CHAPTER 24

83 4 0
                                    

“Ugh...” Unti-unting iminulat ko ang aking mata na halos hindi makapaniwala sa aking nakita. Nasa loob na ba ako ng palasyo? Sa pinaka Center na kulungan na siyang tanging makikita lamang sa Main palace.

Nangingibabaw man ang saya ng panloob ko sa magandang balita na buhay ako at nagtagumpay sa unang plano ngunit sadyang nagdudusa naman sa pamamaga, pagkahilo, at hindi paggalaw ng maayos.

Hindi man maiangat ang ulo, ay kinakailangan ko paring pilitin ang sariling mabuhay. Agarang nabigyan pansin siguro ni Sebastian ang pagpapagamot sa akin.

Binuhay niya ako and I know the payment for this. I still don't know kung sa anong pamamaraan. It either papatayin niya ako sa pamamagitan ng walang tigil na sakit galing sa mabibigat niyang kamay, o 'di kaya gagamit siya ng mga ibang tao upang tumapos ng buhay ko.

Tanging na mamasdan ko lang sa ngayon ay ang mga kurtinang nakatakip sa mga bintana. Nagtataka ako kung bakit ganito ang hawlang nilagyan sa akin.

I tried to find some of the other prison but there were none. I am inside of a room wherein it is blank and nothing except the table in front of my caged.

Walang ilaw sa loob at tanging ilaw lang ng araw ang makikitang nag r-reflect sa manipis na kurtinang puti.

“Ewww!” May biglang bosis akong narinig mula sa kabilang kwarto at kaagad naman akong napatuon ng tingin rito. Isang babae ang biglang pumasok sa kwarto ko at nakasuot ito ng underwear at walang takip ang pang-itaas niyang bahagi.

“O-O mamamo! Huhuhu.” Malakas na iyakan ng bata na nagmula sa kamay niya. Naawa ako sa bata dahil sa karumal-dumal na paghawak niya rito. Ano ang buong pag-aakala niya sa bata, manok na basta-basta nalang hinahawakan ng pabaliktad sa paa at pinapabayaang yumagayway ang ulo at mga kamay nito sa lupa?

Napalaki ang mga mata ko ng napadaan ang mukha ng bata sa harapan ko. Parang biglang tumigil ang pagtakbo ng mundo ko at mabilis na napatulo ang mga luha.

Is it my son? My baby lucky? Umiiyak habang pinipilit na makaalis sa kamay ng demonyong babaing humahawak sa kanya.

Nilagay niya ito sa lupa at kaagad na itinaas ang bata sa pamamagitan ng paghawak sa damit nito sa likuran saka na isinabit sa itaas ng pader na kung saan mayroong isang lansang na nakadikit dito.

“O 'yan. Giyan ka nababagay! Nakakadiri kang bata ka! Sarap mong patayin iwan ko ba kasi kung saan ang t*nginang nanay mo at ako pa talaga ang pinabantay sayo!” Pagmumura ng babae sa anak ko.
How dare she. Wala siyang karapatan na pag sigawan ang anak ko at kahit kailan wala siyang tamang rask ako upang basta nalang isasabit at ilalagay ang anak ko sa kung saan.

Where is Sebastian? Akala ko ba maganda ang pagtrato niya sa anak ko. I assume na nais niyang palakihin si Lucky sa tamang pamamaraan. Is he telling me now that everything he said to me is a lie?

Lumapit siya sa isang lababo at naghugas ng mga kamay. Although makikita niya sa reflection ng tiles sa dingding ang kulungan ko ay nagpatuloy parin ito sa ginagawa niya. As if I did not exist.

Nanlumo ang mga mukha ko sa tuwing naririnig ko ang tinig na nasasaktan ang anak ko. Napakuyom nalamang ako ng mga kamay. Okay lang sa akin na ako ang saktan huwag lang ang anak ko. Masyado pa siyang inosente at hindi niya ginusto ang pangyayaring ito sa buhay niya.

Isang lalaki ang pumasok pa sa pinto ng silid at nakangiti pa itong may langit sa mukha. He is only wearing a boxer while looking so high to the woman.

His eyes widened and immediately burst out laughing when he suddenly saw my son hanging on the wall. “Wtf. Wow! Hahaha what have you done to him, Dear? Hahaha that's awesome!” tawang-tawa na saad niya.

Who are they? Ano ang ginagawa nila dito at bakit nasa kanila ang anak kong si Lucky?

“Hahaha yeah! Ampon kasi 'yan ni insan eh. Alam mo naman. Anak' yan ng ex-wife ni Sebastian.” Napuno ng tawanan nilang dalawa ang silid habang ang bata naman ay hindi na mabuting makahinga dahil sa labis na pag-iiyak.

Tanging ang atensyon ko ay tumutuon lang sa bata. Naghirap ako masyado tapos ganito lang pala ang maging kahinatnan ko at ng anak ko dito.

“Sarap na ngang patayin eh. Pero sabi kasi ni pinsan huwag na raw muna. Malaking gulo kasi ang mangyayari sa palasyo ng Del-Alpha kapag papatayin ang batang iyan. Since you know naman ang issue, ang batang ito ang maaring aagaw ng trono kay Sebastian hindi ba?” ani ng babae na ikinalaki ng mga mata ko.

Aagaw ng trono kay Sebastian? How come?

“Psst. 'Yong bunganga mo, hindi ka talaga nag-iingat, Karie. Paano kapag marinig ka ni Master?” alalang saad ng lalaki.

“Why would I-”

“Wait a minute... S-Saan nanggagaling' yong mabahong amoy?” Paglilikramo ng lalaki habang humahawak sa kanyang ilong.

“Ah nag poop 'yan doon sa kama niya. Eh bahala siya, bumaho siya dahil  hinding-hindi ko siya liligu-an. Matoto siyang maligo ng sarili niya, duhhh.” Pareho silang napatawa. Mga demonyo!

“Love, tara na?” Malambing na pagyaya ng lalaki at kaagad namang napangiti ang babaing nagngangalang Karie at agarang tinulak ang binata sa mesa banda sa pagitan ko at ng anak ko.

Naghahalong pawis, luha, sipon at laway lang ang makikita sa mukha ng anak ko habang pilit niyang tinatahan ang sariling mga luha.

“Let's have some fun Hahaha.” Tumawa sila pareho at nagsimulang gumawa ng escandalo sa harapan mismo ng anak ko. Mas lalong napalakas ang iyak ng bata dahil sa tuwing gagalaw ang makutong babae ay natatamaan ang anak ko.

Kalahating metro lang naman ang layo ng mesa rito kaya hindi na ako nakapag pigil at naghanap na kaagad ng maaring maibato sa kanila.

Ang kakapal ng mukha! “Umalis kayo!” Sigawan ko sa kanila pero kahit kailan ay hindi sila napigilan sa gusto nilang mangyari.

Ng biglang napaiyak ng malakas si Lucky ay mabilisang napatayo ang babae at kumuha ng maliit na stick saka na hinampas sa mukha ng anak ko.

F*ck! Mga p*nyeta kayo.

“Ma-Ma-Ma!” Pakikiawa na sigaw ng bata habang pumapalag sa kinabibitayan niya.

Napatayo ako sa kinahihigaan ko at nagsimulang gumawa ng ingay para lang mapansin ang sigawan ko. Kung nanaisin ay papatayin ko kaya sa oras na makalabas ako dito.

“Pigilan niyo ang pag sakit sa anak ko, mga demonyo kayo!” Malakas na sigaw ko. Hampas ng hampas ng babae ang iba't ibang parte ng katawan ni Lucky gamit lamang ang maliit na stick.

Kahit hindi ganoon ka lakas 'yon ay malaking palakol na iyon para sa isang katulad ni Lucky.

Biglang napigilan ako ng namalayan ang mukhang tumatawa ni Sebastian sa labas ng pintuan. Taas kilay siyang nakatingin sa akin at tuwang-tuwa na minamasdan ang anak kong nagdudusa.

Napaharap ako sa kanya ng may apoy sa mga mata habang nakakuyom ang mga kamay. “Tama na,” saad ni Sebastian at kaagad namang napapigil ang dalawa sa paghahampas sa anak ko.

“What the h*ll is this, Sebastian? Ayoko na!” Napanguso ang labi ni Sebastian at kaagad na itinuro ako sa babae.

Napabaling ng tingin sa akin ang babae at gumuhit ang naiirita niyang mukha. “I know right.” Napatiyok siya ng mata.

“Mama niya 'yan. Mag e-eight hours na' yang hindi nakakain. Ibigay mo muna doon.” Binuksan nila ang kulungan ko pero hindi rin naman ako masyadong makagalaw dahil sa dalawang kadena na nakatali sa mga paa ko.

Kinuha ni Karie ang bata at mabilisan naman akong lumapit upang abotin ang anak ko, sa hindi inaasahang pangyayari ay imbis na ibigay niya ng insakto ay mabilisan niyang hinagis sa akin ang bata na para bang nagtatapon lang siya ng madumi ng basura. Dahil sa ganoong sitwasyon ay agarang napatalon ang mga binti ko pati ang puso at isipan ko.

Aktibo kong sinalo ang bata at napahiyaw ito sa iyak. “Anakkk! Huhu mga bw*sit kayo! Ipinapangako kong hindi ako mabubulok sa mundo ng hindi kasama ang mga bangkay ninyo!” Panunumpa ko sa kanila pero napahalakhak lang sila sa akin bago paman isinira muli ang kulungan at lumabas na pinto.

Bakit? Bakit ang lulupit ninyo!

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon