FIRST AND LAST CHAPTER

19 1 0
                                    

Ella's POV

Abala ang lahat sa pagsasaya at pagtangkilik sa mga inihandang booths at activities para sa school fest. Today is the 56th annual school festival of St.Therese high. They say, its a fun and exciting occassion. But for me? Nah, It's just another day. Bitter ba? yaan na. Masanay na kayo. I'm living in a peaceful, calm, quiet and cold life... unlike before.

Obviously, its the opposite way of the life I'm living right now ang manner ng buhay ko noon. Maingay, masaya, medyo magulo pero exciting. At ang buhay na yan ay ang buhay ko noong kasama ko pa si Ken Nathans.

Sino si Ken Nathans? Well, he's known as the school's charismatic heart stealer and breathtaking dancer. Kayang-kaya nyang paibigin at kahit sinong babae sa pamamagitan lamang ng kanyang kindat, ngiti o di kaya dance moves. Well except for one person... ME

alam nyo kung bakit? Kung hindi nyo natatanong, Sya lang naman ang childhood bestfriend ko. hah! oh diba? mukha bang imposible? oo. alam kong isa akong nerd at nobody sa campus pero hey, hindi naman yun batayan para maging bestfriend ko ang tulad nya diba? Oo, mahal ko sya, matagal na pero hindi naman nya ako napaibig sa pamamagitan ng pagiging heart stealer or dancer nya. His craziness,naughtiness and good vibes. ayun. yun ang dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya.

Then he changed. Everything Changed. Simula noong nagka amnesia sya, nawala na ang dating Kenken. Napalitan iyon ng Nathan na mayabang. Nathan na playboy. Nathan na masungit. Nathan na suplado. Ni hindi nya nga akong sinubukang alahanin eh. Masakit para sa akin na isipin na kahit kailan, hindi na sya babalik sa dating Ken Nathans. Haaay.. namimiss ko na sya tuloy T.T

Btw. Andito nga pala ako sa isang puno sa likod ng school building. Since ako lang naman mag-isa dito, nagdesisyon akong umalis nalang at maglibot-libot sa mga booths. Tumayo na ako at nagsimula maglakad. Pumunta ako sa 3rd building kung saan nandoon ang booth ng klase namin. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. Sinubukan kong pumiglas pero ang lalakas nila. Hanggang sa...

Dumilim ang paningin ko.

(Fast forward)

"gisingin mo na kasi."

"nako wag na. gigising lang yan."

"argh, like duh? 2 hours na yang walang malay! Dapat nga nandoon na tayo sa booth 30 minutes ago! nako! lagot ka kay boss Nate!"

"Anong ako? Tayo!"

Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa aking paligid.

"mmmm..."

ungol ko saka unti-unting minulat ang mga mata ko.

"uy guys! gising na si Ella!"

sigaw noong isang lalaki. Teka, ano bang nangyayare dito? Unti-unti akong bumangon. Gah, ang sakit ng ulo ko! kinusot ko ang mga mata ko.

Pinagmasdan ko ang nasa paligid ko. Pinapalibutan ako ng 10 estudyante. may babae, may lalaki. Nakangiti sila sa akin. Ng narealize ko na nakidnap pala ako kanina, bigla akong nataranta.

"waaaah!! sino kayo?! nasaan ako?! waaah!! wag nyo akong sasaktan! wag kayong lalapit! ano bang kailangan nyo sa akin?!"

sunod-sunod kong sabi. mukha akong takot na takot habang sila naman nakatulala lang sila sa akin habang nakacross arm. Napatingin naman ako sa isang babae tapos tinaasan nya ako ng kilay at nagroll-eyes.

"t-teka? h-hin-hindi nyo naman ako sasaktan o pahihirapan diba? hindi naman kayo hihingi nang malaking ransom?"

tanong ko sa kanila ng may bahid ng tako at kaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marriage BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon