Kabanata 6

3.1K 50 1
                                    

Kabanata 6

Reemo

Bigla akong inakbayan ni Evan habang nakaupo kami sa couch na nasa loob ng opisina ni Whiskey Anadalio. Evan even drew his face close then smirked and poked my cheek.

"Ba't malungkot ang beshy ko?" tanong niya saka humagalpak ng tawa sa sariling kalokohan.

I gritted my teeth then picked up the magazine his own publishing company had produced last month. Si Whiskey ang cover no'n pero wala akong pakialam. I rolled it and hit Evan on the head.

"Tantanan mo kaka-Facebook. Hayop ka," asik ko.

Whiskey sighed, shook his head, and then continued signing the documents  I needed. Magtatayo ng bagong production compound si Whiskey para sa GWA Motors. Ang construction company namin ang kinuha niya para sa project. Kung bakit nandito rin si Evan, hindi ko alam.

Right. They're best friends. Isang matino at ubod ng seryoso sa buhay at isang kinulang sa luwag ng turnilyo sa utak.

Evan massaged his head while grinning. "Ba't hindi yata nakatali sa baywang mo ngayon si Ian, hmm? May BFQ ba kayo?" usyoso niya. Chismoso talaga.

I licked my lower lip then slouched on the sofa. "No'ng nakaraan kasi, nahuli kami ng nanay-nanayan niya."

"Nahuli na ano?"

I sighed. "Naghahalikan."

Whiskey stopped writing and looked at me as if I just said the weirdest thing he had ever heard. Ngumisi naman si Evan, hinawakan ako sa ulo saka ako hinalikan sa sintido.

"Hmm, papi! Hindi ka na torpe! Napalaki na kita nang maayos!" anang siraulo saka malutong na tumawa.

Whiskey sighed. "Did she let you kiss her or was she drunk? Because if it's the latter, I'm gonna beat your ass," aniya.

"Ako ang lasing," sagot ko.

Evan blinked. "So it's she who took advantage of you then?"

I groaned. "Hindi gano'n. Tinanong niya ako kung pwede ko siyang turuang humalik." I lowered my head. "Para kung magka-boyfriend na raw siya marunong na siya. No'ng nahuli kami ni Tyang, panagutan ko raw siya. Syempre napangisi ako kasi gagawin ko naman talaga kahit walang nangyari sa'min. Kaso sagot ni Ian, hinding-hindi raw namin mamahalin ang isa't isa."

"Ouch." Evan laughed softly. "Ayun lang, papi."

Whiskey leaned on his chair. "So you're telling us right now that our assumption was true? That you're in love with Helian, hmm?"

Bigla akong naestatwa. Shit! Why the hell did I open up? Ang daldal pa naman nitong si Evan!

Umiwas ako ng tingin. "H-Hindi, ah?" Tumikhim ako saka na tumayo. "Tapos ka na ba? Anong oras na. Pupuntahan ko pa si Rig."

Hinatak ako ni Evan paupo. "Dito ka muna. Pag-usapan muna natin 'yang buhay pag-ibig mo."

"Hindi mo ikayayaman ang lovelife ko, Evander."

Ngumisi siya. "Mayaman na ko. I need some entertainment. You know, creative people like me loves hearing stories. Conflicts and dramas."

"No offense but are you fucking gay?"

He made a series of tsk sound. "It's pride month and you're saying that? I'm not gay but I support the LGBTQTSTUV."

"Gago, LGBTQ+."

"Ay hanggang Q lang ba? Binago na pala." Tumawa ang gago.

I rubbed my palm on my face then looked at Whiskey. "You better send this motherfucker to an asylum before he gets worse. Bilib na talaga ako kay Elanor. Buti hindi pa nagre-resign 'yon?"

Napaiwas ng tingin si Whiskey. Makahulugan namang ngumisi si Evan saka tumawa nang mapang-asar.

"Hay, kung napaliligiran ka nga naman ng mga torpe. Isang bahag ang buntot at isang papa de azúcar," biro ni Evan.

Kumunot ang noo ko. "Papa de azúcar? Anong papa de azúcar?"

Dinampot niya ang magazine na ginamit ko rin kanina para ipalo sa kanya. He then hit me with it, too before he crossed his legs in a manly way.

"Sugar daddy. Parang 'di ka nag-grade two. Palibhasa hindi ka nakikinig sa French class mo noon."

My eyes rolled. "Tanga, hindi naman French 'yon." Inis na inis akong nagkamot ng ulo. "Whiskey, bilisan mo na nga diyan at bibigay na utak ko rito sa tarantadong 'to."

"Wait lang, mamaya na. Whiskey, bagalan mo ang pagpirma. Kasing bagal ng kilos mo pagdating kay Elanor," Evan said.

Whiskey showed his middle finger to Evan before he went back to signing the documents. Bumaling namang muli sa akin si Evan saka siya ngumisi.

"You know, man, if you cannot directly confess to Ian, you gotta make her confess instead," ani Evan.

Tumikhim ako. "A-At . . . paano ko naman gagawin 'yon?"

Makahulugang ngumisi si Evan. "Now, I have your attention, huh?" He tapped my back. "Simple. Start paying more attention to other girls. Ang problema kasi sa'yo, kahit may girlfriend ka, kay Ian pa rin ang mas malaking bahagi ng atensyon mo. You are not giving her enough room to get jealous, and jealousy is, oh boy, a very powerful feeling that makes someone explode to admit their true feelings."

Napaisip ako. Oo nga, ano? Kapag nagseselos ako sa mga lalakeng umaaligid kay Ian, madalas kong makalimutang kontrolin ang sarili ko. Ilang beses na rin akong muntik mabuko dahil sa selos ko.

I sighed. "Kaso baka naman hindi magselos dahil hindi naman ako mahal?"

"Imposible. I'm a love expert. I can sense when someone is in love with another person," proud niyang sabi.

Love expert my ass. Wala ngang tumagal na girlfriend?

"Ewan ko sayo, Evan puro ka kalokohan. May love expert ka pang nalalaman hindi mo nga kayang patagalin mga relasyon mo," asik ko.

Umismid siya. "Dude, isa lang ako. Of course I gotta give chances to women as much as I can. Kawawa naman ang hindi makakatikim?"

Mangani-ngani ko siyang hampasin ulit ng magazine kung hindi lang niya nailayo kaagad. Ngumisi pa nang irapan ko. Maya-maya ay kunwaring bumuntonghininga.

"Listen, Reemo. Trust me on this one. Kapag pinagselos mo 'yang si Ian, magugulat ka na lang siya na ang umaamin ng nararamdaman niya para sayo. Find someone who isn't serious about relationships yet so it would be easier to break up with her once you accomplish your mission. Tapos kung kayo na, syempre pinakaimportante ay 'yong titiisin mo muna si Ian. Huwag mong pansinin masyado."

Now that's the hard part. Sandali ko nga lang hindi makita ang maton na 'yon, hindi na ko napapakali.

I entwined my fingers and thought about it. But what if it will work? What if Evan's suggestion will finally pull me out of the friendzone?

I sighed while Evan was already busy scrolling on social media. "Pag-iisipan ko—"

"Oh, look! Is this Ian?" He showed his phone with a grin. "Mukhang may date. Alam mo ba 'to?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. It was a photo of Ian that Troy posted.

Umigting ang aking panga saka ko malamig na tinitigan si Evan.

"Tell me what to do then . . ."

TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon