Chapter 5: Enemy's Weakness

389 18 11
                                    

"JOSSA? Ikaw din ang sinasabi nilang Jossa?" Tanong ni Tanya habang nilalafang namin ang fudams.

"Oo, ako rin 'yon. Ewan ko ba sa mga 'yan at binigyan pa 'ko ng ibang pangalan. Ako pa rin naman 'to, si Jackie!"

Umiling si Tine. "Ipagawa mo sa kanya lahat ng ginawa niya ngayon, hindi na niya magagawa 'yan."

"Totoo ba?" Napatingin sa'kin si Tanya. "Parang 'di ka nga lasing ngayon, baks. Lumakas lang ang loob mo."

"'Di ka sure," sagot ulit ni Tine. "Gegewang-gewang na 'yan maglakad mamaya."

Nilunok ko muna 'yong pancit na kinakain ko. "Hindi pa ako masyadong lasing, tingnan niyo makakasayaw pa 'ko diyan mamaya."

"Jackie!" Hay naku, si Peter na naman. Ano kayang ipapasabi ni Buddha boss?

Lumapit siya sa table namin at bumulong. "Mamaya raw may dance showdown. Gusto ni boss, nando'n ka."

Bumulong din ako. "If the price is right, lalampasuhin ko lahat ng sasali do'n."

Tumawa ng malakas si Peter. "Sabihin ko kay boss. Balik ako rito mamaya," patakbo siyang umalis.

"Taena baks. Lakas talaga ng loob mo kapag nakainom ka na. Ano, if the price is right ba kamo?" Natatawang sabi ni Tine.

"Aba, wala nang libre sa mundo ha? Matindi pangangailangan ko ngayon."

"Agree," si Tanya. "Kapag malaki ang binigay sa'yo, buwis buhay na 'yan."

Nag-apir kami ni Tanya. Natanaw ko si Peter sa kalayuan.

Lumapit siya ulit at bumulong. "10K kapag sumali ka and another 10K kapag nanalo ka sa showdown."

"Deal!" Nakipagkamay pa ako kay Peter. Shete, kung gagalingan ko ngayon may tumataginting akong 20K.

"Baks, galingan mo. Itayo mo ang bandera ng customer service!" Si Tanya na inabutan ulit ako ng baso ng beer.

30 minutes din siguro ang nakalipas bago umakyat ang host sa stage. Tumayo ako at nag-stretching. Ayokong sumakit mga maskels ko bukas.

"Who among you wants to win ten thousand pesos?"

Taasan ng kamay ang lahat. 'Yong iba may pagsigaw pa.

"Well then, as requested by our birthday boy, we will have a dance showdown. Whoever has the confidence to move and groove, please come here!"

Maraming nagsitayo at sumali. Tumayo ako sa gitna para mapatunayan kay Buddha boss na hindi talkshit ang sinabi ko kanina.

"GO JACKIE! WHOOO!" Sigawan ng mga katrabaho ko.

Random dance daw ang peg ng showdown. Kailangan mong sayawin kung anong itutugtog. Bahala ka na sa dance steps basta maka-survive ka.

Unang tumugtog ang September ng Earth, Wind, and Fire. Easy, kembutan mo lang 'to eh.

Marami pa ring natira. Sumunod ang Asereje ng Las Ketchup. Tsk, kabisado ko 'to!

Unti-unti na kaming nababawasan. Medyo kinakabahan ako kahit alam ko mostly ng mga sayaw. Dancerist kaya ako noon!

Pangatlo ang Macarena. Maraming nakakaalam nito kaya isa lang ang natanggal. Ngayon ko lang napansin, mula sa kinse, naging anim na lang kami.

Kinakabahan na ako ng very light lalo na at nandito si Sophia, taga-HR. Alam ko legit na dancer 'to. Dati niyang sideline ang maging back-up dancer sa mga shows sa TV.

Hindi! Kailangan kong mauwi 'yong 10K kapag nanalo ako. Marami pa akong gamit na dapat bilhin.

Sumunod na tumugtog ng Spaghetti ng Sexbomb Girls. Kahit nakapiring kaya kong sayawin 'to!

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon