Naninibago ako dahil kada uwian ay may sumusundo sa akin nung nakaraan o 'di kaya ay may tatawag o magtetext kung nasaan na ako.
The sudden change of things made my stomach crunch. Palagi pa naman kaming kumakain sa labas pag may oras kami matapos ang klase.
Hinatid namin siya sa airport. Kasama ko ang mga kaibigan niya, kung nandito nga lang din si Ian ay karay karay ko iyon pero dahil wala siya ay si Ishi na lang ang isinama ko kahit na may plano pa raw siyang gawin.
"I'm going out, Aera," she whined and yet she is getting ready to go with me.
"Saan ka naman pupunta, aber?" Nilagay ko ang kamay ko sa aking baywang at nilakihan siya ng mata. Hindi ito makatingin sa akin. May tinatago.
"Nandon yung crush mong pusa. Samahan mo na ako, please." I pleaded.
Ang prinoproblema ko kasi ay baka mahiya ako sa mga kaibigan ni Shone pag tuluyan na siyang umalis.
His friends and I are on good terms naman but I never tried hanging out with them without Shone and my friends. Medyo nababahala tuloy ako.
"Okay, okay, sasamahan kita. But! Please. Don't ever remind me of that happy crush. Nakamove on na ako, okay?" Nilakihan niya rin ako ng mata. Mukhang hindi nga siya nagbibiro ron kaya talagang binaon ko na ang term na crush niyang pusa.
My Ishi looks like she's seeing someone. I can tell.
Shone picked us up at 7/11 near Ishi's house. Nang makita ko na ang puting Honda civic at nang macheck ang plate number non ay tumayo na ako sa waiting shed.
"Never imagined that I'll be dragged just so you can make landi," bulong ng kasama ko bago kami pumasok na dalawa sa loob ng sasakyan.
I looked at her with disbelief in my eyes. How could she address this as landi? I just want to drop him off at the airport because it will be a long time until we see each other again.
"So you really are leaving," I said as I watched him walk with his bag and luggage in his hands.
Kumpleto ang mga kaibigan niya ngayon. Ultimo si Iki na nakatira sa Japan ay kasamang maghatid sa kaniya. Kailan pa nakabalik ang Hapones na yan?
The feelings are indifferent. Sanay na sanay ako na palaging nasa tabi ko si Shone but now, he will leave for states.
"I'll come back... to you."
"Yes, please." Mahina kong saad, halos paos.
Ni hindi ko yata aminin sa kaniya ng harap harapan na mamimiss ko siya sa takot na ang salitang iyon ang makapagpalinaw sa nararamdaman ko para sa kaniya.
"I will not take a long time. I will come back soon enough before you miss me." He smiled and held my hands. I looked at our intertwined fingers. That looks good. Kahit na halos maiwan ang kulay ko sa kulay niyang daig pa espasol.
Soon. He doesn't give an exact time when he will come back. It was full of uncertainty but I believe that he will come back.
"Babalik at babalik ako sa'yo."
I merely nodded. I let go of our hands because I am afraid that someone will see and they'll think that something is going on between him and I. But honestly, I don't really give a damn about that... it just felt like it will be hard to let go if I hold onto him now.
Mahihirapan lang ako.
I pinch the shoulders of his leather jacket instead. Iyon na lang ang pinanghawakan ko.
"Wag mo akong masyadong mamiss, ah."
Aalis na nga lang mang-aasar pa. Paano pag namiss kita? Anong gagawin mo? You cannot just fly back here just because I miss you, Shone.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
Teen FictionEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...