Relationship
Tanghali na rin nang magising ako, hindi ako ginising ni Doc Cutler dahil na rin sa puyat. Pero wala namang nangyari sa amin, halikan lang naman ang ginawa namin kagabi. Bukod doon wala na, kahit paghawak sa akin ay mas lalo niyang iniwasan.
"Good morning!" bati niya. Tumingin ako sa alarm clock at nakita kong alas nwebe na pala, napabalikwas tuloy ako ng bangon.
Napangiwi pa ako nang maramdaman ang paghapdi ng ulo ko, napahawak tuloy ako doon at kaagad naman akong dinaluhan ni Doc.
"Tsss, hang over. Halika nga rito..." sambit niya. Tumingin ako rito at lumapit sa kaniya, naamoy ko na naman ang kaniyang shower gel dahil sa sobrang lapit namin. Hinilot niya ang aking ulo at iniabot sa akin ang lugaw na niluto niya pa yata.
"Ikaw ang nagluto?" manghang tanong ko.
"Yup, maliban sa pagiging doctor, isa rin akong chef." Sambit niya sa akin, natawa ako sa kaniyang sinabi. May iniabot din siyang hang over reliever at ininom na 'yon. Sumunod ang tingin niya sa akin dahil kung makatitig siya ay daig niya pa mawawalan ng pagkain.
"Bakit?"
"Naalala mo ba ang sinabi mo sa akin?" tanong niya sa kawalan.
Nalaglag ang panga ko dahil sa tanong niya, anong sinabi? Wala naman akong sinabi sa kaniya ah? Kumunot lang ang noo sa kaniya habang sumusubo ng pagkain.
"Hindi..."
Mas lalong hindi naipinta ang kaniyang mukha, natawa tuloy ako sa reaksyong pinapakita niya sa akin. Gumalaw din ang panga niya at akmang aalis ng kuhanin ko ang kaniyang braso.
"Iyon ba 'yong... sinasagot na kita?" biro ko sa kaniya. Muling nahulog ang kaniyang panga sa aking sinabi, napangiti ito.
"You remember it?" manghang tanong niya.
"Oo naman!"
Muli akong sumubo ng pagkain at nilagay 'yon sa counter table, sumunod ulit ang tingin sa akin ni Doc Cutler at kumunot ang kilay niya dahil papunta na ako sa kaniya. Muli akong sumampa sa kama at umupo na sa kaniyang lap.
"So we have a relationship now?" tanong niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, muli akong natawa dahil ang cute cute niya talaga.
"Oo, Doc."
Ngumiti ito at niyakap niya ako, tama naman ako. Hindi ko nalang siguro papairalin pride ko dahil naiinis narin naman ako sa aking sarili. De Viola na ang nanliligaw sa akin, bakit hindi ko pa siya sasagutin?
Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay, tumingin naman ako sa kaniyang kamay, hindi ko na lang pinansin 'yon at nagbihis na. Nanliit naman ang aking mata nang makitang sumusunod ito sa akin.
"Magbibihis ako, diyan ka na muna..." sambit ko. Ngumuso lamang ito at walang abod abod niya akong niyakap mula sa likuran.
Ang pagyakap niyang 'yon ay mas lalo kong kinabigla, lalo't bago palang sa akin 'yon. Ngayon kasi ay may relasyon na kami at normal naman sa akin ang manibago sa lahat ng bagay. Natawa ako nang bahagya itong suminghot sa balikat ko.
Nararamdaman ko ang ang kaniyang hininga banda sa aking tenga kaya mas lalo akong kinilabutan dahil doon. Naramdaman ko rin ang pagtusok ng kaniyang pagkalalaki sa aking bandang pwitan. Kaagad naman akong napasinghap dahil doon.
"Doc!" kaagad kong tawag.
"Ops, sorry!" sambit nito.
Hindi ko na rin alam ang mukha ko ngayon, parang magiging kamukha ko na yata ang kamatis dahil sa sobrang pula. Ngayon ko lang naranasan ang relasyon kaya mas pag-iigihan ko lalo. Kailangan ko rin namang punan ang pangangailangan niya pero hindi ko na alam, nag-ulyanin na yata ako.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...