Chapter 51

131 9 4
                                    

NANG makababa si Lax sa eroplano ay kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang mag-dial ng numero.

“I need you to look for someone. Anna Quinn, she’s pregnant. Find her as soon as possible,” saad nito.

Matapos noon ay ibinaba niya  na ang tawag at dali-daling naglakad.

“I need to find her before Dad or Viv finds her,” mariing wika ni Lax. I can’t let bad things happen like before.

***

“HOW this all happened?” tanong ni Anna habang pinagmamasdan ang kanyang ama na ngayon ay tahimik na natutulog dahil sa binigay na pampakalma. “Tatay…” mahinang sambit nito habang lumuluha sa labis na awang nararamdaman para sa kanyang ama.

“Anna?” mahina at hindi siguradong sambit ng isang lalaki sa pangalan ng dalaga.

Pinunasan ni Anna ang kanyang mga luha at lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ng lalaki.

“Who are you?”  kunot-noong tanong ni Anna na hindi kilala ang lalaking nasa kanyang harapan ngunit alam kung ano ang kanyang pangalan.

Lumapit ito at inabot ang kamay. “Napoleon.”

“Napoleon?” pag-uulit na sambit ni Anna sa pangalan ng binata.

“Yes. I’m Napoleon Vasquez, your father’s son, your stepbrother,” maliwanag na pagpapakilala ng binata.

Nabigla si Anna sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na magkakaroon din ng sariling pamilya ang kanyang ama matapos ang nangyari sa kanilang pamilya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya nang sandaling iyon, everything is sudden turn of events. Pilit na kinolekta ng dalaga ang kanyang sarili ngunit masyadong mabigat iyon para sa kanya, hindi niya inaasahan na magagawa pang magkaroon ng pamilya ang kanyang ama lalo na sinabi nito kung gaano siya kamahal nito. Paanong nagawa ng kanyang ama magsimula ng pamilya kung mahal talaga siya nito? Hindi ba nito naisip ang mararamdaman niya? Hindi na ba siya mahal para sa kanya? Maraming tanong ang naglaro sa kanyang isipan na mas lalong nagpagulo sa kanyang isipan.

“Bakit nagawa mo ito sa akin, tatay?” tanong ni Anna na hindi niya naisatinig habang tinitignan ang kanyang ama.

Napansin ni Napoleon ang samu’t na emosyon na bumalot sa dalaga at alam niya kung anong nararamdaman nito at ang mga katanungang tumatakbo sa isipan nito nang sandaling iyon lalo na sa mga nakakabiglang katotohanan na nalaman nito.

“Dad didn't do anything wrong,” maikli nitong saad dahilan para mapakunot-noong tumingin si Anna sa binata.

“What do you mean?” nalilitong tanong ni Anna.

“Dad did not abandon you. He loves you without a doubt.”

Mas lalong napakunot ng noo si Anna sa mga sinasabi ng binatang nasa kanyang harapan.

"How can you say that after what is going on right now?"

"There must be some sort of misunderstanding here, Anna," wika ni Napoleon.

“What should be a misunderstanding here, Napoleon?” tanong ni Anna na may pagkailang nang sabihin niya ang pangalan nito lalo pa’t hango iyon sa pangalan ng kanyang ama.

Nang sandaling iyon habang nakation ang kanyang mga mata sa kanyang stepbrother ay doon niya lang napagtanto na napakabata pa nito ngunit tinatawag lang siya nito sa pangalan.

“Wait. Before you answer my question, does being your step sibling imply an exception to showing respect to those who are older than you?” pagpaprangkang tanong ni Anna.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon