05
"With you by my side..."
Agad ko namang tiningnan ang mga kaibigan ko bago pa man nila matuloy ang kanilang pang-aasar. Tinikom naman nila ang kanilang mga bibig at mukhang nagpipigil pa ng mga tawa.
Nasa gazebo kami ngayon at kumakain ng tanghalian. Matapos ang interview ni Clyde, hindi agad ako nakagalaw sa 'king puwesto. Para bang nakadikit ako sa upuan at hindi maigalaw ang aking mga kamay at paa.
Bakit ba kasi ganoon siya makatitig?!
Sa sobrang gulo ng aking isipan, isinandal ko ang aking noo sa lamesa at ginulo ang aking buhok. I didn't care if my curls would be ruined. I care more about my heart's state right now!
Umayos ako ng upo at hinawakan ang mga pisngi ko. Tangina, ang init! Lalagnatin yata ako, e! Mas lalo kong diniinan ang paghawak sa 'king mga pisngi kaya nama'y binatukan ako ni Ade.
"Tanginang 'yan! Pumunta sa gazebo para mag-reminisce!" Narinig ko naman ang tawanan nina Eli at Kei. Mabuti na lamang at wala si Gio rito kaya nabawasan ang inis ko.
"Kei." Napatingin kami kay Eli nang magsalita ito. "Where's Gio? Nasa akin 'yung lunch niya."
Nalipat naman ang tingin ko kay Kei na ngayon ay napatigil sa pagsubo ng kaniyang ramen. Kumunot ang noo niya nang tumingin siya kay Eli. "Bakit mo sa 'kin hinahanap 'yon? Mukha ba akong lost and found?" sagot niya at nagpatuloy sa pag kain.
Pinigilan kong tumawa nang marinig iyon ngunit nagkatinginan kami ni Ade kaya nama'y napapikit ako. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko kapipigil ng tawa. Napatingin naman ako kay Eli na ngayo'y tinatabunan ang bibig niya.
Nagulat naman ako nang paulit-ulit akong sinapak ni Ade sa balikat kasabay ng pag-ubo niya. Tiningnan niya ako at pasimpleng ngumuso sa likod ko.
"Hey, girls of Atenews. May we sit with you?"
Napalingon naman ako rito. When I looked over, I noticed Kiel with the camera strap around his neck, accompanied by Yohan and Clyde. The two were talking to each other, while Kiel was waiting for our answer.
I took a glance at the other gazebos and looked at Kiel, then gave him a subtle smile. I nodded and said, "Sure. Marami pa namang space." Napalingon ako kay Ade nang bigla niya akong siniko at pinanlakihan ng mata ngunit hinayaan ko lamang siya.
I saw him return a smile, but my eyes quickly shifted to where Clyde was. He was there, standing with his hands inside his pockets. He's just talking to Yohan, yet here I am, internally screaming and going crazy! How can this guy look so gorgeous just by chit chatting with his friend?!
Just when Kiel called the both of them, I saw how his eyes went down to meet mine. But before our eyes would meet, I avoided his gaze because I have to prioritize my sanity at this exact moment.
The idea of being obvious in front of him never crossed my mind, not even once, not even twice. It simply never occurred to me. Kahit na lumuhod kayo sa harapan ko, hinding-hindi ako magpapahalata!
YOU ARE READING
An Untold Summer Rain (Campus Journ Series #1)
Teen FictionCelaena Velasco, the Associate Editor of Atenews, has always been admiring their Editor-in-Chief, Clyde Montejo, ever since she was a freshman in Ateneo de Davao University. As they become busy with the school publication, Celaena finds herself kno...