UTS 11

3.7K 77 7
                                    

Chapter 11


Sinundo ako nila Daddy sa school, kaya sa kanila na ako ni Mommy sumakay pauwi. Naikalma ko na rin ang sarili ko, malaking tulong rin ang pagdating ni Caden agad.

Because the first thing I needed a while ago was the feeling of safety. I felt relief when the security came, but I became at ease when Caden hugged me.

It's like I melted in his arms.

Kaya kanina nang sabihin ni Daddy na sa kanila ako sasakay pauwi, ay tinignan ko si Caden. He said he will follow and check on me.

The rest of the security team ay naiwan at iimbestigahan raw ang nangyari, they will review the CCTV of the school.

Kahit gabi na, ay pumayag ang staff ng school na maki cooperate. This is also attempted kidnapping, dapat talaga ay kumilos agad.

Dad is furious a while ago. He blamed the security dahil hindi daw ako nabantayan ng maayos.

Kahit si Caden ay mainit sa kanila kanina, but I should be at fault too. I shouldn't've let my guard down, hindi na dapat ako nagpaabot ng gabi sa labas, lalo na't may banta saakin.

Nang makarating kami sa bahay, ay pinagpahinga lang ako sandali. Matapos ay may dumating na mga pulis, para mag-interview.

Ininterview nila ako sa living room, kasama sila mommy at daddy. I told them everything, lahat ng naalala ko kanina. I just wished I saw his face.

"Matangkad ba? Malaking tao?" tanong sa akin ng pulis habang sinusulat lahat ng sagot ko.

"Opo, I think he is almost six feet tall. He has a big physique," walang buhay kong sagot.

Naramdaman kong may pumasok sa front door, maingat itong naglalakad papasok ng bahay. He is still wearing our uniform, I wonder saan pa siya nagpunta.

"Naaninag mo ba, kahit mata niya lang? Nakamask siya, hindi ba?" Nabalik ang atensyon ko sa pulis.

Umiling ako. "Hindi po, nasa madilim na parte na nang maharap ko siya. Matapos po ay tumakbo na siya."

Tumango-tango ang pulis. Tumayo na ang mga ito.

"Magsisimula kaming mag-imbestiga, base sa testimonya ni Miss Monterio. Babalitaan namin kayo, Mr. Monterio."

Tumayo na si daddy at mommy, tapos na ang interview. Kinamayan ni dad ang pulis.

"Thank you, Sir. We'll wait for any update, as soon as possible."

Nagpaalam na ito at ang mga kasama, lumapit naman si Caden saakin.

"Hey, are you okay now?" Maamong tanong nito, tumabi siya sa akin sa sofa.

Si mommy at daddy ay hinatid ang mga pulis sa pinto.

Tumango ako sa kanya, "Mas okay na, kesa kanina." I smiled a little to assure him.

He nodded his head, he removed his gaze from me. His eyes are so deep, like he is in deep thoughts.

"That's good to know,"

"U-Uhm, thank you pala sa... kanina." nahihiya kong sabi, lumingon ito saakin.

His brows are shot up, still not over what he's been thinking all this time. He pursed his lips and stared at me.

"I was so scared earlier," madiin ang pagsasabi niya nito, bumaba ang tingin ko sa nilalarong kamay.

"Hinanap kita sa buong building, halos baliktarin ko na ang lahat ng pwede mong puntahan. When I heard a gunshot..." huminto ito at humugot ng malalim na hininga.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon