Ikapito
Help you
-
Pumunta kami sa golf course na ang suot ko ay ang isang baby pink cropped tee at pleated skirt na nababagay lang sa lugar at sport na iyon. Nate didn't waste much time dragging Mitch and Douglas along with him to another space to give privacy for Kostya and I. Maaga pa, at habang alam na nakatuon ang mga mata niya sa'kin ay nag-stretch ako kunwari sa mga kamay at braso ko.
"Have you played golf before?" tanong ni Kostya pagkatapos ang isang hakbang.
Nagkibit-balikat ako, opted for the truth. "Hindi pa." Gusto kong turuan niya ako.
I saw Nate in conversation with Mitch and Douglas before Kostya completely blocked that sight. "Do you want me to teach you the basics?"
Ngumiti ako. "Sure."
Nag-ayos ako ng postura, subalit ang totoo ay wala akong masyadong excitement sa paglalaro. I wasn't really sporty, at ang bigyan lang ng atensiyon si Kostya ay nagpapa-aliw na sa'kin kaya minsan ay namamali ko ang paggalaw kaya inulit-ulit niya ang demonstration.
Naglalaro na ang ngiti sa labi ko habang seryoso siyang nakayuko sa club kaya iyon ang nadatnan niya sa pagtingala niya sa'kin. His mouth easily twitched as well. "Something wrong?"
"Wala." I clipped a wayward strand of my hair and straightened. "But I think I need water."
Tumuwid din siya. "Oh. Then—"
Dinaan ko ang tingin ko sa umbrella girl upang ipahiwatig sa kanya na ito na lang ang kumuha n’on imbes na siya, kaya mahinang nagpaalam ang babae upang kunin ang ni-request ko.
Tinantiya muli ni Kostya ang bola. "Madalas ba kayong nag g-golf?"
Sumulyap siya sa'kin. "Hm? Oh, yeah. Sa Arena palagi."
Tumango-tango ako, aiming for casual talk. "So golf ang favorite sport mo? May iba pa ba?"
"Well. . . there's Archery. Kaso banned na." Kostya glanced at me with a tight smile then quickly looked away. "Horse-riding din, minsan."
"Wow," giit ko. "Hindi pa nasabi ni Nate sa'kin 'yan." Kahit na alam ko naman na may Equestrian talaga sila.
"Gusto mo?"
"Gusto ko ang alin?"
Natigilan si Kostya, hindi rin nabantayan ang sinabi. "Gustong. . . samahan ka namin sa pangangabayo. Hindi naman mahirap 'yon."
I grinned wide. "Oo naman. Basta kasama ka."
Hindi nagtagal ay bumalik na ang umbrella girl at uminom kami ng refreshments ni Kostya, tapos bumalik siya sa pagtuturo sa'kin. I had my focus on this time. And he was in the middle of guiding me nang sa likuran namin ay sumulpot ang matangkad na anino ni Nate.
"She's a really fast-learner, isn't she?"
Napanood ko sa kauna-unahang beses ang pag-score ko sa bola. Kalmado akong tumuwid at sinalubong ang titig ni Nate.
He nonchalantly spread his hands. "Snacks, everyone?"
The others joined us for the small interlude. Umalis kami sa alas onse ng umaga at doon lang bumalik sa'kin ang naramdaman ko kahapon habang nilalandasan namin ang mga calzada ng Cebu. I shouldn't be this somber.
Sinabi ni Mitch na dadaan kami sa mall at alam kong matagal-tagal din bago kami bumalik sa Toledo.
"You okay?"
BINABASA MO ANG
Crown Of Dancing Starlight (Maite Katha #2) ✔️
RomanceMaharlika is a gold digger. She won't stop until she gets what she wants. Kostya Xumetra. Billionaire. Bilang isang bituing tinitingala sa langit, she saw another star that was different from the ones shining in Punta Arena. It wants to go down. And...