Author's Note

7 3 0
                                    

Hello beloved!

I have so many realizations in life habang nagsusulat ng akdang ito. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos pero naniniwala ako na, in God's perfect time, matatapos kong isulat ito at mapa-publish as my first ever book. Gaya ko, gusto kong marami rin kayong ma-realize sa akdang ito, ang Krus. Pare-pareho tayong may dinadala, may binibitbit sa ating mga puso at idinadaing sa Diyos. Ito ang ating krus. 

Sabi sa Matthew 16:24, then Jesus said to His disciples, "If anyone wants to follow after me, let him deny himself, take up his cross, and follow me."

Malinaw na sinabi ng Panginoon na tayo ay may mga bitbit ding krus. Hindi binanggit kung anong uri ng krus ito pero, bilang tao, malamang ay masasabi mo ang mga bagay na ito - problema sa personal na buhay, problema sa pinansyal, kalusugan, hindi pagkakasundo ng mga pamilya, pagkawala ng minamahal sa buhay, at marami pang iba. Sabi ng Diyos, kung nais nating sumunod sa kaniya, i-deny natin ang ating mga sarili at pasanin ang ating krus. 

Sa modernong panahon ngayon, madali na lang i-share sa social media ang ating mga sintemyento at hinanakit sa buhay. Malaya tayong makapagsabi sa facebook o sa twitter ng ating problema. Ang tanong, nakalaya nga ba tayo sa tanikala ng pagdurusa dulot ng problema? Nawala ba ang krus na ating pinapasan o nabawasan man lang ba ang bigat nito? Kapatid, hindi!

Sabi sa Salita ng Diyos, Matthew 11:28-30, "Come to me, all of you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take up my yoke and learn from me, because I am lowly and humble in heart, and you will frind rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light."

Hindi social media ang makakapagpagaan ng ating mga pasanin, kapatid. Maaaring mabawasan nito nang sandali ang ating problema pero hindi ito ang makakapagbigay sa ating ng kapahingahan. Ang Diyos, na tunay na mabuti't mapagmahal, ang tanging makatutulong sa atin para gumaan ang dala nating krus.

Habang sinusulat ko ang Krus, hindi rin naging madali ang mga pinasan ko. Habang binabasa ninyo ang akdang ito, sisikapin kong ilahad ang lahat ng naranasan kong pagkadapa at pagkabigo at ang mga pagkakataon na iniligtas ako ng Panginoon sa pagkakasala, matinding kalungkutan at kahinaan ng loob. Tulad ninyo, nahirapan din akong lumapit sa Diyos. Social media ang una kong tinakbukan kabilang na ang iba pang makamundong paraan para lamang mapagaan ang aking kalooban pero, bigo ako. 

May mga pagkakataong nagtatago ako sa Panginoon gaya ng ginawa nila Eba't Adan dahil sa aking mga kasalanan. Nariyan ding sinabi ko sa sarili kong kaya ko ito nang mag-isa. Sa lahat ng ito, nagkamali ako. Ipinakita sa akin ng Panginoon kung ano ang kaya Niyang gawin na hindi ko kaya. 

Ano-ano ang mga krus na dala mo sa buhay? Alam ito ng Diyos pero nasabi mo ba sa Kaniya? Kung hindi pa, ito na ang calling sa iyo para kausapin mo Siya.


KRUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon