Hi! I'm Joy Villanueva 17 years old Senior high na ako ngayong pasukan,hay di ko pa nga alam kung saan ako mag ta transfer, oo Tama kayo ng narinig mag ta transfer ako kasi sa america ako nag aral ng high school.
My mommy is a pure Filipino and my daddy is a pure American, kaya half American half Filipino kami ni kuya Jordan pero mas comfortable ako sa Filipino language dahil Yun Ang nakasanayan ko
By the way nasa airport na ako kadadating ko lang galing America "I'm back Philippines!!"excited Kong Sabi
4 years narin pala simula Nung pumunta ako sa america at 4 years ko naring di nakikita si kuya Jordan,nag stay kasi siya dito sa manila Kasama si mommy,gusto ko panga non na sumama Sila sa america pero may trabaho dito si mommy samantalang si kuya Jordan Naman ay gusto nya daw dito mag aral kaya di sya sumama."Hayyy ang bilis talaga ng panahon"
nagpalingalinga ako para malaman kung nandito na Ang sundo ko,sa kasamaang palad ay Wala pa"hayyy nasan na kaya Ang sundo ko"tanong ko sa sarili ko
After 20 minutes
"Sa wakas dumating kana Rin Jun"walang gana Kong Sabi
"Sorry miss Joy na trapik kasi, may nangyaring barilan kasi sa dinaanan ko"pagpapaliwanag nya
"K"maikli Kong Sabi
nakatingin lang ako sa bintana habang naandar ang kotse syempre naandar alangan nalipad hahaha jk lang at iyon nanga sinusuri ko ang mga pagbabago ng Lugar.Gumanda ito at may mga bagong gawang building na hinangaan ko dahil sa angking ganda at taas ng mga ito,pero mas maganda parin sa america hehehe
Makalipas Ang dalawang Oras ng byahe ay sa wakas nakarating na ako sa bahay na apat na taon Kong di Nakita,masayang nakatitig ako buong bahay sa labas nito Hanggang sa may lumapit sakin na siguro ay maid namin dahil sa suot nya
"Welcome back miss Joy" nakangiting Sabi nya "pumasok na Po tayo para makapag pahinga kana po"may paggalang nyang Sabi
"Ok thank you"nakangiti ko ring Sabi
Naglakad na kami papasok sa malaking pinto at dala nya Ang maleta ko
"Btw what is your name?" Tanong ko sa kanya
"Ahmm I'm Elaine Francia Po at ako Po Ang magiging personal maid mo simula ngayon"Sabi nya
"Ahhh bago kalang ba dito?"tanong ko sa kanya
"Three years na Po ako dito" mahinhin nyang Sabi
"K, btw nasan Sila mommy at kuya Jordan?"tanong ko sa kanya
"Si ma'am Rose Po ay nasa company at si sir Jordan Naman Po ay Kasama Ang mga kaibigan nya kahapon pa Po sya umalis mag o over night Po kasi Sila at mamaya Pong gabi Ang dating nya"mahaba nyang paliwanag
"Alam naba nila na nandito na ako?"yes di nila alam dahil gusto ko silang i surprise, o diba may pa surprise pa hehehe
"Ahmm Hindi pa Po sasabihin ko palang Po Ngayon"Sabi nya
"Wag mo muna sabihin dahil gusto ko silang i surprise " excited Kong Sabi
"Sige Po miss Joy, akyat kana po at magpahinga ipagluluto ko Po muna kayo ng makakain"masaya nyang Sabi
Umakyat na ako sa second floor dahil nandon Ang kwarto ko,pag akyat ko ay Nakita ko Ang tatlong pinto sa harap ko.
Yung nasa kaliwang pinto ay Kay kuya Jordan then Yung gitna ay Kay mommy at daddy at Yung nasa kanan ay akin.
Dahan dahan Kong binuksan Ang pinto ng kwarto ko at Nakita Ang walang pinagbagong style ng kwarto ko mukang pang bata hahaha
Kasi Naman Ang hilig hilig ko non sa pink at mga laruan tulad ng barbie,lutolutuan at iba pa.nandito parin Yung mga gamit ko noon at mga clothes ko na Ang liit na sakin kaya tinanggal ko na Yun at nilagay Ang mga dala Kong clothes, inayos ko narin Ang mga gamit ko at nilagay sa malaking box Ang mga tinanggal Kong gamit dahil lalagay ko Yun sa stock room.pinabago ko narin Ang kulay ng room ko at ginawang kulay puti pati Yung kama ko ay pinalitan ko ng bed sheet na puti.
After 30 minutes ay natapos na Rin ako sa pag aayos.pabagsak akong humiga at pumikit nang di ko namalayan na nakatulog na pala ako
"Miss Joy gising na po nakahanda na po Ang pagkain"Sabi nya habang inuuga ako Ang ayaw ko panaman sa lahat ay iniistorbo Ang gising ko
"Ok ok bababa na magbibihis lang ako"inis Kong Sabi
Lumabas na si Elaine at mabilis akong nagbihis dahil nagrereklamo na Ang tiyan ko.naka short na maong ako na Hindi kaiklian at naka white t-shirt na Hindi kalakihan
Bumaba na ako at dumeretso sa kitchen at Nakita Kong nakatayo don Ang apat na maid Kasama na don si Elaine.btw 26 years old si Elaine,may Isang anak na 5 years old at Wala nang ibang pamilya kundi Ang asawa at anak nya.ang asawa Naman nya ay Isang construction worker.
Makalipas Ang limang Oras ay may Nakita akong dalawang kotse na parating at Nakita Kong lumabas don si mommy at kuya Jordan,grabe namiss ko Sila
Papalapit na Sila dito sa pintuan kaya tumago ako sa likod ng pinto at pinatahimik ko Ang mga maids na nakapila upang bumati Kay mommy at kuya Jordan.
"Good evening ma'am Rose and sir Jordan "sabay sabay nilang Sabi
"Good evening din sa Inyo"masayang banggit ni mommy samantalang si kuya Jordan ay tahimik lang at mukang bad mood kaya pasasayahin ko sya hehehe
Lumakad ako dahan dahan papunta sa likod nila pero Nung hahawakan ko na Sila ay bigla nalang hinawakan ni kuya Ang kamay ko at pinaikot dahilan para matumba ako,dahil sa gulat ko ay napahikbi ako at malapit nang umiyak habang nakatingin sa kanila.
Gulat silang nakatingin sakin,pati Ang mga maid ay nakanganga na dahil sa gulat.
"J-Joy t-teka bakit ka"bago paman matapos sa pagsasalita si kuya ay tuluyan na akong napaiyak
Lumapit sakin si mommy at niyakap "shhhhh tahan na sweetheart" malambing na bigkas ni mommy at tumingin Kay kuya "bakit mo Yun ginawa sa kapatid mo?!!"galit na tanong ni mommy Kay kuya Jordan
Lumapit sakin si kuya at tumayo si mommy"sorry baby,di ko alam na Ikaw pala Yun, sorry na"malambing na Sabi ni kuya at hinalikan ako sa noo at niyakap
"Bad ka kuya Jordan"hagulgol ko habang nakayakap "I s-surprise ko disin kayo pero ako Yung na surprise sa ginawa mo"
Pinahid ni kuya Jordan Ang luha ko gamit ang kamay nya "sorry na,hmmm gusto mo ililibre kita kahit ano bibilhin ko para sayo baby"Sabi ni kuya habang nakangiti
Tumingala ako at tumingin sa kanya "talaga?"
"Oo"sagot nya
"Sure?"sagot ko
"Oo"sagot nya
"Sure na sure"paniniguro ko
Sign "oo sure na sure ako"Sabi nya habang na tawa at ngumiti Naman ako
"Yehey!! mall tayo bukas!!"masigla Kong Sabi
After two hours:
"Kailan ka pa dumating sweet heart?"tanong ni mommy"Kaninang tanghali lang Po mommy,naglibot pa Po kasi kami ni Jun"masaya Kong Sabi ko
"Anong balak mo? Bat umuwi kana? Alam Kong may dahilan ka dahil kung Wala ay di ka papayagan ng daddy mo na umuwi dito"curious na tanong ni mommy sakin
Kumamot ako sa ulo bago magsalita "hehehe ehh k-kasi mommy"grabe kinakabahan ako,grabe panaman magalit ni mommy nakakatakot
"Kasi?"taas kilay na tanong ni mommy
"S-sinabi ko Po kasi Kay daddy na d-dito ako mag aaral ng senior high"kinakabahang sagot ko habang nakatingin lang sa pagkain ko
"Ahhh ganon ba,ok"masayang sagot ni mommy
Bigla akong tumingin Kay mommy "d-di kapo ba galit s-sakin mommy?"tanong ko sa kanya
Nakangiting tumingin sakin si mommy "bat Naman ako magagalit? Masaya panga kami dahil makakasama kana ulit namin"masayang sagot ni mommy
Nakangiti ako Hanggang sa matapos ako kumain at pumunta sa kwarto para matulog
Paki vote po thank you 😊
YOU ARE READING
Mystery Girl
RomanceJoy Villanueva 17 years old an innocent girl,cute,maganda,may katangkadan,matalino pero may malaking sekreto na hindi mo aakalain na magagawa nya Jiro Zuares 18 years old an leader of blood mafia group, handsome,cold,matalino matangkad at walang tak...