"Congrats, anak." Nakangiting bungad sakin ni papa. Kababalik lang nito sa upuan. "Nagustuhan mo ba ang sorpresa namin?" Tanong nito na may malawak na ngiti.
That fucking surprise was bullshit! Kung alam mo lang kong ano ang totoong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit sayo pero hindi pwede.
"Papa, don't you think it's too early? Ni hindi niyo man lang hiningi ang opinyon ko." Kontra ko rito. Hindi ako ngumiti para malaman niyang seryoso ako at hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
"Anak, akala ko kasi ito yung gusto mo." Depensa nito. "You look good together. You even look like lovers."
Umiling ako. "Pa, Von is my bestfriend! Alam mo yan simula pa noon!" I said as anger were visible into my eyes. "Kilala mo ako. Kapag sinabi kong kaibigan ko ang isang tao, kaibigan lang talaga ang turing ko rito. That's why I am asking you here, why you made a decision that involves me without having my permission?!"
Hinawakan ni Von ang kamay ko para pigilan ako. Grabe na talaga ang pagpipigil kong huwag lakasan ang boses ko para di marinig ng mga bisita.
"Cane, mamaya na yan sa bahay." Seryosong saway ni Josh.
Napabuntong-hininga nalang ako at umalis sa upuan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka masigawan ko ang ama ko. Dumiretso na ako sa kotse at agad na umuwi. Marami pa akong nadaanang bisita na nakangiting binati ako ukol sa engagement. I just fakely smiled at them and say thank you kahit labag sa loob ko.
I didn't even bid my goodbye to Von and to his family. Bastos na kung bastos pero hindi ko talaga nagustuhan ang tanginang sorpresa na sinasabi nila.
Galit ako, oo pero hindi kay Von kundi sa mga magulang namin. How could they just decide about marriage? Tangina! Napaka-manipulative naman nila! Hindi man lang nila inisip kong anong mararamdaman namin.
Galit kong inihagis sa kung saan mang sulok ng living room ang heels ko. Umupo ako sa couch at napasabunot sa sarili kong buhok.
Anong gagawin ko? I don't want to be married with a man that I didn't even love. At si Von pa talaga ha? Si Von na malapit kong kaibigan.
Naramdaman kong pumasok na sila sa bahay.
"Anak..." Papa said the moment he entered the house and saw me. Kasunod niya sina mama, kuya at Josh. "Di ba gusto mo si Von? Maybe you can both work it out." Dagdag pa nito nang makalapit sakin.
Napatingin ako rito ng walang emosyon. "Gusto? Work it out?" Pag-uulit ko sa sinabi nito. "Pa, sinabi nang kaibigan ko siya! Mahirap bang intindihin yun?"
"Para rin naman yun sayo, Cane. I am just doing what's the best for you." Sagot nito.
"Ano?" Tanong ko na habang hindi makapaniwalang nakatingin rito. Tumayo ako at pumantay rito. "Bakit? Alam mo ba kong anong gusto ko? Alam mo ba kong ano yung nararamdaman ko ngayon? Tangina, Pa! Pati ba naman dito pakikialaman mo?" Sumbat ko.
"Bakit? Sino ba yung gusto mong ipakasal ko sayo? Si Yñigo?" Tanong nito na ikinapantig ng tenga ko. "I know everything, Cane! Lahat ng ginawa mo!" He shouted madly.
Wala akong naging imik.
"Von is so much better than that Yñigo! That's why I want you to marry the right person for you!"
"Right person for me? Damn it! I'm 28 years old! Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko! Alam ko kung ano ang ginagawa ko, Pa!" Balik ko rito. "I love him at hindi magbabago yun——"
"I don't want you to be a mistress!" Putol nito sa mga salita ko. "Alam nating lahat na yang lalaking mahal mo ay may kasintahan na. Ayaw kong umasa ka, anak. Tama na. Ikaw lang mismo ang gumagawa ng mga bagay na maaari mong ikasakit."
YOU ARE READING
Pursuing My Gay Secretary (EDITING)
RomantikA cold and emotionless girl CEO and a soft gay secretary. Will they can resist to be together and fall inlove to each other? Mahuhulog ba sila sa isa't-isa? Well let's all read their unique story.