UTS 25

3.3K 58 5
                                    

Chapter 25

This hurts him?

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi. It's the other way around Caden, you've been hurting me. For the past four years. Marahan ko siyang tinulak kahit alam kong walang silbi iyon. Nagtaka siya sa ikinilos ko kaya mas lalo niya hinigpitan ang pagkakakulong niya sa akin.

I frustratedly sighed. "Please Caden, pakawalan mo na ako. Tapos na ang usapang ito." pilit akong huminahon sa sinabi.

He licked his lips and he intensely looked at me. "We're not done talking." he said in a dark and deep voice.

"Tapos na! Nalaman mo na ang gusto mong malaman. Ano pang gusto mo?" naiinis kong sabi, ayaw niya akong pakawalan. Ayaw niya akong paalisin dito, ngunit pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako ay hindi lang katulad ng kanina ang maiiiyak ako.

If we will talk about the past, the wounds I tried to bury for years might be opened again. Pag nangyari iyon baka tuluyan na akong bumigay.

He clenched his jaw. He looks like he is trying to pinpoint something but he couldn't.

"Hindi ganitong usap, Yara. Mag-usap tayo ng maayos, iyong hindi tayo galit." he said that with so much patience.

"Kung ganoon, uuwi na ako. Tutal hindi tayo makakapag usap ng maayos ngayon." pinal kong sabi, muli ko siyang itinulak at umatras ito ng kaunti.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng magkaroon ako ng pagkakataong makaalis sa kanya. Buong lakas kong hinila ang sarili kong maglakad at makawala sa bisig nito.

He let me walk out. Ngunit bago pa ako tuluyan makalayo ay huminto ako at hinarap siya muli. Nakatayo lang ito roon, walang balak na gumalaw.

"I am not mad at you, I hope we're clear with that."

His hot stares drifted at me, brows furrowed. Parang gulong-gulo siya sa mga nangyayari.

Muli na akong tumalikod at naglakad palayo. He might blame himself because of what he found out. He might think that he let me accuse myself, with his own mistake. I don't want that, ayokong sisihin niya ang sarili niya sa ginawa at pinagdaanan ko.

Alam ko ang pakiramdam noon at hindi ako papayag na maramdaman niya 'yon.

Tama lang na hanggang doon lang ang nalaman niya, hindi niya na malalaman ang lahat-lahat. What he'd been through is much worse than what I've been, so he doesn't have to know what I've suffered.

Pumasok pa rin ako kinabukasan, hindi ko naman hahayaan na madadamay ang trabaho namin. At may nalinaw na rin sa amin kahit paano, siguro naman ay ayos na iyon. I stared at the paper bag I'm holding, sumandal ako sa swivel chair ko habang iniisip paano ko ito ibibigay sa kanya. Dahil maaga akong umuwi galing sa birthday niya, hindi to na ito naibigay.

Iaabot ko lang ba sa kanya? Casual lang?

Nilibot ko ang paningin sa paligid, medyo tahimik naman ang office ngayon. Mukhang pwede ko itong iabot sa kanya, tumayo na ako sa kinauupuan at tahimik na pumunta sa office niya.

Ilang beses pa akong kumatok bago binuksan ang pinto, our eyes met as I entered his office.

May mga pinipirmahan lang itong papeles, hindi naman siguro ako makakaabala. Bumaba ang mata nito sa dala kong paper bag. Itinago ko tuloy ito sa'king likod. Kumunot ang noo niya, he looks like he is back to his usual self. That's good, mas gusto ko iyon.

Tumikhim ako ang maingat na inilagay sa mesa nito ang dala, he confusedly looked at me.

"Nakalimutan kong ibigay ang regalo ko kahapon. Inabot ko lang..." paliwanag ko at tumalikod na rin agad.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon