Kabanata 4
Reemo
"Mahal mo ko?" parang gulat na gulat na tanong ni Ian sa akin.
Bigla akong nataranta. Fuck! That slipped out of my mouth without me even thinking. Teka bakit ba't gano'n ang reaksyon niya? Nailang ba siya bigla?
Tinamaan ako ng hiya at dinaga nang tuluyan ang dibdib ko. Pagdating talaga sa babaeng 'to, kahit alam ko namang matapang ako, umuurong ang buntot ko kapag pakiramdam ko naiilang siya tuwing nararamdaman ang totoong feelings ko.
I forced a smile and pinched her cheek. "We're best friends. Syempre mahal kita," dahilan ko.
She pursed her lips and looked away. If she felt disappointed or relieved, I couldn't really tell. Ayaw ko namang mag-isip na may pag-asa. Nakakatakot. Noong sinubukan siyang pormahan ng isang kaibigan namin noong kolehiyo na si Troy, biglang hindi na lang niya kinausap.
That scared the shit out of me because I was planning to confess my feelings back then. Pero noong tinanong ko siya kung bakit hindi na niya pinapansin si Troy, sinabi niyang ayaw na ayaw niya sa tropang nagkakaroon ng feelings para sa kanya.
I kept my real feelings to myself since then because I'd rather keep my feet glued on the friendzone than lose her.
"Bilisan mo naman ang inom mo, Reemo. Napag-iiwanan ka na namin, oh?" alaska ni Tyong Pogi nang makitang paunti-unti lang ang inom ko sa alak.
I grinned. Medyo namumula na ang magkabilang pisngi. "Baka masapok tayo ni Ian, Tyong kung maparami na naman."
Ngumisi siya. "Ikaw talaga, takot na takot ka sa anak ko. Magsabi ka nga ng totoo? Bakla ka ba o gusto mo si Ian?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong lambanog. Bakla? I'm pretty sure I like licking pussies. Gusto si Ian? I inhaled a sharp breath and glanced at her while she's still keeping her head low.
Hindi lang gusto. Mahal. Mas mahal pa sa buhay ko.
Ian cleared her throat. "Huwag na nga ho ninyong asarin. Ako rin ang kawawa oras na maparami na naman 'to ng inom."
Payak akong ngumiti. She will always divert the conversation whenever someone is teasing us, huh? I get it. She's avoiding that kind of topic because she doesn't see me as a potential lover. Ouch.
"Ian, matagal na ba kayong magkaibigan?" tanong ng isa sa pinakabagong trabahador.
Tumango si Ian. "Magmula ho kinder."
Kumuha siya ng calamares, kinagat ang kalahati, saka inilapit sa bibig ko ang natira. I held her hand and ate the fried squid with a happy heart. Okay na rin siguro ako sa ganito. Malambing naman kami sa isa't isa. Para na ring mag-syota.
"Eh, akala ko mayaman itong si Reemo? Paano naman kayo nagkakilala noong kinder?" tanong ulit ng trabahador.
I chewed the food in my mouth then placed my palm on Ian's knee as I sipped on my drink. "Hindi naman ho kami mayaman pa noong kinder ako. College na ho naging successful ang negosyo ng Daddy ko."
"Ano nga ulit ang negosyo ninyo, Reemo?" tanong ng isa pang trabahador.
"Construction firm ho," sagot ko.
"Eh, 'di engineer ka pala o architect niyan?" the other worker asked.
Sana. Balak ko naman mag-engineering noong college kaso ang layo sa College of Business and Accountancy. I want to be in the same class with Ian so I took up the same course that she took.
The things I do for love. Napangisi ako nang maalala na naman kung papaano kong pilit iginapang ang kolehiyo kahit ayaw ko ng kurso ko dahil lang ayaw kong mahiwalay sa kanya.
"Hindi ho. Business Management ho ang kinuha ko. Pareho kami ni Ian," I said proudly like I was announcing that she's my girlfriend.
"Ay naku, Rigor. Iyang si Reemo at Ian, daig pa ang magkapatid. Halos pareho ng mga hilig," ani Tyong Pogi.
I flashed a small smile. That's . . . not really true. I only took up BM because it was Ian's course. I eat Bulalo because it's her favorite. I do extreme sports because she loves the adrenaline rush and I want to love the things she love.
I . . . bend my own wants because I want to always be part of her world. To be one with her, even in my own ways.
God, I love this woman so much. When will heaven be in my favor? Kung magkaroon lang ng himala at mahalin din ako nito sa paraang gusto ko, I swear I'd marry her immediately. She can wear pants on our wedding day for all I care and I would still stare at her like I always do; as if she's the most beautiful girl in the world.
Napatingin ako sa cellphone niyang nagliwanag noong nakatanggap ng chat, ngunit iyong kurba sa mga labi ko, unti-unting naglaho nang makita ko kung sino at ano ang chat.
Troy Ballisteros: When can I see you again?
Umigting ang panga ko. "Nagkaka-chat na kayo ulit?" malamig kong tanong.
Ian glanced at me and nodded. "Minsan. Sa Department of Tourism na pala siya nagtatrabaho."
Jealousy hit me like a physical blow. Kaya kahit wala naman sanang balak mag-inom nang marami, napataas ang bawat tagay ko.
Bakit hindi niya sinasabi? Iniisip niya bang kung malalaman ko ay pipigilan ko siya? Na haharangin ko kung sakaling gusto siyang ligawan? O baka naman trip niya na rin si Troy ngayon at nahihiya lang siyang aminin sa'kin?
"Dahan-dahanin mo ang inom, Reemo," paalala niya habang nagtitipa ng reply para kay Troy.
Imbes na bagalan ang inom, lalo ko pang tinaasan ang bawat tagay ko. Ba't kasi ang manhid nito?
Ba't kasi pagdating sa kanya natotorpe ako?
I lowered my head and ran my fingers onto my hair. Hindi naman siguro natotorpe. Takot lang na baka hindi niya magagawang suklian ang nararamdaman ko tapos lalayuan niya ako dahil maiilang na siya sa'kin.
Mawala na talaga lahat 'wag lang 'tong babaeng 'to. I don't pray for her every night just to lose her because of my damn feelings.
Troy said something that made her smile. Para akong nasuntok sa dibdib. Pakiramdam ko wala pa man, inaagaw na siya sa akin.
Tang ina, ang hirap naman nito.
I sighed. "Nililigawan ka na yata niyan. Hindi mo man lang sinasabi sa'kin."
Nilingon niya ako. Maya-maya ay ngumisi. "Single naman ako. Hindi na rin ako bumabata. Isa pa, kilala naman natin 'tong kutong-lupang 'to. Mabait naman 'to."
"Mabait din naman ako," I murmured.
"Para ka na namang bubuyog. Ayusin mo nga ang pananalita mo, Reemo."
Bumuntonghininga ako saka siya inakbayan. "Samahan mo ko. Naiihi ako."
Umirap siya pero tumayo pa rin para alalayan ako sa pag-aakalang kaya ako nagpapasama ay dahil nahihilo na.
We walked towards the line of pine trees on the west side of their farm, but instead of pulling my wiener out to pee, I pulled her close for a tight hug from behind.
"Akala ko ba iihi ka?" tanong niya habang nakasandal ang ulo sa dibdib ko.
I sighed. "Hindi. Gusto ko lang magpahinga. Baka tamaan na ako habang sila hindi pa lasing." I looked up. "Ang daming bituin ngayon. Ang sarap humiling."
She held me by my arms. "Anong . . . hihilingin mo kung sakali?"
My lips slightly pressed on top of her head. "A peaceful and happy family life someday."
With you, Ian. With no one else but you . . .
BINABASA MO ANG
TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceReemo likes classy girls. Helian dresses up like she's going to punch someone in the face. Reemo likes soft-spoken girls. Helian talks like she's always trying to put up a fight. Reemo likes sweet smiles and tantalizing eyes. Helian smirks and rolls...