Chapter 17

299 6 0
                                    

Mango Pie



"Date tayo?" tanong niya. Tinanggal niya muna ang kaniyang salamin at pinunasan niya ito, napapikit naman siya dahil siguro sa labo ng kaniyang mata.

"Sobrang labo ng mata mo?" tanong ko sa kaniya.

Kakayari niya rin kasing magbasa basa ng kung ano-ano, tungkol siguro 'yon sa mga topic na pag-aaralan niya kapag nagmasteral siya. Tinapik niya naman ang kaniyang lap at pumunta naman na ako sa kaniya.

Medyo awkward lang pero ayos lang naman sa akin, hindi naman masyadong bastos ang pwesto kaya ayos lang.

"Yes."

Niyakap niya ako, naramdaman ko rin ang kaniyang pagsinghot sa aking balikat at napangiti. Mas lalo tuloy akong nahiya baka kung ano nang amoy ko. Kanina kakaligo ko lang pero syempre baka mamaya ay nag-amoy usok ako kakaluto ng pagkain.

Tinulungan ko rin kasi si Manang Melchor. Nacucurious naman ako dahil kung hindi minsan siya nagsasalamin habang magkasama kami, nakikita niya kaya ako?

"Ilan ba grado nito?" tanong ko.

"It's 400." Sagot niya, sinuot ko 'yon at halos mahilo ako sa sobrang laki ng grado, kaagad ko ring tinanggal 'yon.

"Woah! Ang laki naman ng grado mo!" sambit ko. Mas lalo ko tuloy nakita ang mukha niya ng walang salamin, ang singkit niyang mata. Magkamukhang magkamukha talaga sila ng kuya niya pero mas singkit ng kaunti ang kaniya.

"Lesha, baka mahilo ka," pag-aalala niya.

Tinapat niya ang mukha niya sa akin, nag-aalala siyang tumingin at napaiwas nalang ako dahil sa sobrang tagal ng titigan niya.

"Uhmm... ano 'yang binabasa mo?" tanong ko. Medyo gumalaw ako ng kaunti at kaagad siyang napasinghap dahil sa paggalaw ko.

"I-it's..." hindi niya na masabi ang sasabihin niya ng gumalaw ulit ako para kuhanin sa likod ang isa pa. Tungkol lahat 'yon sa science. Parte ng mga katawan ng tao at iba pa.

"Sarap talaga magboyfriend ng doctor..." bulong ko.

"Ano?" tatawa tawang tanong niya. Napakindat ako rito at napakagat naman siya ng labi, bumaba naman ang tingin ko ron.

"Ang sabi ko, ang ganda naman ng binabasa mo..." pag-iiba ng usapan. Napailing na lamang siya sa aking sinabi. Binuksan ko ang libro at nakita ko ang male part ng lalaki at female part ng babae, tiniklop ko na lang agad 'to at inilagay na lang sa lamesa.

"Fuck..." bulong nito.

Kumunot naman ang noo ko at tumingin sa kaniya, tingin ng nahihirapan. Napakagat nalang ako ng labi nang maramdaman ko na naman ang pagkalalaki niya.

Kaagad niya akong inasog at binuhat niya ako papunta sa kama, hindi na siya nagsalita at pumunta na lang sa banyo. Hindi na rin siya humiling na makaisa sa akin dahil sobrang tagal niya talagang magsawa sa akin.

Kahit nuong ginawa naming dalawa 'yon, para akong nagbuhat ng barbel sa sobrang sakit ng katawan ko. Paglabas niya ng banyo ay napalunok ako, hindi ko alam na nakaboxer nga pala siya kanina lang tuloy ay mas namangha ako sa laki ng katawan niya.

"A-ayos ka na?" naiilang na tanong ko.

"Yes, Babe. Date tayo ngayon...." sambit niya na naman.

"Meron ako ngayon, wala naman akong sanitary napkin," kagat labing sambit ko. Tumingin siya sa kaniyang cellphone at lumayo sa akin.

Ngumiti siya at naghanap ng pamalit, nagtaka na naman ako sa ginagawa niya. Hindi siya pumasok sa hospital, pero bakit magdadate siya? Hindi pwede dahil focus muna siya eh!

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now