"Penny!! Bumaba ka na! Malalate ka na sa klase mo! Unang araw ng klase late ka. Ano ka ba namang bata ka. Bilisan mo na!" Sigaw ni Auntie.
"Opo pababa na po na Auntie." sagot ko naman kay Auntie habang nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Bakit ba kasi na late ako ng gising ngayong unang araw pa naman ng klase. Hindi naman ako excited na pumasok. In fact, ayoko pa talaga sanang magpasukan. Hello? Nakakatamad kayang pumasok lalo na't naiisip ko pa lang ang mga homeworks and activities sa school sumasakit na ang ulo ko.
Dali dali akong bumaba ng hagdan at muntik pang mahulog dahil sa pagmamadali, para lang hindi malate sa school.
"Auntie alis na po ako. Malate na po ako sa klase ko." pagpapaalam ko sabay halik sa pisngi.
"Kumain ka muna kahit konti Penny para naman magkalaman yang sikmura mo. Unang araw mo pa naman." hayag nya
"Hindi na po Auntie. Pagkumain pa ako mas lalo akong malalate nito. Sige na po. Babye Auntie." Kumakaway na paalam ko sa kanya habang palabas ng gate.
Ngunit bago ako tuluyang umalis. Tumingin mo na ako saglit sa katabi naming bahay.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot tuwing pinagmamasdan ko ang bahay na ito.
Ilang oras ang nakalipas bago ako bumalik sa realidad ang naisip na malalate na pala ako.
Dali dali akong naghanap ng masasakyan, ngunit sa kamalas malasan ang punuan lahat ng Jeep. Dahil na din siguro unang araw ng klase kaya ang daming pasahero.
"Nakakainis naman." sabunot ko sa aking sarili.
"Kung mamalasin ka nga naman. Bakit ngayon pa lord? Pwede naman pong sa isang araw na lang. Bakit ngayon pa po. Mabait naman po ako sa kapwa ko, hindi naman po ako nakikipag away, tinutulungan ko naman po si Auntie sa gawaing bahay at nag aaral naman po akong mabuti. Lord please! Kung may pagkukulang po ako pasensya na po. Nawa'y makasakay na po ako." bulong ko sa aking sarili habang lumilinga linga kung may paparating ng Jeep.
"Beeeeeeeeeep!!"
"Anak ng kabayong pula!!" gulat ko
"Sakay na! Wag ka ng tatanga tanga dyan. Bilisan mo at malalate na tayo!" galit at sigaw ng demanding na si kuya.
Sinilip ko ang sasakyan na pumarada sa harap ko kung sino ang lalaking kong pumutak ay parang manok.
Laking gulat ko na sya ang nakita ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong hihimatayin. Hindi naman siguro ito sa sobrang init. Pero ng natanaw ko kung sino ang lalaking nasa harap ko para akong lumutang sa himpapawid.
"Hog babae! Anong tinatanga tanga mo dyan!? Para kang nakakita ng multo!! Sasakay ka ba o hindi? Kasi iiwang talaga kita!!" sigaw ng kuya mo.
Bigla naman akong natauhan sa mga sinabi nya at bumalik sa realidad.
Ay! Oo nga pala malalate na ako.
Dali dali akong sumakay sa kanyang sasakyan.
Natulala na parang hindi makapaniwala. All this years, ngayon ko lang sya ulit nakita. Wala ng pinagbago ang kanyang mukha. Gwapo pa rin. Pero mas gwapo nga lang sya ngayon. Matang mapungay, medyo singit, matangos na ilong at mapupulang labi. Kung iisipin mo may pagkakahawig sila ni Leonardo DiCarpio nung bata bata pa ito. Hindi mo nga aakalain na masama at masungit ang ugali nito kong itsura ang basehan. Minus lang na wag ibubuka ang bibig nya.
"Hoy Penny! Mukha kang tanga dyan. Titig na titig ka naman sa akin. Alam kong gwapo ako. Wag mo naman ipahalata na patay na patay ka sa akin. Ayan tumutulo na laway mo." saad nya
Bigla naman akong nagulat sabay hinawakan ang gilid ng labi ko kong tototo nga na tumulo ang laway ko. Thank God wala naman.
"Hoy ka rin. Kapal mo naman. Patay na patay ka dyan. Ikaw kaya ang patayin ko. Natulala ako kasi para akong nakakita ng demonyo kay aga aga highblood ka." palusot ko.
"Bunganga mo naman. Kung makasigaw parang hindi mo ako katabi. Pasalamat ka at sinabay pa kita. Kung hindi malalate ka sana."
"Thank you poooo!" sarkastiko kong sabi.
"Hoy! Hindi ko naman sinabi na isabay mo ako. Ikaw itong unang nag alok. Kaya ito ako grab na opportunity kahit ayaw kong makita yang pag mumukha mo dahil nakakabadtrip at nakakasira ng umaga, sumabay pa rin ako kasi wala na akong choice no!" pagmamaldita ko, pero kahit deep inside kilig to the highest level na ang peg ko.
Bigla naman sya tumawa ng malakas. "Ang daming sinasabi. Yang bunganga mo talga parang armalite." pangaasar nya
"Anyways Penny. Kamusta ka na? I miss you."
Hudas barabas hestas. Parang lumabas ang puso at kaluluwa ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako makapagsalita. Biglang natulala.
"Ha? Hatdog!"
Ayang ang biglang lumabas sa bibig ko dahil sa taranta. Lord kunin mo na ako please!
BINABASA MO ANG
Penny and Me
Dla nastolatkówWhaf if hindi na sya bumalik? What if hindi ka na nya kilala? What if may mahal na syang iba? What if pinili nyang hindi ka na pansinin? What if wala ka nang halaga sa buhay nya? What if ikaw na lang talaga ang nagmamahal? What if? What if?