Chapter 34

7 0 0
                                    

Mahina


I've never tried coloring my hair before. Matagal na akong nabubuhay sa mundong ibabaw pero nananatiling natural ang kulay ng aking buhok. Sabi nila lahat daw nakadaan na sa red phase ng hair color pero ako, dadaan pa lang.

"I'll try red."

"I'll go with blonde."

Ang una naming ginawa nang magbakasyon ay magpunta sa isang salon para magpakulay ng buhok. Sa ilang buwan ng bakasyon namin, siguro ay mahaba na ang mga buhok namin pagbalik namin sa pasukan.

I looked at myself in the big mirror in front of me, this will be the last time I am seeing myself in black hair because moments later, my hair will get painted red.

Nung binasa na ang buhok ko ay nakasunod sa akin si Shone. Nakalabas ang kaniyang phone at nakatutok iyon sa akin.

"Don't film me." natatawa kong saad. Baka mamaya sa video niya ay hindi na maayos ang itsura ko.

"This is your first time. We need some documentation."

First... kasama na naman siya.

Just like what he said, nakadocument bawat pangyayari sa aming dalawa. Nung nakabalot ng parang aluminum ang ulo niya ay saka na ako humagalpak sa tawa. Ang cute.

Binalikan niya ako ng tawa nang ako naman ang nilagyan ng ganon. Nilakihan ko siya ng mata pero hindi niya tinigilan ang tawa. Nagdodogshowan na lang talaga kaming dalawa rito.

I took a picture when the hair stylist left us to let the chemical sits. I also took a video. After kong itutok sa akin ay gumilid ako paharap kay Shone at sa kaniya itinutok ang camera.

"Shone." tawag pansin ko rito dahil nakatingin siya sa kaniyang cellphone. Kunot pa ang noo, nanonood lang naman ng Tiktok.

He gave a peace sign for the camera and smile widely. Bahagya pang nakatago ang mukha sa likod ng cellphone. As if he was embarassed. 

"Aera, while we are waiting, gawin natin 'to," saad niya matapos kong ibaba ang phone.

Umusod ako palapit sa kaniya para makita kung ano ang pinapakita niyang video. Ilang beses ng nagdadaan ang trend na ito sa FYP ko pero hindi ko naisipang gawin mag-isa pero ang catchy ng moves dahil swak na swak iyon sa music.

Last Christmas was the title of the song and it was sung by Wham. It was an edited version of it.

"Hindi ko pa kabisado 'yan, teka."

"Turuan kita."

Isa isa niyang tinuro sa akin ang steps. Madali lang naman iyong sundan dahil hindi naman nalalayo ang steps sa lyrics ng kanta.

Shone settled the phone camera in front of us. He sets a timer before he presses the record button.

Me? I guess I was a shoulder to cry on

A face on a lover with a fire in his heart

A man undercover, but you tore me apart

I was all giggly while doing the steps. Ngiting ngiti ako sa camera. I am enjoying this. I didn't know that recording a video will make me happy.

Nag-enjoy akong magvideo nung magkasama kami ni Sho pero nung triny ko sa bahay at ako lang mag-isa, sobrang awkward. 

Mas nauna ako kay Shone na matapos dahil sobrang dami pang ginagawa sa kaniya. Ilang apply ang ginawa sa buhok niya. Hindi kaya masira ang buhok niya dahil dito? Ang ganda pa naman ng pagkablack ng buhok niya. Parang straight pa nga iyon at ang bouncy. Kahit galaw-galawin niya ang buhok ay hindi nagugulo. 

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon