Kabanata 3

3.4K 70 3
                                    

Kabanata 3

Helian

Proud na proud na ipinakita ni Tyong Pogi ang isang malaking bote ng lambanog kay Reemo at sa ilang trabahador. Everyone cheered, making Tyong Pogi grin like a dog. Kita pa ang gilagid at ang bunging bagang sa laki ng naging ngisi.

"Nandito ang manugang ko kaya maglalasing tayo!" anunsyo niyang nakapagpapula sa akin. Si Tyong, advance masyado.

Gusto ko 'yan. Sige lang, tyong. Gagwapo ka talaga sa paningin ko kapag naging manugang mo nga 'yang si Reemo.

Reemo turned to me, leaned a bit, and then whispered to ask for permission. "Inom ako, pwede? Minsan lang ako makakatikim ng lambanog," aniya sa malumanay at tila naglalambing na tinig. Tumindig pa ang balahibo ko sa batok dahil sa pagtama ng mabango niyang hininga sa aking tainga.

I slightly pursed my lips to control how my body reacted to what he did. Sanay naman akong nagpapaalam siya tuwing iinom. Kahit hindi ako kasama ay nagcha-chat ang mokong para lang magpaalam. There was even a time when he waited for hours for my approval. Lasing na ang mga kasama niya, siya ay sisimulan pa lamang ang una niyang bote dahil hinintay talaga ang sagot ko.

"Kontrolin mo lang ang inom. Kapag ikaw nalasing na naman, ako na naman ang kakaladkad sa'yo," kunwaring asik ko.

He jerked his head. "Konti lang."

Tumayo ako. "Diyan ka muna. Tutulungan ko si Tyang magluto. Baka mamaya inuuna na naman no'n ang pagbubunganga dahil sa teleseryeng sinusubaybayan niya."

Reemo laughed softly before he guided me. Nakaupo kami sa kahoy na silyang pahaba at kailangan ko siyang lagpasan para makaalis ako. Humakbang ako't kumapit sa kahoy na la mesa habang inalalayan naman niya ang aking baywang. God, I had to hold my breath because of what he did. Bigla rin akong nairita sa tee shirt ko. Tang ina kasi, Reemo. Kailan ka ba kasi kikilos? Kahit wala nang feelings basta mawarak mo.

Binilisan ko ang lakad palayo ng kubo. Nang nasa kalahati na ng daan pabalik ng bahay ay saka ko pinakawalan ang hangin sa dibdib ko. Ba't ba ang horny ko yata nitong mga nakaraan? Kakanood ko 'to ng mga R18 romance!

I shook my head and went in. Nasa kusina si Tyang at gumagawa ng pupulutanin habang naka-on sa sala ang telebisyon. Ganoon naman palagi. Ginagawang radyo ni Tyang ang TV. Tila boses pa lang ng mga karakter sa drama seryeng sinusubaybayan niya ay sapat na. Sumasagot pa nga kapag may hindi nagugustuhang linyahan. Akala mo talaga direktor. Iba rin ang trip sa buhay nito ni Tyang.

"Tulungan ko na ho kayo," prisinta ko.

"Sige. Hiwain mo na 'yang pusit. Sandali lang at nagsasampalan na," aniya saka dali-daling nagtungo sa sala para tingnan ang palabas. "Hmm! Ayan! Sikmuraan mo! Ay bobo! Sana kinaladkad mo sa putikan! Tatanga-tanga talaga!"

I smirked. Brutal din 'tong si Tyang. Tapos nagtataka kung bakit ganito ang bibig ko? Ay ewan ko talaga.

Stress na stress siyang bumalik sa kusina. Nag-rant pa tungkol sa nangyari sa eksena. Pati ang mahabang commercial tuloy ay nadamay sa inis niya.

"Ako na kayang magluto, tyang? Manood ka na ro'n. Baka mamaya tumawag na ang direktor sa'yo para itanong kung kumusta ang pinanood mo," biro ko.

"Tigilan mo ako, Helian. Tumataas ang BP ko ro'n sa bida." She looked at me. "Ikaw, ha? Kapag nagkaroon ka ng nobyo at inagaw sa'yo, ayaw kong makikita kitang nagpapa-api. Hindi kita pinalaki para lang maging iyakin."

Umismid ako. "Tingnan mo nga ang itsura ko tyang? Kilos ko pa lang naninindak na kaya nga walang nagtatagal na manliligaw, 'di ba?"

She sighed. "Walang nagtatagal na manliligaw dahil pumuporma pa lang hinaharang na ni Reemo."

Napakurap ako. "Ho?"

Tiningnan niya ako. "Bakit? Hindi mo alam na tuwing may gustong pumorma sa'yo, itinitimbre ng Tyong Pogi mo r'yan kay Reemo? Magkakuntyaba iyang dalawang 'yan. Kaya nga muntik nang mapasara itong farm noong isang taon."

Nalukot ang noo ko. "Bakit ho mapapasara? Wala naman tayong nilalabag na batas? Kumpleto at updated din palagi ang mga papeles. Na-award-an pa nga ho tayo ng Department of Tourism."

"Eh, paano napaaway 'yang kaibigan mo noong gusto kang pormahan ng balik-bayang anak ni Vice Governor. Mabuti na lang at kaibigan ng Tyong Pogi mo ang Mayor natin. Naipaglaban ang farm dahil ito ang pinag-initan." She sighed. "Iyang si Reemo, kapag dating sa'yo, akala mo hindi edukado. Nagiging basagulero!"

Napatitig lang ako kay Tyang. Bakit hindi ko alam iyon? May gano'n pa lang nangyari? Ba't hindi nakarating sa akin? Kaya ba biglang hindi na nangulit si Marky Robles? Iyong anak ni Vice Governor Robles? Kung sabagay, ayaw ko naman doon. Saksakan ng yabang! Akala mo ginto ang tite kung makapagsabing swerte ako dahil siya raw ang kusang nilalapitan ng mga babae.

"Iabot mo nga 'yong basket ng sibuyas, Helian," utos ni Tyang.

I inhaled a sharp breath and passed on the basket of spices while making a mental note to ask Reemo about what I just found out. Tinapos ko na lang muna ang pagtulong sa paghahanda ng pulutan nilang calamares bago ako bumalik sa kubo kung saan nagkakantahan na sila.

Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Tyong na pilit inaabot ang kanyang Lady. Kung makapag-videoke pa naman si Tyong, akala mo palaging pinambabato sa tawag ng tanggalan. Sintunado, eh. Unang piyok, tanggal kaagad sigurado.

Reemo immediately straightened his back when he spotted me. Maya-maya ay tumayo para salubungin ako. Siya na rin ang nagbitbit sa pulutan, at nang makaupo kami sa kahoy na silya ay inalok niya akong sumimsim sa kanyang baso.

I took a sip then gave the glass to him. May munting ngiti sa mga labi niyang tinanggap ang baso saka siya uminom. I noticed that he drank right where my lip marks were. Hindi ko na lang binigyan ng malisya. Baka hindi naman niya napansin iyon. Kung banggitin ko ay baka mailang pa at sabihing binibigyan ko ng kahulugan ang lahat ng bagay.

I slapped his thigh in a controlled manner. "Nag-away pala kayo ni Marky?"

Kumunot ang noo niya. "Sinong Marky?"

"Anak ni Vice Gov. Iyong nanligaw sandali sa'kin."

"Right. I remember." He smirked. "Away ba 'yon? Hindi nga nakasuntok. Pinatulog ko kaagad." He showed his biceps and kissed it.

Umikot ang mga mata ko. "Lahat na lang ng manliligaw ko hinahamon mo ng suntukan, Reemo."

"Huwag kang magpaligaw nang wala akong nahahamon," he said.

I lifted a brow. "Hoy, Reemo. Hindi na ako bata. Gusto ko ring maranasang kiligin dahil sa syota. Gusto ko rin ng halik, yakap at sex."

Bumulong-bulong siya habang hinihimas ang batok. "Tang ina, tara sa kwarto. Sex lang pala."

Nalukot ang noo ko. "Ano?"

"Hmm?" Tumuwid siya ng upo saka umiling-iling. "Wala. Kako huwag mo munang pangarapin 'yon. Hindi lahat ng lalake kayang magpakaama oras na makabuntis."

Umismid ako. "Kung mabuntis ako, eh 'di ayos? May makakasama na ako sa buhay."

Bahagyang umusli ang kanyang nguso. "Nandito naman ako. Hindi mo ba ako kasama sa buhay?"

"Eh, ibang usapan ang sa'yo. Gusto ko 'yong masasabi kong akin."

He licked his lower lip then looked away as he murmured. "Iyo naman ako."

"Para kang bubuyog, kanina ka pa bulong nang bulong!" asik ko, napipikon na dahil hindi ko talaga siya maintindihan kapag bumubulong siya nang gano'n.

He scratched his temple then sighed. "Kapag ikaw nabuntis at tinakbuhan, ipangako mong ako ilalagay mong tatay sa birth certificate. Tayo magpapalaki kahit wala tayong relasyon."

Napakurap ako. "Aakuin mo kapag . . . may nakabuntis sa'kin? Bakit?"

He sighed then held his glass. Maya-maya ay sinambit niya ang sagot na muntik nang magpalaglag sa akin mula sa kinauupuan ko.

"Ano pa ba? Syempre mahal kita . . ."


TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon