CHAPTER 23

105 7 4
                                    

PLACE OF SUFFERING, bumabalik na ulit ako. Ang lugar na kung saan kami ikinasal ni Sebastian. Sa Germany. Ang lugar kung saan nagpahayag siya ng tunay niyang pagmamahala and the time when he surrender his one knee proposing right in front of me. Dito. Dito mismo sa airport na kung saan makikita ang iba't ibang klase ng tao galing sa iba't ibang lugar.

I wish makakaya kong umalis sa lugar na ito ng mainit parin ang katawan. After ten months na pagtratrabaho at pagpapakalma ng isip ko ngayon handang-handa na siya muling makasalubong ng mga libo-libong kaguluhan at kapintasan.

I know Sebastian was still into me, I understand that he is still looking for me because of the money. Alam ko na kapahamakan lang ang magiging landas ko dito dahil ako mismo ang lulusob sa kaharian ng kalaban. Alam ko at aware ako na magiging sakit at kapintasan lang ang mapapala ko.

Nevertheless, wala ng mas importante pa ngayon sa buhay ko kundi ang makapiling muli ang anak ko kahit maging kapalit man ito ng kaluluwa ko. As a mother, handa akong lumuhod, makiawa, at handang magpakamatay para lang sa anak ko. I really miss him so much!

My prince charming, my lucky charm and my only reason to live, my one and only sunshine, Phoenix Frexel Kai V. Alinsky. Ang baby lucky ko.

I am living so desperately without me embracing him. May mga plano ng nakapaloob sa utak ko at magsisimula ako sa pagpapadakip at pagpapapreso. Iyon ang tanging paraan para maka diretso kaagad sa pinaka center ng palasyo. As if hindi na ako ang kinikilalang reyna ng kaharian na ito.

Kagaya sa unang pagtratrabaho. Ang pag-aapply sa ano mang trabaho ang pinaka mahirap sa lahat, dito mo malalaman kung tatanggapin ka o tatanggihan ka. Reflected sa magiging sitwasyon ko sa umpisa at magiging resulta ko sa huli.

Sa ngayon kinakailangan ko munang e organize lahat ng mga planong nasaisip ko, at hindi ito makukumpleto kung hindi ko muling maikot ang buong palasyo. Sana magkakaroon na ng hustisya ang pagkuha nila sa anak ko.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makatungo ako sa isang madilim na lugar na kung saan dito ang mga lugar na kadalasan tinitirahan ng mga criminal at drug lords. Dito kasi kami kadalasang bumibisita ni Sebastian noon upang kumuha ng mga minions na pag-utusang pumatay o 'di kaya mag deliver ng mga illegal drugs sa iba't ibang parte ng mundo.

Sigurado akong malaki at mabilis ang connection ng tumitirang drug lord dito sa Mafia Lord.

Walang taong nakapaligid tanging dalawang malalaking guard lang ang bumabantay sa pinto.

Bago paman pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko at kaagad na bumungad ang ngiti ko ng makita ang isang malaking tarpaulin na nakasabit sa pader. Ang sexy kong mukha nakadikit dito 'WANTED' for one hundred million euros ang pabuya sa makakakita.

Since last year pa pala ito. Iwan ko lang kung may naghahanap pa sa ngayon. But then, let's try to find out, ako na mismo ang susulong para mayroon namang intense ang ganitong habolan.

Lumapit ako sa dalawang guard at pareho lang silang napataas ng kilay, tinanong pa talaga ako kung ano ang kailangan ko at bakit napadpad ako sa tagong lugar na ito.

“Hindi ako may kailangan sa inyo. Kayo ang may kailangan sa akin.” Kinuha ko ang hoodie na nakatakip sa ulo ko at kaagad napalaki ang mga mata nila. Nagulat ako ng bigla ring napawi ang gulat nila sa mukha at binuksan ang pinto ng bar. Papasok na sana ako ng biglang mapapigil ng  lumabas galing sa pinto ang nakataas noong anino ni Sebastian.

“Giana!?”

Like what the f*ck. Siya kaagad ang naging kaharap ko? I never expected this, and I haven't prepared for this. However, I have to attain the serious face of mine while formulating the ideas to interlocked in my mind.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon