Chapter 6: The Proposal

383 16 10
                                    

TUMAWAG agad ako ng uwak (sumuka) pagkagising. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na 'ko iinom no'ng last time na naranasan ko 'to pero it's a prank. Grabe, ang sakit ng ulo ko! Ilan bang baso ng beer ang nainom ko kagabi?

Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko, nag-PM ako kay Peter na a-absent ako ngayon. Nag-message din ako sa GC namin nila Tine at Tanya para informed ang mga baccla na buhay pa 'ko.

Hihiga na sana ako ulit nang mapansin ko na may nakapatong sa ibabaw ng mesa ko. Pagkain ba 'to?

Binuksan ko 'yong paper bag at plastic. May lugaw, juice, Magic Flakes, bottled water, kapeng lumamig na, isang piling na saging at ilang piraso ng orange. Galing kaya 'to kay landlady? Nakita niya siguro akong umuwi kagabi na lasing.

Napangiti ako. Ang thoughtful talaga niya. Ang alam ko, mga pagkain 'to para mabawasan ang hang over.

May kumatok. "Ate Jackie! Papasok na ko ha?"

Hindi pa 'ko nakakasagot pumasok na agad si Lengleng. May dala siyang mangkok.

"Ano 'yan?" Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Nagluto si mama ng sopas. Nakita ka raw niya kagabi, lasing nang umuwi."

Binalik ko ang tingin sa mga pagkain. "Hindi ba 'to galing sa inyo?"

Umiling si Lengleng. "Baka galing 'yan sa naghatid sa'yo rito. Lalaki raw sabi ni mama. Yiiee, si ate." Tinusok niya pa ako ng daliri sa tagiliran.

Lalaki? Akala ko sina Tanya at Tine ang naghatid sa'kin?

"Sige na 'te. Hatid mo na lang 'yang mangkok kapag okay na pakiramdam mo." Tumayo na si Lengleng at umalis.

Nawala agad 'yong sama ng pakiramdam ko. Chineck ko kung may message na sila sa GC.

Tanya: Ayan, inom pa! Wala ka tuloy sa chikahan namin.

Nag-message ako.

Me: Mga accla, akala ko kayo naghatid sa'kin? Bakit sabi ni landlady lalaki raw?

Nag-seen agad ang dalawa. Kumain muna ako ng orange habang naghihintay ako na may magreply.

Aba, naubos ko na ang orange wala pa ring sumasagot!

Me: Huy, mga accla! I deserve to know the truth and the light. Ano bang nangyari kagabi?

Nag-seen na ulit sila. Ang tagal na naman sumagot! Pinagtitripan yata ako nito eh.

Nakita kong typing na si Tine. Nakatutok lang ako sa phone ko habang pinapanood ang paggalaw ng tatlong dot.

Tine: Kwento namin sa'yo bukas para happy. 😁

Me: Tsk! Bukas pa. Bakit 'di pa ngayon?

Tine: Mas masaya kasi ang chikahan kapag personal. Mag-rest ka na diyan, mag-werk muna kami.

Habang kinakain ko 'yong sopas na bigay ni landlady, pinilit kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi.

Someday, you will forget all the pain that you're experiencing kasi you have all the love that you deserved.

Boses ng lalaki ang nagsabi niyan. Hindi ko nga lang sure kung sino 'yon.

Napahinga ako ng malalim. Mabuti na lang at walang ginawang masama sa'kin 'yong lalaking 'yon. Nag-iwan pa siya ng mga foods. How thoughtful.

---*

Kasingganda ko na ang pakiramdam ko kinabukasan. Dahil good mood ako, sinuot ko ang bago kong blouse na kulay baby pink. Tinernuhan ko rin ito ng white skirt. Sinuot ko rin ang gray flats ko. Kapag adult ka na talaga, iba na sa pakiramdam kapag ang OOTD mo, puro bago. Hehe.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon