Chapter 7 ✅

878 28 11
                                    


Chapter 7

DAMINA LOVILY POV:

Hindi pa din ako makatulog kaya sinusukan ko  sanang tumayo at magpahangin sana sa labas pero dahil masakit pa ang katawan ko ay hindi ko magawa.

" Ahh pesteng buhay to tatayo lang naman ako eh". mahinang sabi ko sa sarili pero dahil magkatabi lamang kaming dalawa ay nagising ko siya.

" Hey! Tulungan na kitang tumayo saan kaba pupunta? Naiihi kaba" nag-aalala nitong tanong sakin sabay inalalayan akong tumayo.

"Hindi ako makatulog kaya lalabas lang sana ako para magpahangin" mahinang sabi ko dito.

"Let's go samahan na kita magpahangin sa labas" alok niyang sabi sabay buhat sakin dahil nahihirapan talaga akong tumayo.

" Salamat ah hindi din kita maintindihan eh nakuha mona lahat sakin pero dito kapa din sa tabi ko at tinutulungan pako noong isang araw dun sa mga masasamang lalaki tapos ngayon inaalagaan mo pa ako" mahinang sabi ko dito sabay tingin sa kanya pero agad din akong umiwas ng tumingin siya sakin at tinuon kona lamang ang tingin ko sa buwan.

Ang liwanag ng paligid bilog na bilog na buwan ang gandang tingnan ang tahimik ng paligid. Parang musika sa pandinig ko ang mga huni ng mga hayop sa paligid.

" Ang ganda mo !" mahinang sabi niya kaya napatingin ako dito kaya agad naman siyang umiwas ng tingin at tumingin sa itaas.

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya parang nabingi ako dahil sa sinabi niyang iyon .

Hindi ko maamin sa sarili ko kung ano nga ba ang dahilan bakit mabilis ang tibok ng puso ko  pero dapat ngayon palang ay tumigil na ito dahil sa simula palang mali na ang lahat .

Biglang siyang umalis sa tabi ko at pumasok sa bahay hindi kona siya pinansin pa at tumingin na lamang sa paligid.

Umayos din ako ng upo dahil sa  hindi ako komportable sa pwesto ko.

" Let me help you Damina Lovily okay!" nagulat ako dahil nasa tabi kona pala ito nang hindi ko namamalayan kaya wala na akong nagawa ng binuhat niya ako at inupo ulit sa upuan.

" Salamat okay na maayus na ako pwede mo na akong bitawan" medyo nahihiya kong sabi dito dahil sa napansin kong nakalitaw ang dibdib ko ng buhatin niya ako nagulat kase ako sa biglaan niyang paglapit kaya nabuksan ang isang butones ng damit ko sa lage ba naman ng dibdib ko eh .

" Never kitang bibitawan Damina Lovily never in my life" mahinang sabi niya sakin kaya napatingin ako sa kanya hindi kona lamang ito sinagot .

Maya maya ay inabot niya sakin ang baso na may lamang mainit na gatas kaya nagtataka akong tumingin dito.

"Ehem your Nanay said na yan ang ginagawa niya pag may sakit ka kaya pinagtimpla kita sorry nakialam na ako sa kusina niyo" mahinang sabi nito sakin habang namumula ang leeg nito .

" Thank you! Mr.? Ano nga palang pangalan mo nakuha mona lahat sakin pero hindi kopa alam ang pangalan mo" pagpapasalamat ko dito sabay kuha ng gatas sa kamay niya at dahan dahang ininum iyon.

" My name is Noeljan, my beautiful Damina Lovily" magpapakilala niya sakin sabay kuha ng kamay ko at hinalikan iyo hindi na lamamg ako umangal pa.

" Ano pa ang sinabi ng nanay sayo? May sinabi kabang kakaiba like yong mga masasamang ginawa mo sakin" kinakabahan kong tanong dito dahil a biglaan kong paggalaw ay natapon ang ibang lamang ng gatas na nasa baso.

" Aww ! Ang init ano ba yan Damina Lovily hindi ka nag-iingat " sigaw nito sakin kaya napatayo ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay agad naman ako nitong maabutan at bigla na lamamg ako nitong binuhat para makapasok sa loob.

Dahil sa nangyari hindi kona siya natanong po tungkol kay Nanay. Nasa loob kami ngayon at siya ay mahimbing ng natutulog, ako hindi pa makatulog kaya nakaupo na mona ako dito sa higaan at nakasandal ang likod sa pader.

Maya maya ay tumunog ang keypad kong cellphone at ganun na lamang ang tuwa ko ng si Nanay iyon kaya nagmamadali ko itong sinagot.

" Hello anak ko? Kumusta ? Magaling naba ang maganda kong anak hmmm?" malambing na sabi ni nanay sakin kaya napangiti ako .

" Hi Nay okay naman po ako medyo may sinat na lang , kumusta kana po jan? Miss na miss na agad kita nay" naiiyak kong sabi dito sabay mabilis na pinunasan ang luha na tumulo sa pisnge ko para hindi sana makita ni nanay pero alam ko naman na kilala niya ako kaya hindi yon makakaligtas sa mata niya .

" Hi anak sus naglalambing ang anak ko ah miss na miss na din kita nak! Wag ka ng umiyak jan papanget ka niyan sabihin hindi talaga kita anak sige ka" pananakot niya sakin kaya natawa ako alam ko kaseng dahilan lang yon ni nanay para kahit paano ay mawala ang sakit o kung ano mang nagpapabigat ng damdamin ko .

" Naiiyak ako nay kase sinabihan akong panget haha" sabay sakay ko sa biro niya sakin .

" Kung may problema ka nak magsabi ka agad ah uuwi agad ako jan para pag-usapan natin yan at agad na maayus kong ano man yan hmm" seryosong sabi niya sakin na ikinangiti kona lamang.

" Wala naman nay namimiss lang kita wala ng taga timpla ng gatas ko eh haha" biro ko sa kanya na ikinatawa niya.

" Ang anak ko talaga yaan mo malapit kana makapagtapos dito kana mag-aaral sa maynila para magkasama na tayong dalawa at sino nga pala yong lalaki kanina na kasama mo jan ?" maya-mayang tanong niya sakin.

" Kaibigan kopo nay tinulungan lamang po ako kanina wag kana pong mag alala baka bukas ay malakas na po ako sa kalabaw " pagpapanatag na sabi ko kay nanay para hindi na siya mag alala sakin .

Maya maya ay nagpaalam na din kami sa isa't isa dahil masyado ng late dahil may trabaho pa siya kinabukasan.

Hindi kona sinabi lahat ng nangyari dito para hindi na atakihin si mama sa puso may sakit kase si nanay.

Ayoko na ako ang maging dahilan ng ikakasakit niya mahal na mahal ko yan eh siya nalang ang buhay ko . Kinakaya ko lahat para in the future ay makabawi kay nanay sa lahat ng ginawa niya sakin .

Itutuloy..

SPARE ME, BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon