

TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon