-MAE's POV-
Since hindi kami sigurado na magkakasama sama kami sa resort sa isang araw, nagkayayaan sina Mom kumain na lang sa Italian Restaurant.
Nagpalit muna kami nina bessie ng damit para naman medyo komportable kami. Dress na lang sinuot namin para naman maayos tingnan.
Syempre di ba, sosyaling restaurant pupuntahan namin, alangang magjeans kami di ba? Hehe.
Sabay kami ni bessie pumasok sa restaurant. Mukhang makalalag panga ang beauty namin. Haha! Tulo laway kasi sina Austin at Jake. Hahaha! Inimbitahan kasi namin sina Jake para sama sama.
They escorted us hanggang sa table namin. Kahiwalay kami kina Mom kasi dapat daw may sari-sariling mundo ang mga matatanda at bata. Haha!
Hinila pa nila ang upuan namin para sa'min. Oh di ba? Gentlemen din naman pala sila kahit mukhang loko. Haha!
"Order na kayo ng gusto niyo ok? Libre ng mga lalaki yan!" sabi ni tita Marie.
"Sigaw ka na naman dyan! Mahiya ka nga! Asa restau tayo ngayon wala sa palengke!" kahit pabulong na sabi yun ni Tito Arnold.
"Ma, Pa, tumigil na kayo please? Nakakahiya! My gahd!" inis na sabi ni bessie. Haha! Iritado na din ang anak e ganun din naman siya :p
"Yown naman bessie! Ngayon alam mo na kung kanino ka nagmana?" galaw ko sa kanya.
"Ee! Bessie naman! Sobra ka! Malala naman sila sa'kin no!"
Nagtawanan kaming lahat pati sina Mom.
"Ok lang yan, hon. Mahal pa din kita." banat ni Jake sa kanya.
Hinampas ni bessie si Jake sa balikat, "Hon naman! Kinikilig ako! Nebeyen?! Haha!"
"Kayo ba anak? Kamusta na kayong dalwa ni Austin? Ha Austin?" Sabi naman ni Dad. Ayy!! Bakit sa'min napapunta ang topic? >.<
"Okay na okay kami tito. Actually aakyat na po ako ng ligaw kay Princess. Nauna niyo lang kami tanungin." pagmamayabang naman ni Uste. Napatingin ako agad sa kanya. Lakas loob niya talaga!
"Ay naku Austin, hindi mo na kailangan magpaalam sa'min. Suportado pa kita dyan kay Princess!"
"Dad! Hindi pwedeng maging konting over protective?" sh*t! Nangangamatis na ang mukha ko. Nakakahiya!
"Ano naman dun anak? Matagal ko ng kilala si Austin. I know hindi ka niya sasaktan. Unlike your ex. Tsaka gusto ko maging balae na sina Pareng Rob."
"Yah right dad! Mas excited pa kayo sa'kin ganun?"
Nagtawanan naman ang lahat. Grabe lang tatay ko. Nahihiya tuloy ako kay Uste. To think na kung hindi nagkabuhol buhol ang sitwasyon namin ni bessie at hindi ko nakilala si Josh, kami na siguro ngayon..
BINABASA MO ANG
You and I Forever
Teen FictionWhen your life goes wrong don't waste your time lookin' back in what you've lost, for the road of life was never meant to be traveled backward. Just move on and say, "things always happen for REASON."