Chapter 9

42 5 0
                                    

"Hindi mo gawain na magpakita sakin,"untag ni Amir sa abuela niya.

Ngumisi ito habang prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa na katapat lang na inuupuan nila ng kaibigan si Yasser. Nang maalala ang kaibigan ay nilingon niya ang katabi. Yasser seems like a stone while looking at his grandmother.

Kunot ang nuo na binalik niya ang tingin sa Lola Lupe niya.

Nakangisi pa rin ito.

"Ano ginawa mo?"untag niya.

Nagkibit ito ng balikat. "Gusto mo marinig niya pag-uusapan natin?"

Hindi siya nakaimik. Nilingon niya muli ang kaibigan saka buntong-hininga na hinarap ang abuela.

"Why?"

Napataas ng isang kilay ang abuela niya sa tanong niya iyun.

"Alam niyo kung ano ang ibig kong sabihin,Lola Lupe,"saad niya sa mariin na tono.

Napasimangot ito sa pagbanggit niya ng Lola Lupe rito na ayaw nito marinig kapag nasa mundo ito ng mga tao. Gayun wala naman sa pisikal na anyo nito ang pagtawag niya rito ng Lola.

"Ang alin ba ang tinatanong mo ng bakit? "tugon nito.

Naikuyom niya ang palad na nasa ibabaw ng magkabila tuhod niya.

"Binura niyo ang alaala niya! Ang alaala na nagkakilala kami!"frustrated na sabi niya. Nagpipigil lamang siya na tuluyan sumabog sa galit at inis na nararamdaman niya.

"Wala siya maalala tungkol sakin. Kahit mga anak niya ba binura mo din sa alaala niya?"tiimbagang na wika niya.

"Damn it. Sa tingin niyo nakakatuwa itong ginawa niyo sa isang Prinsesa?!"pagtaas na ng tono niya.

Napabuga ng hininga ang abuela niya.

"Alam ba ng Mahal na Reyna ang ginaw niyong ito?"

"Oo,alam ng Mahal na Reyna,"tugon nito sa kanya.

Mariin na naipikit niya ang mga mata saka padarag na tumayo mula sa kinauupuan.

"Hindi ako makapaniwala. Pati ang Mahal na Reyna dinamay niyo sa kalokohan niyo ng mga prinsipe?"tiimbagang pa din niyang turan.

"Hindi naman ito kalokohan,"kontra nito sa sinabi niya.

Naningkit ang mga mata niya sa abuela.

"Binura niyo ang alaala niya. Paano kung malaman niya ang ginawa niyo? Sa tingin niyo hindi siya magagalit?"

Hindi umimik ang abuela niya.

Frustrated na napahilamos sa mukha si  Amir saka dismayadong hinarap ang Lola Lupe niya na nakatingin sa kanya.

"Apo mo ko. Ito ba gusto mo na mahirapan at masaktan ako? Lola,masama bang mahalin si Rebeka?"wika niya.

Nagbawi ng tingin ang abuela niya. Isang mapaklang tawa ang kumawala sa mga labi niya.

"Kasalanan ko ba na minahal ko siya? Oo. Tinanggap ko hamon ng mga prinsipe sakin dahil gusto ko patunayan na seryoso ako sa pagmamahal ko sa ina nila. Pero sana hindi sa ganitong paraan na pati siya..pahihirapan niyo,"sambit niya sa dismayadong tono.

"Hindi niyo alam yung kaba ko kapag nakikita ko na naguguluhan at naiinis siya dahil sa mga bagay na hindi ko magawang pigilan na gawin na alam kong pamilyar sa kanya,"patuloy niya. "Hindi niyo alam yung pagpipigil ko na hindi sabihin sa kanya kung ano ako sa buhay niya kung bakit tinatrato ko siya na para siya lang ang babae sa mundo,"dugtong niya.

"Gusto ko malaman kung maibabalik pa ba ang alaala na binura mo sa kanya,"tiimbagang na usal niya.

Nag-angat ng tingin ang abuela niya.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon