Chapter 01

6 0 0
                                    

Enrollment

Ilang message na ang naisesend ko kay Sein pero puro delivered lang ang kinalalabasan non. Iniwan na naman siguro nitong nakabukas ang laptop niya o kaya ang phone niya kagabi. Gawaing gawain ang ganoon, napagsasabihan tuloy na late replier.

"Baby, breakfast?" Mommy knocked on my door gently. She knows that I will be awake this early because of the enrollment. Usually, hindi naman niya ako ginigising nang maaga.

"Ligo lang po ako saglit, My." 

I only wear an appropriate outfit in school grounds. Karamihan sa damit ko ay maliliit at croptops dahil madalas akong mabudol ni Sein para bumili ng ganoong klase ng damit. Pero may iilan naman sa closet ko na mahaba at sumobra naman sa laki. Kung hindi croptops ay oversized shirt and suot ko.

I wore a simple t-shirt and a skirt. Above the knee and skirt ko at hindi naman iyon sobrang ikli. Pinartneran ko iyon ng isang simpleng sandals.

"Alis ka na after mong kumain? I'll drop you off," Daddy said over breakfast.

I gave him a tiny shake of my head and finish what was in my mouth before I speak.

"Later pa ako, Dy. Hintayin ko pa po si Sein."

I drank the milk beside me and look away. Minsan hindi ko maintindihan si Daddy. I am old enough to understand things. The toddler Hiraya would probably shrug everything off but not today. Not when I can understand things.

"Kung ganoon pala ay mamasahe ka na lang."

Nasa kwarto lang ako habang naghihintay kay Sein. I compiled my paper in brown envelope and I putted a pen in my bag.

I rechecked everything before I went out of my room. Sa sala ako nagpalipas ng oras. I opened the TikTok application and scroll through it to kill time.

Lumabas sa feed ko ang headphones na gusto kong bilhin. Wala pa akong ipon kaya nakatambak pa iyon sa cart ng shared account namin ni Mommy sa isang online shop.

Ilang linggo na lang naman ang bibilangin at magkakaroon na ulit ako baon. I can save from that.

Ang usapan namin ni Sein, if she will not respond in an hour, mauna na ako sa school. Nagpuyat na naman ang babaeng iyon.

"Si Sein?" tanong ni Mommy, nasa likod ko pala.

"Mauna na lang po ako sa kaniya. Tulog pa, My."

"Bakit hindi ka na lang sumabay sa daddy mo kung ganon? Kaaalis-alis lang." Worries run in her face.

I merely smiled at her.

It was the first day of the enrollment here in Monarch Faraday Univerity. Maraming estudyante na ang nagkalat. Pansin na rin ang mahabang pila sa accounting.

Nagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa Annex II dahil dito raw ang enrollan for senior high school. Hindi naman ako na-inform na sobrang haba pala ng pila. I should've wear my sneakers. Ang sakit na ng paa ko.

It was crowded, and the amount of students in front of me is unmeasurable. Medyo nangangawit na ako sa aking kinatatayuan dahil kanina pa ako rito.

I looked at my phone, checking if Sein responded to my texts. Ilang oras na ako rito pero wala pa rin akong nakukuhang reply mula sa kanya. Ano na naman kaya ang pinagkapuyatan niya kagabi?

Kanina pa ako at mukhang hindi naman gumagalaw ang pila. Ang nauunang sa akin ay nakaearphones kaya hindi ko rin mapagtanungan, tulala lang ito sa harapan niya. Kanina pa rin siya hindi gumagalaw.

Isinayaw sayaw ko na ang aking mga paa dahil sa inip. Hindi pa ba matatapos 'to?

Kung hindi lang enrollment ang ipununta ko rito ay kanina pa ako umuwi. Sana pala ay hinintay ko na lang si Sein.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Entangled Series: Anchored Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon