Chapter 3: Chicser??

73 2 0
                                    

Ully's POV

After 2 weeks ng pagsasama, mas lalo pa kami naging close. Halos kaming 6 ang laging magkakasama sa pagkain sa canteen, sa pagpunta sa mall, etc. Parang magkakapatid ang turing namin sa isa't isa. Andito kami ngayon sa bahay nina Ranz. Gumagawa ng group project...

"Ayos na ba 'tong project natin?" sabi ko kay Ranz.

"Oo. Ayos! Effort natin haha!" sabi ni Ranz samin.

"Natin?! Di ka nga tumulong samin e." sabi ni Owy.

"Lagi nalang Twitter ang inatupag. Tsk." pabirong sabi ni Cav

"Adik na yan." sabi din ni Biboy

"Hahahaha. Ako naman nagisip ng idea ah? Kaya may nagawa akong tulong." sabi ni Ranz sabay smile.

Nagtataka ako. Si Oliver di nagsasalita dun sa isang tabi. Nakatingin lang siya sa laptop niya at parang may pinapanuod. Hmm...

"Kuya, ginagawa mo dyan?" sabi ni Owy sabay tawa.

"May pinapanuod ako.." sagot ni Oliver

"Hoy ano yan!" sigaw ni Cav sabay tawa ng malakas.

"Tss. Dougie kaya tong pinapanood ko." inis na sagot ni Oliver.

Lumapit si Ranz kay Oliver. Pati si Ranz, nagulat sa pinapanood ni Oliver. Kaya kami nina Biboy, Owy, at Cav, lumapit din para tingnan kung ano yun.

"Wow grabe! Ang galing magdougie!" sabi ni Cav.

"Idol! Swag." sabi din ni Biboy

"Ano kaya guys kung gumawa tayo ng sarili nating video habang nagdo-dougie?" sabi samin ni Ranz, mukhang seryoso siya.

Napangiti si Cav sabay sabing: "Ano guys? Tara!"

Umagree si Owy, Biboy, at Ver. Ako nalang hinihintay nilang sumagot..

"Ano Ully? Game?" sabi ni Oliver

Sige na nga. Papayag nako.

"Leggo!" sagot ko kay Oliver at nagsmile naman sila.

"Uhm, saan tayo magvivideo?" sabi ni Ranz na parang nag-aalala.

"Sa rooftop niyo para cool!" hyper na sagot ni Cav. Ang hyper mo talaga Cav.

"Tara na! Kuya, dalhin mo na yang camera!" sabi ni Owy sabay takbo paakyat sa rooftop. Sumunod na din Cav, Ver at Biboy. Kaya kami ni Ranz, sumunod na din.

_____

*Rooftop*

Mahangin dito. Ang sarap sa pakirandam. Naupo muna kami at nagplano para sa video.

"Lahat ba tayo sasayaw? Sinong magrerecord ng video?" sabi ni Ranz. Problemado nalang to palagi. Lalo nang nasingkit ang mata. haha.

"Ako nalang at si Biboy! Next time nalang kami sasama sa video." sabi ni Owy at umagree naman si Biboy.

"Ayos lang?" sabi ni Cav kay Owy at Biboy.

"Oo naman. Ayos lang!" sabay na sagot ni Biboy at Owy.

"Okay sige simulan na natin!" sabi ni Ranz at nagpwesto na si Cav, Ranz, Ver at ako.

"Okay, ready 1,2,3..." sabi ni Biboy at iniplay ang music.

*tugs tugs tugs*

Nowplaying: Teach Me how to Dougie.

Owy's POV.

Nung nagplay ang music, nagsimula na silang sumayaw. Ang gagaling nila sumayaw, lalo na si Ranz at Ully. Swag!

*after 2 mins.*

"Okay, and stop!" Sabi ko sa kanila at tumigil na sila sa pagsasayaw.

"Galing mo Ully! Bboying!" sabi ni Cav kay Ully.

"Hahaha. Di din." humble na sagot ni Ully.

"Patingin nga nung video." sabi ni Ranz na nagpupunas ng kanyang pawis.

"O, eto." sabi ko sabay abot kay Ranz nung camera.

Napasmile si Ranz habang pinapanood ang video. Lumapit din si Cav, Ver at Ully para tingnan ang video.

"Nagkamali ako. Awww!" sabi ni Cav

"Ayos lang yan! Di naman halata eh." sabi ni Kuya Oliver kay Cav.

"Guys, pinapauwi na ako ni Lola sa bahay. Uwi na ako!" sabi ni Biboy.

"Ako din uwi na tayo. Tara na Owy." sabi sakin ni Kuya Oliver.

"Sige. Ranz, sayo muna yang cam." sabi ko kay Ranz at lumakad na paalis.

"Bro, alis na din ako." sabi ni Cav.

"Ako din Ranz. Yung project sayo muna. Geh bro!" at sabay na silang umalis ni Cav.

_________

Ranz POV

Pagkatapos namin magvideo, umalis na sila. Ako nalang mageedit nitong mga video, marunong naman ako.

*after 5 mins.*

Natapos ko nang iedit ang video. Pero may kulang padin. Anong ilalagay ko? Teach Me How to Dougie by....? Kaya nagtext ako sa kanila para magtanong.

<Me: 09*********>

Guys! Anong ipapangalan natin sa group natin?

-Sent-

-Cav replied-

"Bro, the 6 idiots nalang."

Etong si Cav lagi nalang nagloko kaya nireplyan ko siya.

"Bro di bagay ang 6 idiots. Yung unique name dapat! haha."-Me.

-SENT-

NagGM si Owy.

"What if The Handsome Boys?" -Owy

NagGM din si Ully.

"Wag naman ganun Owy. Daoat yung unique! Lol." -Ully.

NagGM din si Ver.

"Guys, what about Chicser?"-Ver

Parang maganda yung name na yun ah. Bagay naman samin. Gwapo naman kami (yeah!) at unique. Bagay ayos!

"Guys, yun nalang naisip ni Ver. CHICSER!" GM ko.

"Osige!" "Yan na nga lang!" "We are the Chicser yeah!" "Cool!" -yan yung mga reply nila sakin after kong iGM yun.

Kaya naman, natapos ko nang iedit ang video. Gumawa din ako ng acct naming 6, ChicserOfficial name.

Iniupload ko na ang video, sa description nilagay ko ang mga name namin:

Ranz Kyle Viniel E.

Clarence Adrian Villafuerte

Oliver Lance Posadas

Owy Posadas

Biboy Chua

Ullyses Webb Basa.

After nun, agad akong nagsign out at nagGM ulit sa kanila.

"Guys, naupload ko na video. Check niyo nalang sa ChicserOfficial sa youtube."-Me.

Tulog na ako. Goodnight!

________

A/N: Ano kayang sunod na mangyayare? Vote.Comment. be a fan. Thanks. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chapter 3: Chicser??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon