Chapter 19

9.3K 322 25
                                    

Chrisen

Alanganin akong napatingin kay Porcia sa harapan matapos nitong palabasin ang isang kaklase naming nahuli nitong gumagamit ng phone. She's so cruel.

"That's what happens whenever I catch you cheating. In my world, cheaters don't exist."

Napalabi ako. She's cheating with me, remember she have a daddy. Wala rin naman akong balita kung hiwalay na ang mga ito pero hinalikan niya ako kagabi.

Kailangan ko ng update sa lovelife nito.

Tinapos ko ang pagsagot sa aking exam saka nagmamadali itong pinasa kay Porcia. Nagugutom na ako. I didn't eat anything at all.

"Stay." Mahina ngunit malamig nitong saad.

"I can't. I'm so hungry na baka pati ikaw ay makain ko ngayon dito, mommy." Mahina ring wika ko pabalik rito.

"You have to wait for me." Hindi ito mukhang nagsasabi lang but she's demanding it.

Tinignan ko ang aking relong pambisig. Sampung minuto pa bago matapos ang klase nito. Ghad I'm so hungry that I can eat anything right now.

"You still have ten minutes-"

"Pass your papers right now in front."

Nagulat ako sa sobrang lamig ng boses nito. Mabilis na naipasa ng mga kaklase ko ang mga papel. Kinuha agad nito ang shoulder bag pati ang laptop.

"Take those papers and follow me, Miss Miller."

Wala akong nagawa kundi ang kunin ang mga papel at sumunod rito.

"You didn't even dismiss them properly-"

"My room, my rules."

"May ten minutes pa sila, that's not fair-" Tumigil ito sa paglalakad kaya natigil din ako. Humarap ito sa akin ng walang kaemo-emosyon sa mukha.

Gusto kong kusotin ang mga mata ko dahil ang ganda ganda nito sa paningin ko kahit mukhang wala ito sa mood palagi.

"Talking about being fair? I entered that room twenty minutes earlier. I started my class ten minutes earlier. Hindi ba dapat ay sakto lang Chrisen?" Deretso at flat nitong tanong sa akin.

Imbes na sumagot ay napatulala ako. Matalas talaga ang dila nito. Ang bilis din nitong mag-isip ng ira-rason pero nakalimutan nitong makulit ako.

"Ouch!" Kinusot ko ang kanang mata ko.

Mabilis kong nakita ang pagbabago sa mukha nito. Mula sa walang emosyon ay nakita ko ang pag-aalala rito. Malamig pa rin naman pero at least medyo lumambot ang ekspresyon nito.

Tinampal nito ang kamay kong kumusot sa mata ko.

"Huwag mong kusotin. Let me see." Tinitigan nito ng mabuti ang kanang mata ko.

"Mommy, ang sakit mo sa mata. Ang ganda ganda mo."

Natigil ito at tumitig sa mga mata ko bago nito tinulak ang noo ko ng mapagtanto nito ang ibig kong sabihin.

"Idiot!"

Naglakad na itong nauna bago ako sumunod na nakangiti.

One point Chrisen!

Ng makarating kami sa opisina nito ay nilatag nito sa lamesa ang shoulder bag at laptop nito. Nagtanggal ito ng blazer kaya kitang kita ko ang maliit na baywang nito.

Oh la la.

Ilang sandali lang ay tumama sa mukha ko ang panyo nito. Ang bango.

"Don't be a perv."

"Pervert na pala ngayon kung naaappreciate ang kagandahan ng isang tao."

Hindi ito nagsalita at inayos nito ang isang lamesa sa gilid. Naghugas ito ng kamay at naghanda ng dalawang plato, mga baso, at ilang utensils. Pinapanood ko lang ito, simply admiring her beauty and gracefulness.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa opisina nito. Kinuha nito ang shoulder bag at binuksan ang wallet nito saka kumuha ng ilang libo bago naglakad at binuksan ang pintuan ng bahagya pagkatapos tignan sa peephole kung sino ito. Inabot nito ang bayad bago kunin ang order rito.

"Ma'am wala po akong barya-"

"I didn't ask you to give me any change. Take it and leave."

Abay bastos talaga! Now I truly believe na wala talagang manners ang babaeng ito pero bakit ganun? I still find her so alluring and so lovable.

Ugh! I'm so in love with her!

Hinanda nito ang mga pagkain.

"Come and eat."

"Ok, mom." Tumayo ako mula sa couch at lumipat sa lamesa nito.

"I ordered-"

"Doesn't matter kung anong inorder mo, mommy. I told you kaya kong kainin lahat ngayon pati ikaw."

"You dimwit-"

"I love you too!" Nagbigay pa ako ng flying kiss rito bago naupo. "Thank you, mommy."

Namumula na naman ang mga pisngi nito dahil sa inis. I really know where to push her button pero napansin ko lang ngayon na kanina pa mainit ang ulo nito.

Umupo ito at hindi na nagsalita. Pinapakiramdaman ko lang ito habang kumakain. I don't know how it feels to work like her. I mean may dalawa itong trabaho. Dito sa school as a professor and she runs her own company. And we're not talking about some business. As far as I know, she have ten of thousands of employees to handle dahil nagkalat ang mga branches ng negosyo nito.

I can't imagine the pressure knowing that she's the CEO and chairwoman. Porcia's not just a woman. Pwede na siyang maging superwoman, kulang na lang ang paglipad nito.

"Why are you smiling?" Walang emosyon nitong tanong. Hindi ko napansing nakatitig pala ito sa akin.

"Because I'm thinking about you." Hindi ba sinabi ko ng prangka ako? Nasasabi ko ang kahit anong tumatakbo sa isipan ko.

Binagsak nito ang kanang kamay sa lamesa dahilan para magulat ako. She's dead cold in the eyes.

"Stop messing with me again, Chrisen."

Napakurap ako rito bago nagsalubong ang mga kilay ko. Binaba ko ang hawak kong mga kubyertos bago pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib.

"I am not messing with you Porcia. What is this all about?"

"You cheating little-" Natigil ito na parang may paga-alinlangang sabihin ang karugtong nito sa kung anumang bumabagabag rito.

Me and Porcia's opposite. Kung ako madaling magsabi ng mga ayaw at gusto ko ay kabaliktaran ito. You need to trigger her to explode and talk.

I cleared my throat. "I never cheated. I've always been faithful to you kahit walang tayo." I leaned forward. "Ako dapat ang nagtatanong sa iyo kung anong status niyo ng daddy mo."

Kumunot rin ang noo nito. "Walang kinalaman dito ang daddy ko."

"I am not talking about your father, Porcia. I am talking about Aiken."

"He's not my daddy so don't call him that cause it sounds dirty! Wala na rin kami."

"Enlighten me ninang mommy Porcia." Binigyang diin ko lahat ng tawag ko rito para mainis and I succeeded when I saw her face turned crimson red.

"Kung may problema ka sa trabaho mo o dito sa school. Huwag mo akong idadamay dahil nananahimik ako rito at kapag busy ako, ibig sabihin abala akong masyado kitang minamahal."

"You little liar. Paano mo ipapaliwanag na maaga kang nagpunta sa hospital para pakainin si Cael?"

Ng mapagtanto kong nagseselos ito ay napangiti na ako.

"You don't have to be jealous Porcia. You already know you have my poor heart. Kaya kung nagseselos ka please lang wala akong panahon diyan dahil gutom ako ngayon. Ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang ang minahal ko, at ikaw lang ang mamahalin ko. Ang kaso, hindi mo pa tinatanggap ang pag-ibig ko. It's ok, I can wait." I beamed.

"I'm not jealous."

"Whatever you say mommy."

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon