Chapter 13
"C-Caden—"
"I'm gonna tell you something." he said in a serious tone.
"A-Ano iyon?"
"Can you wait? Till my birthday?" he looked so hopeful, mabilis akong tumango.
Hindi na siya sumagot ulit, he is still cupping my face. Yumuko ito bago umatras, sinundan ko lang siya ng tingin.
Parang ang daming niyang iniisip and it's weighing him down.
Narinig ang hiyawan ng mga estudyante sa hall, nag-a-awarding na ata.
Ibinalik niya ang tingin sa akin. "You wanna go home?"
Okay na ako. I think my prom has already become special and memorable. I can go home, I am content.
Marahan akong tumango sa kanya.
"Okay then, let's go. May binigay na curfew si Tito sa'yo, iuuwi na kita."
Mabilis na lumipas ang mga araw, pero sa loob ng dalawang buwan ay hindi naalis sa isip ko iyong sinabi ni Caden. Pabalik-balik ang lakad ko sa kwarto, nakapamewang habang nag-iisip.
Nitong mga nakaraang linggo ayos naman ako. Hindi ko masyadong sineryoso, wala rin naman nabanggit sa akin si Caden muli tungkol doon. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo mailap siya.
Ni bihira ko rin siya makita sa school, at last week pa ang last na chat niya saakin. Nakapagtataka lang, hindi naman siya ganito palagi. Lalo tuloy akong nakiryuso at kinabahan, birthday niya na bukas.
Halos mapatalon ako sa kama ng tumunog ang cellphone ko, nakapatong ito doon. Kinuha ko iyon bago humiga sa kama.
Si Hannah.
Ngumuso ako, at binuksan ang message niya.
Hannah:
hoyyyyyyy
ano 'to? may girlfriend na si Caden????
kaya pala busy nitong mga nakaraang arawMay isinend siyang dalawang picture, si Caden iyon at may katabing babae na nakasandal sa railings. Based on the picture, they are in a party. Caden is smiling, while holding the waist of the girl.
Bigla kong nahigit ang hininga ko, parang nanghina ang buong katawan ko habang binubuksan ang mga litrato. The flash of the camera brightened up his smile, while he is looking at the girl.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig, I stared on it for seconds. My mind went blank, unti-unti ay parang may tumutusok sa puso ko.
I never saw him so close to a girl, I never saw him hold other girls except for me.
Well at least in my sight, he is always distant from them. And that gave me assurance, but seeing this, that he is even smiling like he enjoys being there.
I don't know what I should feel, how I should react.
Kasi assurance of what? Friendship?
Anong klaseng friendship ang hindi ka pwedeng maging malapit sa iba? Walang ganoon. Kaya ayos lang ito, ayos lang ang ginawa niya.
Dapat ayos lang, dapat ayos lang ang nararamdaman ko. Pero hindi, the sudden heaviness of my heart made me question myself.
Why am I feeling like this? Why do I feel betrayed?
Inipon ko ang lakas na magreply. I should still act normal.
Yara:
Talaga? Good for him :)
Hannah:
'Yan lang sagot mo?
Totoo?Yara:
Bakit? Ano pala dapat?
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomansaAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...