Last day of the class, doon kita nakita. Kasama mo ang mga kaibigan mo habang nagtatawanan kayo sa hallway. Tamang tama ang pagdaan ko sa inyo dahil biglang nagtama ang mga mata natin.
Tila nakaramdam ako ng kakaiba, kilig o takot? Hindi ko maintindihan eh, para bang love at first sight? Hindi ko naman kasi akalaing mag sasalubong ang mga tingin natin.
Hindi pa doon nagtatapos ang pagkikita natin dahil sa wakas ay nakausap kita at ang mga kaibigan mo. Buti na lang talaga at senior writer ako sa school publication natin noon, nakapanayam ko kayo dahil kayong lahat ay graduating with honors. Lalo akong humanga sayo, sa bawat pagsagot mo sa mga tanong ko ay sobrang makabuluhan. Tama nga na ikaw ang naging class valedictorian. Isa kang magandang halimbawa sa mga mag-aaral.
Pero after ng graduation, hindi na kita nakita. Ewan ko, parang hinahanap ka na ng sistema ko o baliw lang ba ako? Siguro ikaw ang unang crush ko sa buong buhay ko. Hindi ka lang matalino, mabait, at gwapo, isa ka ding kahanga-hangang tao dahil sa loob ng ilang araw nakita ko ang tunay na ikaw. Isa ka sa mga hinding hindi ko makakalimutan.
2 years later...
"Wyl, kamusta na yung project natin? ok na ba yung pinakuha kong libro sa library?" naiinip na tanong sa akin ng leader naming wala namang ginawa kundi utusan kami ng utusan.
"Ah! oo Ysa. Nasa locker ko na, nakapag take notes na din ako about sa project natin. Send ko sayo mamaya after lunch. And iyong prototype na respiratory system natin ay malapit ng matapos" mahabang sabi ko.
Ayun, boom! nganga! nag walk-out si ate girl. Nakakagigil din kasi yung prof namin eh, akala ko solo project, yun pala group. Hay, relax Annwyll. Relax para sa pangarap! Padayon!
At dahil nga clumsy ako may nabangga akong student dito sa hallway, jusko naman Wyll. Why oh, Why!?
"I'm sorry, ok ka lang miss?" teka familiar ang boses na 'yon. At nag slow mo na nga ang buong pangyayari. Talaga nga naman, tadhana salamat!
"A-e-i-o-Ah! oo, sorry sorry talaga ako kasi yung hindi tumitingin, sorry talaga ah."
"Wait, are you Annwyll Rose Veloso? the senior writer of CrossRoads?"OMG! OMG! OMG! naaalala niya ako?! Lord, ang agang birthday gift naman nito?
"Ah, oo. You're Alexus Rojan Pedrico right?"
"Yeah, wow. What a small world. I'm sorry nga pala at nabangga kita."
"Hindi, okay lang kahit araw arawin mo pa akong banggain"
"Sorry di ko narinig ano nga iyon?"
"Ah! Hindi ok lang ako. By the way dito ka din nag-aaral?"
"Yeah I just transferred last week. Biology ang program na kinuha ko kung itatanong mo"
"Ah, hehehe great! ako din kasi"
"Uhm, so mauna na ako Annwyll? May dadaanan pa kasi ako."
"Sige, ingat ka"
At habang papalayo ka sa akin, unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko. After all this years, ikaw pa din pala. Hindi nawala ang paghanga ko sa'yo, siguro naglevel up na yung crush stage ko sa'yo. Ito na ba yung sinasabi nilang in-love?
Mahal na nga ba talaga kita Alexus?
YOU ARE READING
Lies Between Us
ChickLitMasarap ang magmahal. Pag-ibig na magparamdam sayo ng ibat ibang emosyon. Tawa, iyak, kilig, lungkot at takot lahat ng ito naramdaman ko dahil sa pagmamahal. Pero paano kung isang araw, ang pagmamahal na nadarama mo ay hindi pala totoo. Paano kung i...