Chapter 7

19 7 3
                                    

Jasmine's POV

"Umagang-umaga ang ingay ninyo." Sabi ko habang nagsusuot ng medyas. May video call kasi kami ng mga kaibigan ko.

"Chismis muna kasi bago pumasok para maging active ang utak." Sabi ni Crenton at tumawa.

"Chismis ang lagi mong alam." Sabi ko sa kaniya.

"May gamit rin kaya iyon." Sabi niya.

"Ewan nalang namin sa iyong chismoso at babaerong Crenton na hindi maka-move on." Sabi ni Shea at tumawa.

"Manahimik ka ngang Shea ka akala mo naman talaga." Sabi ni Crenton.

"Mga baliw kayo,busy iyung tao tapos nagvideo call pa kayo. Akala mo naman importante ang sasabihin." Angal ni Lorraine.

"Sino ba kasi may sabi sa iyong sumali ka?" Tanong ni Crenton.

"You know you are all just wasting your datas for non sense topic." Biglang sumingit si Adrian sa usapan.

"Edi oo na." Sabi ni Crenton.

"Alam mo palang sayang sa load Adrian sumali ka pa rin pareho kayo ni Lorraine." Sabi ni Shea.

"Lalayas na ako." Sabi ko sa kanila.

"At saan ka naman titira kapag lumayas ka?" Tanong ni Crenton.

"Ay bahala ka diyan kung anu-ano iniisip mo." Sabi ko.

"Tigil niyo na iyang chismis niyo at maghanda nalang kayo sa pagpasok." Sabi ni Lorraine.

"Luhh si Lorraine gusto mapasukan." Sabi ni Shea.

"Magsama nga kayo ni Crenton, pareho kayo ng utak." Sabi ni Lorraine. I can imagine their facial expressions base from how they talk.

"Magkaiba noh. Mas may laman sa akin kaysa sa kaniya." Sabi ni Shea.

"Mabuti pa utak mo may laman." Sabi ni Crenton.

"Arghh! Ewan ko sa inyo. Bye!" Sabi ni Lorraine at umalis na nga. May anger issues iyon minsan eh.

"Luh, pikon." Sabi ni Crenton.

"Lumayas na kayo kung ayaw niyong- Bye!" Putol ni Shea kay Adrian at umalis.

"Pasok na ako." Sabi ni Crenton at umalis.

"Layas ka na rin Adrian sanay naman na akong iniiwan." Sabi ko at tumawa.

"Layas o kaltas?" Banta niya.

"Syempre layas." Sagot ko. Pinatay ko na iyung data ko saka pumunta sa may kusina.

"Kain na tayo hija." pag-imbita sa akin ni tita habang nakangiti kaya tumango ako.

"We need to go dad bye." pagpapaalam ko kay dad pagkatapos naming kumain.

"Are you busy on Saturday?" dad asked.

"What time?" I asked.

"9 in the morning."  He responded. "You know me and your tita Helena's wedding is near so we need to prepare."

"I'm busy." Sagot ko. Ang totoo eh ayoko ma-involve sa wedding preparation and I'm not yet ready.

Pagpasok ko sa school ay pinagtitinginan ako nang mga estudyante kaya napakunot ako.

"Jasmine!" tawag sa akin ni Sandra.

"Yeah? What's wrong with this people they are looking at me as if I have an issue or scandal?" I asked Sandra habang nakakunot ang noo.

Operation Series 1: In The Professor's Shadow  Where stories live. Discover now