Author's Note

114 5 0
                                    

5 years, 62 Chapters, at countless times na muntikang mabaliw kakaisip sa pagsusulat nito.

5 years, hindi ko inexpect na aabot pala ng 5 years ang paghahanap kay Teresita. At sa loob ng mahabang panahon na ito ay napakarami nang nangyari. Kung tama ang pagkakatanda ko ay 1st year college pa lang ako sa pangalawang kurso noong sinimulan ko ang kwento ni Teresita Gomez. Nagpatuloy hanggang second at third year, inabutan pa nga ng COVID Pandemic, hanggang sa grumaduate na ako at ilang beses nang nagkaroon at nawalan ng trabaho, ay patuloy pa rin ang storyang ito. In that span, ay nasaksihan ko firsthand kung gaano kalaki ang naging improvement ko sa pagsusulat, sa creativity sa pagbuo ng mga scenario, at sa choice of words. Hindi man siya ganoon ka-perpekto, at hindi man ako matatawag na genius, ay masasabi kong binuhos ko ang lahat para makabuo ng ganitong obra.

Nagsimula ang lahat noong nakasakay ako sa isang bus papuntang Cagayan de Oro. Gabi ang byahe noon kaya nagkaroon ako ng medyo 'creepy' vibes. Kasagsagan din yun ng pagbibinge-watch ko ng mga unsolved mysteries o unsolved disappearances, kaya nagkaroon ako ng thought na what if mastranded tong bus na to in the middle of nowhere tapos kinabukasan ay maireport na lang na missing na ang lahat mga sakay nito?

At nang dahil sa nakaisip ako ng ganyang klaseng scenario, ay naisip ko rin na why not gumawa ako ng ganyang klaseng storya? So mula noong byahe, paunti-unti, ay nag-isip na ako ng plot, characters, setting, at ending nito. At noong nakarating na sa Cagayan at eventually, sa Iloilo ay sinimulan ko na nga ang Chapter 1-and the rest is history.

Sa katunayan nga, ang plano ko lang talaga is hanggang mga 20 to 30 chapters lang, pero umabot nga ito ng 62 chapters. At yun ay dahil lumawak din nang husto ang storya at naintroduce ang maraming character-kung saan nakalimutan ko na ang karamihan sa kanila, at kahit mismo mga pangalan ng ilan sa mga main.

Additionally, hindi ko rin inexpect na magkaroon ito ng 5.45k reads at tatangkilikin ng maraming tao; siguro dahil sa misteryo.

Basta 1 day, nagising na lang ako na paakyat nang paakyat na lang ang numero ng reads kaya ginanahan talaga ako. Hindi man kasing-dami ng mga popular na istorya sa Wattpad, ay malaki na talaga para sa akin ang ganyang bilang.

Kaya lubos akong nagpapasalamat sa mga patuloy na tumangkilik kahit inconsistent ang pagpublish ko at masyadong mabagal dahil sa mahahahabang hiatus. Sa lahat ng nag-abang kada update, at sa lahat ng nag-encourage at nag-appreciate. Malaki rin ang pasasalamat ko sa lahat ng pelikula, documentary at anime series na napanood, pati na rin sa mga librong nabasa dahil sa hinatid nilang inspirasyon.

5 years, 62 Chapters, at countless times na muntikang mabaliw sa kakaisip sa pagsusulat nito.

Malamang ay marami nang on-going stories na mas matagal na kaysa sa obrang ito. Pero itong Ang Pagkawala ni Teresita Gomez ang longest-yet na istoryang nagawa ko.

Nakakalungkot man, pero sa wakas, ay nahanap na rin si Teresita Gomez. At maisasara na ang kanyang kwento.

Maraming salamat sa inyong lahat at hanggang sa muli,

Jun Cryptic

Writer, Ang Pagkawala ni Teresita Gomez

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon