06

33 7 2
                                    

06











It's been a week since Palarong Atenista, and now we're back to the usual classroom setting. It's also been a week since Clyde and I had our conversation, but all of his words were still fresh in my mind.











Kapag naaalala ko ang mga pag-uusap namin, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Sino ba naman hindi kikiligin kapag ganoon kumilos at makipag-usap ang happy crush nila, 'di ba?!











Tangina, kaya umaasa ako, e!











"Okay lang. Sa kaniya naman ako umaasa," bulong ko sa sarili habang nakapangalumbaba.











Nayayamot na 'ko kahihintay na matapos ang klase! Kaunti na lamang at pumikit na 'ko nang tuluyan. Binaling ko naman ang atensyon ko kay Gio na ngayon ay nakasandal ang ulo sa kaniyang lamesa at natutulog. Tangina, walang hiya! Mabuti pa ako at may natitira pang kahihiyan sa 'king kaluluwa.











Inalis ko naman agad ang mga mata ko kay Gio dahil nakaramdam ako bigla ng antok. Pasimple naman akong yumuko at humikab upang hindi makita ng professor namin. Mahirap na at baka ma-special mention bigla. Balita ko pa naman na siya ang professor ng business taxation sa accounting.











Okay, fine! Makikinig na nga ako! Tutal, last subject naman na ito. Plus, I want Clyde to hear nothing but good impressions about me.











Sakto naman nung pagkuha ko ng aking binder notebook, bigla kaming dinismiss ng aming professor kaya nama'y binalik ko na lamang ito sa 'king tote bag. Nagkibit balikat ako. "At least nailabas ko siya," saad ko sa sarili at tumayo mula sa 'king upuan.











"Ms. Velasco."











Nagulat ako nang tawagin ako ng professor namin. Tangina, hindi pa pala siya nakaalis dito.











Nginitian ko siya at sabay sagot, "Yes po?"











"Do you mind bringing these papers?" tanong niya at tiningnan ang mga naka-stack na papers sa lamesa. "I might need a hand papunta sa last class ko. Accountancy."











Bigla naman akong nabuhayan nang marinig iyon. Tangina, miss. Kahit araw-araw mo pang pabitbitin sa 'kin 'yang mga papeles na mga dala mo patungo sa room nila, hindi ako magdadalawang-isip na pumayag!











Umiling naman ako at ngumiti ulit. "I don't mind po," sagot ko at binitbit na ang mga papeles. Mabuti na lamang at same department kami nila Clyde kaya nama'y hindi malayo ang aming lalakarin.











While we were walking down the hallway, I simply got my phone out of my pocket and texted Eli.











To: eli | ms managing

nasa room ka?











From: eli | ms managing

Yup! Why, babe?











To: eli | ms managing

andiyan siya?











From: eli | ms managing

Boss? Yup. He's here.











Napangiti ako nang mabasa iyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagtipa.











An Untold Summer Rain (Campus Journ Series #1)Where stories live. Discover now