Kabanata 2

3.4K 60 1
                                    

Kabanata 2

Helian

"Isang kanin pa nga ho, manang."

Tumingin sa akin si Reemo nang marinig ang sinabi ko sa waitress ng bulaluhan kung saan kami kumakaing tatlo. Kanina pa natapos si Rig. Ewan. Masarap naman ang pagkain kaso wala na namang gana at alak ang hinahanap ng tiyan. He's now on the other table, stressing himself out with something. Nakaigting pa ang panga at lukot ang noo habang nagtitipa sa cellphone.

"Ako rin, hingian mo," ani Reemo saka humigop ng sabaw. "Hingi ka rin ng sabaw."

I sighed. Kapag wala ako, mabubusog kaya 'to?

Bumaling akong muli sa waitress. "Manang, sabaw pa raw ho itong walang bibig na 'to."

Natawa ang waitress. Sinimangutan naman ako ni Reemo bago niya tinaktak ang nasa gitna ng buto-buto. He put everything on my plate. Nilagyan na rin niya ng patis na may pinigang kalamansi at sili.

Napatitig ako sa kanya. This guy really knows me like the back of his hand. Parang imposibleng hanggang ngayon hindi niya pa rin alam na may nararamdaman ako para sa kanya. I mean, kilalang-kilala niya ako. He can always read me easily. Kahit hindi ako magsalita ay parang alam niya palagi kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

The thought of Reemo probably sensing my feelings already brought a different kind of pain in my heart. Siguro nagpapanggap siyang hindi niya ako dama kasi ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin. Baka iniisip niyang hindi niya naman iyon kayang suklian kaya nagpapanggap na lamang siyang walang alam.

"Kain na, Ian. Alam kong gwapo ako. Huwag mo na kong titigan," aniya saka ngumisi.

Napabalik ako sa sarili at bahagya pang uminit ang pisngi nang magtama ang tingin namin. Gwapo naman talaga ang lintik. Those hooded brown eyes always seem to sparkle whenever he's looking at me. Igting pa lang din ng panga at maliit na kurba ng mamula-mulang mga labi ay nakapanlalambot na.

Akala ko noon magiging immune ako dahil matagal na kaming magkaibigan pero hindi pala. Parang . . . nauna pa ako sa pila ng mga babaeng habambuhay mahuhumaling sa kanya.

Lintik na buhay 'to. Ba't ko kasi kinaibigan 'yong bulol na pahiram nang pahiram ng Crayola at bigay nang bigay ng Mongol 1 no'ng kinder? Hindi sana ganito kakumplikado ang buhay ko ngayon.

I sighed. "Bilisan nating kumain. Marami pang gagawin sa farm. Tutulong pa akong maggupit ng stubs pag-uwi."

"Tutulungan na lang kita pagkahatid sa'tin ni Rig."

Sandali kong sinulyapan si Rig. "Sigurado ka bang pauuwiin mo nang mag-isa 'yan? Eh, baka paliparin na naman niyan kotse niya."

Umismid siya. "Masamang damo naman 'yan." Bigla siyang sumimangot nang tila may naisip. "Why? You're worried about him that much, huh? Nakakahalata na ko."

Napaawang ang mga labi ko't ang mga mata ay kumurap. "At ano namang gusto mong iparating?"

He sighed while raising both of his brows. Iyong kanin na pinakuha ko sa waitress, hinati niya't inilagay sa mga plato namin.

"All I'm saying is baka may hindi ka maamin sa'kin." Umigting ang panga niya at ang mga mata ay naging madilim na para bang kinakatay niya ulit ang baka sa kanyang isip. "Rig is good-looking. Hindi kita masisisi."

Huh? Sinasabi ba ng lintik na 'to na gusto ko si Rig? Iyang saksakan ng ikli ng pasensyang 'yan? Kung mamimili na lang ako sa mga kaibigan niya, lintik! Kay Whiskey na ako, ano! Iyon lang naman yata ang matino sa kanila at maayos ang pagkakakabit ng turnilyo sa utak!

Siraulong Reemo 'to. Siya ang gusto ko!

I rolled my eyes. "Isipin mo ang gusto mong isipin, Reemo. Nananahimik ako, gago issue ka."

"Well, that's the thing. Pagdating sa lovelife mo, nananahimik ka. Lahat ng dini-date ko, pinakikilala ko sa'yo. I let you decide if I should see them again. Pero ikaw, kung may gusto ka o kaya ay manliligaw, ni hindi mo man lang ihinaharap sa'kin."

Umismid ako. "Ba't ko ihaharap sa'yo?" Eh, ikaw ang gusto ko?

He looked away looking so pissed. "Magkaibigan naman tayo. Pwede mo namang sabihin sa'kin kung sinong nati-trip-an mo."

Napakamot ako ng ulo. Ang hirap naman nito! Hindi ko naman pwedeng sabihing siya dahil masisira ang pagkakaibigan namin.

Rig went back to our table when he sensed that Reemo and I are having a little argument. Dumekwatro pang panlalake habang nakapatong ang isang braso sa empty seat na katabi.

"What do you love birds fighting about?" Rig asked.

Nagwala ang dibdib ko. Love birds? Gagong Rig 'to. Namula ang pisngi ko!

"Tang ina mo, Rig. Tantanan mo ko, hindi pa ko busog," kunwaring asik ko nang maitago ang epekto sa akin ng itinawag niya sa amin.

Reemo sighed. "Huwag mo kaming tawaging love birds. Alam mo nang inis na inis 'yan kapag iniisip ng mga taong may relasyon kami."

Rig smirked. "Bakit, Ian? Tomboy ka ba talaga?"

My eyes narrowed. "Kapag hindi ka tumigil, kahit hindi ako tibo, hahamunin kita ng suntukan."

He lifted a brow. "Okay? Wanna sleep with me then, hmm? We're both single."

Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Reemo sa kanyang kutsara. Tila sandali na lang ay itatarak na niya iyon sa lalamunan ni Rig dahil sa naging pagdilim ng kanyang ekspresyon.

"Knock it off, Righael. You know how I'd feel once you hit on her," Reemo said that made my heart go wild.

Rig licked his lower lip then smirked. Tila binibwisit pa talaga si Reemo. "Best friends lang naman kayo. Hindi naman kayi magkarelasyon. I don't understand why it would be such a big deal if she would sleep with me."

Umigting nang husto ang panga ni Reemo. Maya-maya ay bumaling siya sa akin habang ang mga mata ay madilim. "Do you wanna fuck him?"

Napalunok ako sa kanyang tono. Diyos ko, parang ngayon lang ako nasindak sa lintik na 'to.

"H-Hindi," sagot ko. Nanlalambot sa dilim ng kanyang titig.

"Good." Umayos siya ng upo. "Because I'm gonna cut my fucking ties with the both of you once you sleep behind my back."

Rig scoffed. "Do you like her that's why you're being possessive?"

Bumuntonghininga si Reemo ngunit ang kamao ay mahigpit na sumara na tila kinokontrol niyang mabuti ang sarili.

"She deserves someone who understands her. Hindi 'yong trip lang siyang tirahin," sagot ni Reemo.

Napalunok ako. Ngumisi naman si Rig saka itiniklop ang mga braso sa tapat ng dibdib.

"Ibig sabihin kung may manliligaw sa kanyang maiintindihan siya, ayos lang hmm?"

Reemo lowered his head, his defined adam's apple bobbed up and down.

"Basta hindi siya sasaktan." Malamig niyang tiningnan si Rig. "Kasi oras na 'yan na ang umiyak, baka sa kulungan n'yo na ko dalawin . . ."

TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon