Chapter 47: Confession Message

183 9 1
                                    

"Sinabi mo na ba lahat ng nararamdaman mo sa kanya't kanina ka pa dyan nakatunganga sa selpon mo?"

Para silang mga bata na nagkakagulo sa isang table roon sa may kantina. Katatapos lamang ng seminar nila at kapansin-pansin nila ang hindi mapakali na si Kaiden. Aligaga ito na animo may gustong gawin. Nang tanungin siya ng kanyang mga kaibigan, sinabi niyang namimiss niya si Dreams kahit kakikita niya lamang ito tatlong oras bago siya umalis sa kanyang unit. Todo tukso tuloy sina Oheb sa kanya't tinamaan na daw si Kaiden ng malala.

"Langhiya! Ni isang letra nga wala siyang maisulat e." Tugon ni Edward na naging dahilan ng tawanan nila.

Maraming gustong sabihin si Kaiden pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Ni isang letra wala pa siyang naititipa sa kanyang selpon, ultimo isang salita o sentence ay ganon din. Nakailang bura na siya't palit kapag ganon na nakokornihan siya sa mga sinulat niya. Pakiramdam niya kasi ay pagtatawanan lamang siya ni Dreams. Almost fifthteen minutes na siyang nakaharap sa kanyang selpon pero wala pa siyang matinong message na naipapadala kay Dreams.

"Huwag nga kayong magulo. Kita niyong may ginagawa 'yong tao e, kuda kayo ng kuda dyan. Kaya ako 'di nakakapagpukos e." Paninisi nito sa kanyang mga kaibigan at pinagmumura ng malulutong, sapat lamang na sila ang makarinig.

"Sadyang torpe ka." Prangka ni Oheb kaya nakatanggap siya ng middle finger mula kay Kaiden.

"Bakit kasi sa text mo pa sasabihin lahat ng nararamdaman mo sa kanya? Nakatira na nga kayo iisang bubong e, ba't 'di na lang don." Suhestiyon ni Edward saka sumimsim sa iced tea niya't sinang-ayunan 'yon ninq Marco na nakikinig lamang.

"Pag sa unit ako aamin tapos irereject ako, edi napahiya buong kaluluwa ko don. Mas mabuti ng sa chat para kapag nareject, replayan natin ng ipasa mo sa twenty five na tao kung ayaw mong malasin habambuhay, ganon."

Muntik maibuga ni Edward 'yong sinimsim niyang iced tea. Nabilaukan si Oheb sa pagkain ng pizza at napatigil sa pagkain ng salad si Marco dahil sa sinabi ni Kaiden. Nagtawanan sila't hindi inaasahan na ganon ang mindset nito. Kung gaano siya tinamaan kay Dreams, ganon naman siya katorpe.

Matapos nilang magmeryenda ay napagdesisyunan na nilang umuwi para makapagpahinga.  Pero hanggang sa parking lot ay pinapaulanan pa rin nila si Kaiden ng tukso kaya halos isumpa niya sa demonyo 'yong mga kaluluwa ng kanyang mga kaibigan. Kahit nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho, hindi maalis sa kanyang isipan si Dreams. Kahit sa pagtulog nito ay naroon pa rin ang babae na gumugulo sa kanyang isipan. Hindi niya tuloy alam ang gagawin niya. Gusto niyang umamin pero natatakot siyang mareject. Oo nga't nilalandi siya ni Dreams noon pero para sa baby lamang niya ito at hindi tungkol sa tunay niyang nararamdaman.

"Palapag na lang sa counter 'yong mga bibil---Dok?" Hindi mapaniwalang usal ni Dreams pagkakita sa bulto ng lalaki na may dalang tatlong gallon ng ice cream at puro cookies and cream pa ang mga flavor non na paboritong-paborito niya. Nginitian lamang siya ng doktor at tahimik na hinugot ang wallet sa kanyang bulsa't inilabas ang atm card nito dahil wala siyang cash. Punong-puno siya ng pagtataka dahil sa kakaibang awra ng doktor sa kanya at pati na rin sa pagbili nito ng mga ice cream na kalimitan niya lamang na nakikitang kumain ng ganon.

"How much?"

"Katatapos mo lang lagnatin, lalaklakin mo namang kumain ng ice cream." Pagbabalewala niya sa tanong nito.

"Who told you that I am the one who are going to eat that."

Bago pa malaglag ang panga ni Dreams sa isinagot ni Kaiden sa kanya, kinuha na lamang niya ang atm nito upang mabayaran na 'yong mga pinamili niyang ice cream. Kinindatan pa siya nito na ikinagulat niya lalo. Iniisip niya tuloy na nakahithit ng sunog na tsinelas si Kaiden dahil kakaiba ang mga inaasta nito.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon