chapter 8

3 0 0
                                    

Maingay ang sumalubong sa akin. Isang araw, i saw my parents both struggling. Naririnig ko ang sigawan nila nang dumaan ako sa kwarto nila.

"It's because you were not doing good, Samuel!" Sigaw ni mama kay papa.

Half open ang pinto kaya naririnig ko ang sigawan nila. I saw manang approaching kaya sumenyas ako na bumaba muna siya. She nodded silently then turned her back.

I sighed. I don't understand what are they fighting for. Kalalabas ko lang ng kwarto ko para sana kumain sa baba pero natigil ako sa sigawan ng mga magulang ako.

I know this is wrong. But I'm curious. Nakakapanibago kasi dahil ngayon ko lang silang narinig mag away. Or thry just fight when I'm not around. I don't know.

"For what?! This is all useless! Nonsense!" Sigaw ni papa pabalik kay mama.

Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Tingin ko ay naririnig ni manang pero wala lang siyang reaksyon na pinapakita.

Damn it. Ano ba ang pinag aawayan nila?

May basag na vase akong narinig. Mas lalo akong napaatras at sinubukang umalis na pero nanigas ako sa kinatayuan ko.

I'm so scared for both of them. Anong nangyayari? I don't know how to make them stop either. I'm damn scared. I don't know why. Kasi ngayon ko lang narinig ang mga magulang kong nagsasagutan? Kasi ngayon ko lang nasaksihan kung paano magalit si papa?

This is not good. Bumaba na ako pababa ng hagdan para sana kumain kahit nawalan na ako ng gana.

May problema kaya sa trabaho? Siguro naman magkakaayos din sila mamaya. I hope so.

Manang served me my food. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya bago umalis.

"Baka naman stress lang si tita, Flores." Ani mira kinabukasan nang tinanong ko sa kanya kung anong sa tingin niya ang nagyayari sa magulang ko.

I shrugged. Maybe she's right. Parang ayos narin kasi sila kanina nang kumain kami para sa aming umagahan.

"Don't get affected. That's normal to fight." Ani Jules sa tabi ko.

Tumango ako. Baka nga. Maybe I'm just thinking too much. Umiyak kasi ako kagabi. Iniisip ko kung paano kung maghiwalay sila? Gosh. I was dramatic last night for nothing. Tinawanan ko ang sarili at nagpasalamat sa kaibigan dahil pinagaan nila ang loob ko.

"Nag aaway pala sila? Tahimik kasi ng papa mo. Akala ko all goods sila palagi," sabay ngisi ni kira.

Inirapan ko siya at hindi rin napigilan ang hindi mangiti. They met my parents na kasi at nagustuhan silang tatlo nina papa at mama. Magaan daw ang trato sa kanila.

"Even friends do fights, kira." Inirapan siya ni Jules.

Humalakhak kami. Sinamaan naman siya ng tingin ng kaibigan ko at hinarap siya.

"Talaga? Kaya pala lagi mong inaaway si Florence!"

Nanlaki ang mata ko. Pumalakpak ang kambal niya mukhang natutuwa dahil namiss niya yata ang bangayan ng dalawang 'to.

However, i enjoy watching them. Nanood na lang ako since break time namin at nasa bench kami sa school dahil swimming class ang susunod naming klase ngayon.

Mataman siyang tiningnan ni Jules. Napaawang ang labi niya pero mabilis din itong tinikom. Damn it. He's really paying attention for this?

"Hindi ko siya inaaway—"

Pinutol kaagad siya ni kira.

"Fake news ka! Akala mo hindi namin napapansin ni ate ang pang aaway mo sa kaibigan natin tapos susuyuin mo din mamaya maya?!" Nagtaas siya ng kilay sabay krus ng kanyang braso.

Napapikit ako. Not now, kira. This is so awkward. Ang tagal na nun pero tanda niya pa talaga.

Jules blinked twice. Mas lalong humiyaw si Mira. Of course she loves this. She loved mess. She loved the chase.

"What?!" Halos bulong na singhal ni Jules.

Lumaki ang ngisi ni kira. Ngising tagumpay talaga. Napailing nalang ako.

Hindi nila yata napapansin ang pamumutla ni Jules. Tumingin siya sa akin ng isang beses bago umiling kay kira. It was like he was asking for my help. Humalakhak ako sa gilid.

"Totoo! Para nga kayong mag jowang nag aaway," sabay ni mira at uminom sa kanyang hydro flask.

Nagtaas ako ng kilay. Hindi ko mapigilan ang hindi mangiti pero umiling ako kaagad.

At this rate, alam ko na kung saan tutungo ang usapang ito.

Jules sighed. Yumuko siya at kinagat ang labi. Tumawa naman si kira.

"Oo nga 'no?" Nanliit ang mata ni kira. "Baka naman mag jowa kayo? Secret lang? Napaka petty kasi ng bangayan niyo—"

"Hindi, kira." Pigil ko kaagad sa sasabihin niya.

Nanginginig ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagtitig ni Jules sa akin. Nagtaas siya ng kilay pero kalaunan ay kalmadong tumango para mas lalong maniwala ang kaibigan namin.

Ngumisi si mira at tinusok tusok ako sa tagiliran. Sinamaan ko siya ng tingin pero natatawa ako sa itsura niya. Mas lalo tuloy silang naghiyawan.

I flushed. Hindi ko sila matingnan. Para kaming mag jowang nahuli ng magulang namin. At guilty ako kahit hindi naman totoo. Niloloko yata kami ng dalawang 'to, eh.

Hinuli ni Jules ang kamay ni mira para tigilan ako. That proves them more. Uminit ang pisngi ko. Ang ingay namin dito. Nakakahiya kasi napapatingin ang iba sa amin.

"Sige na, umamin na kasi kayo. Kayo na ba? Ha? Ha?" Sabay lapit ng mukha ni kira sa akin.

I pushed her. Humalakhak siya.

"Hindi nga—" pinutol ulit ako ng magkapatid.

"Pero sayang? Okay lang naman kung kayo talaga, bagay naman kayo." She smirked. "Amin na! Aamin na yan!" Pangungumbinsi nila.

Umirap ako. Naghuhuramantado ang puso ko. Hindi ko alam ang kasiyahan na naramdaman ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Damn it. So kino-consider ko nga? Really?

Ngumuso si Jules. Hindi siya nagsalita. Ngayon niya pa talagang naisipang tumahimik.

"Hindi talaga. Magkaibigan lang kami. Tumigil na kayo," sinubukan kong magseryoso para makinig sila sa akin.

Tumango si Jules.

"That's right. At kung sakali man na maging kami, hindi naman namin ililihim sa inyo,"

My eyes widened. Tumili ang dalawa at pareho kami ni Jules na niyugyog ng kambal.

"Kinikilig ako!" Gigil na sigaw ni kira.

Magkatabi kami ni Jules. Nasa harap namin pareho ang kambal na nakatayo at nanggigil sa harap namin. Napapikit ako sa ingay nila.

Kung bakit niya pa kasi sinabayan ang dalawang 'to.

Walang ginawa si Jules kung hindi ang hayaan si kira sa pagyugyog sa kanya. Mukhang tuwang tuwa pa siya. Ngayon ko lang yata siyang nakitang natutuwa habang inaasar ng dalawa. Madalas kasi ay napipikon siya. Pero ngayon may ngiti sa labi.

Sinubukan kong patigilin si mira. She jokingly pushed me kaya napasandal ako sa bench. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Kinorner niya ako gamit ang dalawang kamay. She smirked.

"Huwag ka na dun kay rigor. Asshole naman yun..." She smirked. "Si Jules, good boy. Halatang tatratuhin ka ng tama," she winked.

Napapikit ako. Humalakhak si jules. Mas lalo silang humiyaw. I love his voice so much. Napakalamig pakinggan lalo na tuwing tumatawa siya.

"That's high praise. Thanks, Mira." Ani Jules.

At hindi kami tinigilan ng dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flores SundayWhere stories live. Discover now