Chapter 37

3 0 0
                                    


Hugs

Halos nasa kalagitnaan na ng second semester nang bumalik si Shone. He only has two days to rest because he came home last Friday.

Ngayon, I was on my way to their house. Unannounced. I brought some pastries for him. Kalahating taon niya 'tong 'di natikman, I guess he will like this.

"Good morning po. Kay Shone po." Masaya kong bati sa Manong sa gate nila.

Hindi ako nito sinuklian ng ngiti, nakakunot pa nga ang noo habang kinikilatis ang mukha ko.

I gulped. Maybe this is not the right thing to do? Dapat pala tinext ko na si Shone. Pero baka kasi tulog pa iyon.

"Pangalan?"

I cleared my throat. "Aera po."

"Era?" Kunot noo pa ring tanong niya. Magaspang ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Ang arte kasi ng pangalan ko e, parang naka Aussie accent.

"Opo, Aera Eloise."

"Era Elowi."

I nodded enthusiastically. Ang sungit sungit tignan ni Kuya. Pinapasok naman din niya ako matapos niyang makipag-usap sa walkie talkie niya.

"Thank you po, Kuya!"

Tinanguan lang ako ni Manong guard. Nakakakaba pala mga guard dito.

Ngayon talaga mas sure na ako na maling desisyon na magpunta ako rito nang walang nakakaalam. Paano ako ngayon dito? Hindi ko 'to naisip kanina habang iginagayak ko 'yung mga dadalhin ko.

Parang wala pa namang laging tao rito kung hindi ang pamilya niya dahil kada pupunta ako rito ay wala akong kasambahay na nakikita.

"Ate, it's been a while."

Laking pasasalamat ko na lang nang mamataan ko agad si Selia nang pumasok ako sa loob. No, it's like hinihintay niya talaga ako.

"Hello, Sel! Good morning." Bati ko rito. Agad ko siyang nilapitan. Baka kasing sungit ni Manong guard yung mga tao rito, mahirap na.

"Ate, miss na miss mo ba ako?" natatawang tanong niya dahil nagmamadali ako sa paglapit sa kaniya.

"Oo." I laughed awkwardly. Hindi talaga nakakatulong ang hindi ko hasang social skills sa mga ganitong bagay.

"Sungit ba ni Kuya sa labas? Pagpasensyahan mo na, mahigpit kasi sila. Especially that I was left here alone since I cannot go with Mama because I have classes to attend."

I nodded slowly. That explains why I didn't see her when we drop Shone to the airport.

"Hindi, okay lang," I answered. Medyo nakakatakot nga si Manong guard pero naiintindihan ko.

Matagal na simula nung huling punta ko rito kaya hindi na rin siguro natandaan ni Manong at saka natural lang siguro iyon. This house is a private space, it's normal to ask people before they let them in.

"Kumusta ka naman nung mga nagdaang buwan?"

When Shone told me about their stories, hindi niya nabanggit si Selia. It leaves a question in my mind though. Nasaan si Selia nung mga panahon na yon? He only talked about Shailen and his relatives but he never mentioned Selia.

"I was fine. Namiss ko nga lang sila Kuya."

It must be lonely living in this massive house alone for the whole six months. Si Shone lang ang umuwi ngayon, wala pa sila Tita. She must miss them so much.

"May dala akong pastries. Tulog pa ba ang Kuya mo?"

"Lapag mo na lang dito yan, Ate. I'll bring you to his room."

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon