Jaunty

54 2 2
                                    

Masakit. Yun yung una kong naisip nung nakita kita ulit. Masisisi mo ba ako? Nagmahal lang naman ako sa'yo.

Gaano katagal na ba? Mahigit dalawang taon na diba? Bakit ngayon ka na lang ulit nagpakita? Bakit ngayon kung kailan wala na? Wala na nga ba talaga?

Umaasa pa rin ako. Umaasa na babalikan mo kahit tapos na tayo. Nilinaw mo 'yon, alam ko. Nagbabaka-sakali lang naman ang puso ko.

•••

Malagkit. Yun ang naisip ko nung nakita ko kayo ng bago mong girlfriend. Grabe siya kung makalingkis sa'yo at ikaw naman ay hinahalik-halikan siya kahit kailan mo lang gusto. Diba tayo dapat ang ganoon? Ganiyan ka rin naman sa'kin noon, hindi ba pwedeng ganun na lang ulit sa ngayon?

Bagay kayo. Masakit mang aminin ay yun ang totoo. Sobrang sakit kasi mas bagay kayo kaysa nung tayo noon. Kita kong mas masaya ka rin ngayon. Lahat ay mas kaysa sa kung ano ang meron tayo noon. Hanggang dito na lang siguro ano? Maging masaya ka na sanang lagi sa piling niya. Tatanggapin ko na. Kahit ikamatay ko ang sakit, tanggap ko na. Mahal mo siya.


Ano nga naman ba ang laban ko sa kanya kung tunay siyang babae hindi ba?!

**
Guessed why it was entitled like that? Go search for the dictionary, look for its synonyms. :)

DesultoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon