Nagising ako ng maramdamang may mabigat na bagay sa hita ko. Minulat ko ang aking mata at bumungad saakin ang mahimbing at tulog na tulog na si Carlos. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya. Gumalaw naman siya at mas hinigpitan ang kapit niya sa bewang ko at sumiksik sa dibdib ko na halos nakapatong na saakin ang kalahati ng katawan niya. Lumipat ang kamay ko sa buhok niya at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha.
Pagod nanaman ang loko. Paano kasi at talagang bumawi siya saakin sa isang linggo naming hindi pagsisiping. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kung bumigay sa kanya dahil gustong gusto ko rin ang pinagsaluhan namin kagabi. It's beyond ecstasy, at bago saakin 'yon. Kapag talaga active ang hormones ng lalaking ito ay talagang pinapagod niya ako. But this time, siya na ang pagod. Tinulugan ko na siya kagabi dahil bagsak at nanghihina na ang katawan ko.
Kahit wild man ang lalaking ito sa kama, hindi parin niya nalilimutang sabihin saakin kung gaano niya ako kamahal. Na saka lang siya gagalaw kapag sinabi ko na. Na kahit gusto niya akong sagadin ay pinipigilan niya ang sarili dahil gusto niyang ako ang masunod. Hinalikan ko ang noo niya ng paulit ulit at sumiksik sa leeg niya. Paano ba ako makaahon sa sobrang pagmamahal saakin ni Carlos? Hindi ko alam, dahil ako mismo ay ayaw ng mahiwalay kay Carlos. He is my life, at sa kanya ko lang iaalay ang buhay ko. Mahal na mahal ko siya ng sagad. And I can't imagine my life without him. Sa kanya umiikot ang mundo ko at siya ang lalaking pakakasalan ko. I can't wait to become Mrs. Hiron. Excited na ako sa kasal namin kahit wala pa kaming napaplano. Priority muna kasi namin ang pag-aaral.
Dahan dahan kung tinanggal ang mahigpit niyang kapit saakin at tumayo. Ibinalot ko ang aking hubad na katawan sa roba at inayos ang kumot niya. Kitang kita ko ang bawat biyak ng muscle sa likod niya at ang waistband ng boxer niya. Napangiti na lang ako ng maalala ang pagtatalo namin kagabi. Gusto niya kasing hubad akong natulog samantalang siya ay nakaboxer. Wala naman akong magawa dahil mahigpit na ang kapit niya saakin. Ewan ko ba diyan kay Carlos at parang palagi siyang kating kati saakin.
Dumiretso ako sa CR at naghilamos ng mukha. Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin, lalong lalo na ang labi ko. Namumula parin hanggang ngayon. Paano naman kasi at halos kainin na ni Carlos ang bibig ko kagabi. Kinilabutan nanaman ako ng maalala ang pinagsaluhan namin kagabi ni Carlos. Kung hindi ko lang talaga pinipilit ang lalaking iyon na gumamit ng condom, sigurado at may anak na kami ngayon.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng roba ko ng may mapansin akong parang pantal sa leeg ko. Kumunot ang noo ko at binahagi ang roba ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang malalaking pantal sa leeg mo pababa sa dibdib ko. What the hell?! Paano ako papasok sa school kung puno ng kissmarks ang leeg ko?! Lalong na sa dibdib ko. Nasapo ko ang aking noo at tuluyan ng tinaggal ang roba ko. Bwisit na lalaki! Pinagdiskitahan nanaman ang balat ko. Nangyari na ito noong summer. Kaya naman hindi ako nakaligo ng maayos noon sa Akapulko. Naenjoy ko lang ang night swimming namin sa Thunderbird.
Kumuha ako ng towel na rough ang texture at kiniskis sa leeg ko. Hindi na ako magkanda ugaga sa pagkiskis sa balat ko. Pulang pula at ayaw matanggal! Napakagat ako sa ibabang labi at binitawan ang towel. Damn Carlos! Pinapahamak nanaman ako ng lalaking iyon! Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Carlos na kumakamot pa sa buhok niya at humihikab. Imbes na mahiya ako dahil nangingislap nanaman ang mata niya sa hubad kung katawan ay kinuha ko ang towel at binato sa kanya.
"What the fuck?! Is that the proper way on how you say goodmorning?" Imbes na matakot ako sa salubong niyang kilay ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko.
"Ano 'to? Carlos, ano 'to?!" turo ko sa leeg kung puno ng pantal at sa dibdib ko.
"Kissmarks? Lovebites?" nakangisi pa niyang sabi at sinara ang pinto at sumandal doon.
"Alam ko! God! Bakit mo ako linagyan ng ganito? Carlos naman! Paano ko ito maitatago?" sumimangot naman siya at lumapit saakin. Napaliyad ako ng haplusin niya ang leeg ko pababasa dibdib ko. Muling nabuhay ang kakaibang init sa katawan ko sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Everlasting
Aktuelle LiteraturHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?